Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
Deskripsyon: Ang paninindigan ng Islam pagdating sa pagtatambal sa pagsamba kay Allah at pagtuturing sa iba ng mga katangiang para lamang sa Kanya at natatangi para sa Kanya. Bahagi 1: Ang kahulugan ng Shirk at mga uri nito. Mga uri ng malaking shirk.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 107 - Nag-email: 0 - Nakakita: 16,802 (pang-araw-araw na average: 7)
Mga Kinakailangan
·Paniniwala kay Allah. (2 bahagi)
Mga Layunin
·Ang matutunan ang tumpak na kahulugan ng shirk.
·Ang malaman ang malubhang panganib ng shirk mula sa Quranat Sunnah.
·Ang matutunan ang mga uri ng shirk.
·Ang matutunan ang shirk patungkol kay Allah:
oPagkapanginoon
oMga Pangalan at mga Katangian
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shirk -ang salitang tumutukoy sa pagtatambal kay Allah, o pagtuturing sa mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kasamaan at gantimpala ay nagmumula sa iba maliban pa kay Allah.
·Tawheed - Ang kaisahan at pamumukod-tangi ni Allah sa Kanyang pagka Panginoon, mga pangalan at katangian at Kanyang karapatan na sambahin.
·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay maraming pakahulugan depende sa uri ng pag-aaral gayunpaman ang pangkalahatan nitong kahulugan na tanggap ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa o sinang-ayunan ng Propeta.
Pambungad
Ang salitang Arabe na shirk [1] ay ang kabaligtaran ng tawheed, kaisahan at pamumukod tangi ni Allah, at mas napapabilang sa pagtatambal at paganismo. Ang shirk ay pagtaliwas sa anumang saysay na dahilan ng pagkalikha tulad ng ipinahayag sa Quran:
“ Hindi Ko nilikha ang mga jinn at ang tao maliban sa Ako ay sambahin .” (Quran 51:56)
Ang mga Propeta ay isinugo sa misyong burahin ang shirk at anyayahan ang sangkatauhan na ibukod tangi si Allah sa pagsamba.
Ano ang Shirk?
Ang Shirk ay ang pagtatambal ng anuman kay Allah sa mga aspeto na nararapat lamang sa kanya at natatangi Niyang karapatan. Ang Shirk ay ang pagsamba sa mga nilalang tulad ng kung paano sinasamba si Allah, ang galangin ang mga nilalang kung paanong si Allah ay ginagalang, at maglagay ng bahagi ng kanyang kabanalan sa iba.
Kalubhaan ng Shirk
Walang isyu sa Islam na kasing higpit gaya ng sa tawheed (monotismo). magkagayun ang shirk ay ang kinikilalang pinakamalaking paglabag na ang hinahamon nito ay ang Panginoon ng mga kalangitan at ng kalupaan. Ang kalubhaan ng shirk ay maaring maibuod sa mga sumusunod na puntos:
(1)Ang Shirk ay ginagawang magkatulad ang Tagapaglikha at ang kanyang nilikha, sa mga bagay na natatangi lamang kay Allah ay itinatangi sa iba na walang karapatan dito. Dahil dito ay dineklara ni Allah ang shirk bilang pinakamalaking kamalian,
“Sinuman ang magtambal (kay Allah) ay nakagawa ng napakalaking pagkakamali.” (Quran 31:13)
(2) Si Allah ay nagdeklara na hindi niya patatawarin ang nagkasala ng shirk hanggat sa ito ay magbalik-loob.
“Tunay na hindi patatawarin ni Allah ang nagtambal sa kanya, at patatawarin ang lahat maliban sa kung sino ang naisin Niya.” (Quran 4:48)
(3) Ipinagbawal ni Allah ang Paraiso sa kanilang hindi magbabalik-loob mula sa pagkakasala ng shirk, ibubulid siya sa impiyerno panghabang buhay,
“Sinuman ang magtambal kay Allah, ay ipinagbabawal sa kanya ni Allah ang Paraiso at ang kanyang tirahan ay ang Apoy.” (Quran 5:72)
(4) Lahat ng mabubuting gawa ng tao ay mawawala, magiging walang saysay, at magiging walang kabuluhan ang isang taong mamamatay na hindi nakapagbalik-loob,
“Tunay nga, na naipahayag sa iyo at sa mga nauna sa iyo; na kung nagtambal kayo kay Allah, ang iyong mga gawa ay mawawalan ng saysay, at tunay na mapapabilang ka sa mga talunan. .” (Quran 39:65)
(5) Shirk ang pinakamapanganib sa lahat ng mga malalaking kasalanan.Sa isang pagkakataon ang Propeta suma kanya nawa ang kapayapaan at pagbati ay tinanong niya ang kanyang kasamahan kung alam nila kung ano ang pinakamalaki sa lahat ng malalaking kasalanan. At ipinaliwanag niya ito sa kanila,
“Ang pinakamalalaking kasalanan ay: Shirk at ang pagiging suwail sa mga magulang…” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Mga Uri ng Shirk
(1) Malaking Shirk (Shirk Akbar)
(2) Maliit ng Shirk (Shirk Asghar)
Kahulugan ng Malaking Shirk
Ang malaking Shirk ay ang pagtatambal kay Allah sa mga aspeto na natatangi kay Allah, sa kanyang kalikasan at pagtatambal o ginagawa itong kapantay ni Allah.
Shirk sa Pagkapanginoon ni Allah
Kabilang sa mga uri nito:
(i) Atheismo (Ang paniniwala na ang tao ay walang panginoon).
Itinanggi ni Paraon ang pag-iral ni Allah at inangkin sa kanyang sarili ang pagiging Panginoon kila Moises at sa mga taga Ehipto. Ipinahayag niya sa mga tao:
“Ako ang iyong panginoon, Ang kataas-taasan.” (Quran 79:24)
Ang mga makabagong pilosopo na nagtanggi sa pag-iral ni Allah o mga siyentipiko na kinukunsiderang ang kalawakan ay nalikha lamang nito ang kanyang sarili o walang panimula o katapusan ay napapasailalim sa kategoryang ito. Gayun din, ang kaisipan na ang kalikasan ang siyang Diyos, o na ang Dios ay nananahan kasama ang kaniyang mga nilalang ay isa ring shirk.
(b) Ang paniniwala na si Allah ay may kahati sa kanyang pamamahala at pagkontrol sa mga nilalang.
Ang mga tao na pasok sa kategoryang ito ay maaring naniniwala sa kapangyahihan at kakayanan ni Allah, ngunit naniniwala rin sila na si Allah ay may mga ilang personalidad, na maaring nahahati Siya sa iba't ibang uri ng nilalang. Ang isang halimbawa ay ang mga Kristiano na naniniwala na si Allah ay ang Dios Ama, Dios Anak at Dios Espirito Santo lahat sila sa isang pagkakataon. Gayun rin ang mga Hindus na naniniwala sa nag-iisang Dios sa anyo ni Brahma - ang tagapaglikha, Vishnu - ang tagapanatiling-dios, at Shiva - ang tagapagwasak na dios. Sa Islam itinuturo na si Allah ay nag-iisa sa lahat ng saysay: perpekto, hinid nahahati, at kompleto.
Isa pang halimbawa sa ganitong shirk ang pagdarasal ng mga tao sa mga patay. Sila ay naniniwala na ang kaluluwa ng mga santo ay maaring makialam sa mga bagay ng taong nabubuhay pa, na maaring ang mga kaluluwang lumisan na ay nagsasanhi ng mga pagbabago sa buhay ng sinumang lalaki o babae sa pamamagitan ng pagtugon nila sa kanilang mga panalangin o sa iba pang paraan. Ang katotohan na ang patay ay walang kapangyarihan sa buhay ng mga nabubuhay pa; at hindi kayang tumugon sa mga panalangin, ang pangalagaan sila, o tugunan ang kanilang mga kahilingan.
Ang Malaking Shirk: Shirk kay Allah sa Kanyang nga Pangalan at Katangian
Ang ituring si Allah na tulad ng nilalang o ituring ang mga nilalang tulad ni Allah ay ang esensya ng shirk sa pangalan at katangian ni Allah. Maari itong uriin sa dalawang uri:
(i) Ang turingin si Allah na tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katangian ng tulad ng sa tao, ito ay shirk. Ang pagsasalarawan sa Dios sa pamamagitan ng pagpinta o iskulptura ay mga tulad nito. Ang Kristianismo, na siyang pangunahing relihiyon sa kanluran, ay tinitingnan nila ang Dios bilang tao, tulad ni Hesus na kinukunsidera nilang dios na nabuhay muli, kaya't natural lang na magawa ng tulad nila Michealangelo na isalarawan ang mukha at kamay ng Dios sa pagpipinta. Ang mga Hindus ay sumasamba sa napakaraming idolo bilang mga dios nila. Sa kabilang banda, ayon sa tradisyon ng mga Muslim naging malinaw ang usaping ito dahil sa linaw ng katuruan ng Quran,
“Walang anumang katulad Niya, at Siya ang nakakakita at nakaririnig ng lahat ng bagay.” (Quran 42:11)
(ii) Isa pang uri ng Shirk ay kapag ang tao ay ginawang banal sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga dakilang pangalan at katangian. Halimbawa sa Kristiano na si Maria, ina ni Hesus, na binigyan ng banal na katayuan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng ilang katangian ni Allah tulad ng Ang Maawain. Tinawag rin nila si Maria bilang ina ng Dios, Dios na tinuring nila sa kanyang anak na si Hesus. Na sa kalaunan ay tinawag nilang buhay na dios, ang una at ang huli– Mga pangalang para lamang kay Allah. Ang Sugo ni Allah, sumakanya nawa ang pagpapala at pagbati, ay nagsabi:
“Si Allah ang Makapangyarihan ay nagsabi: Ang anak ni Adan... ay pinabulaanan ako gayung wala silang karapatang gawin ito...At sa pagpapabulaanan nila sakin ay sinabi nila, na nagkaroon daw anya ng anak si Allah, habang siya ay ang nag-iisa, ang Magpakailanman sumasaklolo. Hindi ako ipinanganak o nanganak, at sa akin ay walang katulad.’” (Saheeh Al-Bukhari, An-Nasai)
[1] Ang “I” ay binibigkas tulad ng “I” sa salitang “dip”
Nakaraang Aralin: Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
Susunod na Aralin: Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)