Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
Deskripsyon: Ang isang maikling talambuhay ng kasamahan, kaibigan at biyenan ni Propeta Muhammad, si Abu Bakr.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,606 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin
·Upang malaman ang tungkol sa buhay ni Abu Bakr at maunawaan ang kanyang kahalagahan sa kasaysayan ng Islam.
·Upang pahalagahan ang kanyang pagiging malapit sa Propeta Muhammad at kilalanin ang kanyang pag-unawa sa Islam.
Terminong Arabik
·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan naibaybay na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.
·Rashidun – Yaong mga wastong pinatnubayan, partikular na , ang isang kolektibong termino na tumutukoy sa unang apat na Khalifah.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
·Kabah - Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.
·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
Bago ang kanyang kamatayan, si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, hiniling niya sa kanyang mga kasamahan na, "Panghawakan nang matibay ang aking halimbawa (sunnah) at sa mga Khalifah na wastong pinatnubayan" [1] Yaong mga kilala bilang wastong pinatnubayan na mga Khalifah (Al-Khulafa 'Ar-Rashidun) o Rashidun ang unang apat na pinuno, pagkamatay ni Propeta Muhammad, ng bansang Islam. Ang kanilang mga pangalan ay marahil pamilyar sa inyo sapagkat ang mga ito ay malapit na mga kasama at kamag-anak ng Propeta Muhammad. Sila ay sina Abu Bakr, Umar ibn Al-Khattab, Uthman ibn Affan at Ali ibn Abi Talib. Ang mga lalaking ito ay kilala sa kanilang pagka matuwid, sa kanilang masidhi na pag-ibig at debosyon sa Islam.
Abu Bakr
Ang unang Khalifah na Wastong Pinatnubayan ay si Abu Bakr. Pinamunuan niya ang pagiging Khalifa mula 632-634 ng Common Era (CE), humigit-kumulang na 27 buwan.
Ang buong pangalan ni Abu Bakr ay Abdullah ibn Abi Quhafa ngunit siya ay tinatawag na Abu Bakr dahil sa kanyang dakilang pagmamahal sa pagpapalaki ng mga kamelyo. Siya ay ipinanganak sa marangyang pamilya at sa pagtuntong niya ng sapat na gulang ay madali niyang naitatag ang kanyang sarili bilang isang matagumpay na mangangalakal / negosyante. Siya ay isang kagiliw-giliw na tao na nakikipag-usap na may malawak na koneksyon. Noong panahong iyon ang mga Arabo ay masyadong nababahala sa talaangkanan(genealogy) at si Abu Bakr ay isang dalubhasa dito. Ang kanyang kaalaman kasama ang kanyang kaaya-ayang pagkatao ang nagsilbi upang mapadali ang kanyang pakikihalubilo sa kabuuan ng lipunan ng Mecca.
Mula sa kasaysayan ng Islam at ang Sunnah natutunan natin na si Abu Bakr ay mas bata ng humigit-kumulang na 2 taon kaysa kay Propeta Muhammad at pareho silang ipinanganak sa tribo ng Quraish, kahit na sa iba't ibang mga angkan. Sila ay pamilyar sa isat-isa sa, ang kanilang panghabambuhay na pagkakaibigan ay tumibay noong si Propeta Muhammad ay kinasal sa kanyang unang asawa na si Khadijah at sila ay naging magkapitbahay. Hindi sila nagkakalayo ng katangian. Parehas silang negosyante, na nagsagawa ng lahat ng kanilang mga gawain sa katapatan at kagandahang-asal. Si Abu Bakr ay kilala bilang As-Siddiq, ang matapat. Si Propeta Muhammad mismo ang nagbigay sa kanya ng titulong ito. Ang mga ito ay dalawang kalalakihan na may kamangha-manghang pagkatao at ang kanilang mga ugnayan ay naging mas malakas pa noong pinakasalan ni Propeta Muhammad ang anak na babae ni Abu Bakr na si Aisha, nawa ay kalugdan siya ng Allah.
Si Aisha mismo ang nagsabi sa atin ng marami patungkol sa pag-uugali ng kanyang ama. Isa sa mga kuwento na kanyang isinaysay tungkol sa kanyang ama ay hindi siya nagpatirapa sa isang idolo. Sa ibang salaysay, si Abu Bakr mismo ang nagsabi sa atin na noong bata pa siya ay dinala siya ng kanyang ama sa lugar kung saan may nakatago na idolo at iniwan siya doon na nag-iisa. Sinuri niya ang mga idolo na ito at nagtaka siya kung anong pakinabang nilang totoo. Tinanong niya sila at siyempre hindi sila tumugon. Alam ni Abu Bakr na ang mga rebulto at mga idolo ay hindi karapat-dapat sa pagsamba. Naging madali para sa kanya na paniwalaan at yakapin ang bagong relihiyon na ipinakita sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Muhammad.
Si Abu Bakr ang una.
·Siya ang unang nasa tamang gulang na lalaki na tumanggap sa Islam. Nang madinig si Propeta Muhammad na nagsasabi na walang karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Allah at si (Muhammad) ay Sugo ng Allah, tinanggap agad ni Abu Bakr ang Islam.
·Siya ang unang pampublikong tagapagsalita para sa Islam. Noong sila ay mababa pa sa 40 na mga Muslim, nais ni Abu Bakr na ipahayag ang mensahe sa publiko. Tinanggihan ni Propeta Muhammad, Iniisip niya na ang bilang nila ay napakaliit para ipahamak sa paglalantad ngunit pinilit ni Abu Bakr. Si Propeta Muhammad ay kalaunan inutusan ng Allah na gawing publiko ang mensahe at siya at si Abu Bakr ay nagpunta sa Kabah kung saan si Abu Bakr ay nagpahayag, "Walang karapat dapat na sambahin kundi ang Allah, at si Muhammad ay Kanyang alipin at sugo"
· Siya ang una sa mga Muslim na nagsagawa ng anumang mabubuting gawa. Ibig sabihin hindi siya nag-atubili bagkus kinuha niya ang bawat pagkakataon na kumilos nang matuwid. Ang pamangkin ni Propeta Muhammad, si Ali ibn Abi Talib, ay pinuri si Abu Bakr bilang unang tao na gumawa ng anumang mabubuting gawa. [2] Sa Islam, hinihikayat ang pakikipag paligsahan sa isa't isa upang gumawa ng mabubuting gawa.
·Siya ang unang Khalifah. Matapos ang pagkamatay ni Propeta Muhammad, ang mga Muslim ay nagdadalamhati at nasa kaguluhan gayunpaman sa panahon ng matinding krisis na ito pinili nila si Abu Bakr bilang kanilang pinuno.
·Siya ang magiging unang tao ng Ummah na ito na makakapasok sa Paraiso. Nalaman natin ang patungkol kay Abu Bakr mula sa Sunnah ng Propeta. [3] Sinabi ni Propeta Muhammad, "Si Anghel Jibreel (Gabriel) ay dumating sa akin at kinuha ang aking kamay at ipinakita sa akin ang pintuan kung saan ang aking Ummah ay papasok sa Paraiso". Sinabi ni Abu Bakr, "Sana'y makasama ako sa iyo upang makita ang pintuan", at sinabi ni Propeta Muhammad na "Abu Bakr, dapat mong malaman na ikaw ang magiging una sa aking Ummah na makakapasok sa Paraiso." [4]
Si Abu Bakr ang tagapagtanggol.
·Sa pagdating ng Islam, ang mga pinuno ng Mecca ay naglunsad ng isang kampanya ng kalupitan na sobrang nagpahirap ng buhay para sa mga bagong Muslim, lalo na ang mahihina ay nanganganib kabilang narin ang maraming alipin. Ang pag uusig at pang-aabuso ay ginawa upang sirain ang bagong relihiyon at muntikan na sanang magawa ito nang maayos kung hindi dahil sa lakas at tapang ng loob ng mga tao tulad ni Abu Bakr. Siya ay nasa kalagayan na, isang mayaman at maimpluwensiyang mangangalakal na kinayang mapagaan ang pagdurusa ng maraming alipin sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito mula sa kanilang mga amo at pagbibigay ng kanilang kalayaan. Ang isa sa mga alipin na pinalaya niya ay si Bilal, ang lalaking naging unang tao na nagsagawa ng pagtawag sa mataimtim na pagdarasal.
Ipagpapatuloy sa Bahagi 2
Nakaraang Aralin: Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
Susunod na Aralin: Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman