Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Ang pamilya ay isa sa mga sentro sa pagsasaayos ng institusyon sa lipunan ng mga Muslim. Ang dalawang bahaging aralin na ito ay nagbibigay kaalaman patungkol sa sentrong damdamin ng buhay-pamilya na nagpapaliwanag sa kalikasan at kahulugan ng institusyon na ito ng lipunan. Ikalawang Bahagi: Pagpapalaki ng anak, karapatan ng mga anak at ang proseso ng pagputol ng kasal.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,889 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin
·Matutunan ang kahalagahan ng pagpapalaki ng bata.
·Matutunan ang mga pangunahing karapatan ng mga bata sa kanilang mga magulang.
·Matutunan ang proseso kung paano nagwawakas ang pagsasama ng mag-asawa sa Islam.
·Matutunan ang Islamikong konsepto ng "panahon ng paghihintay"
Terminolohiyang Arabik
·Talaq - diborsyong pinasimulan ng lalaki.
·Khul’a - pagpapawalang-bisa ng kasal na pinasimulan ng babae.
·'Idda - panahon ng paghihintay para sa isang diborsyada o byuda.
Karapatan ng Mga Bata
Ang pagpapakasal ay tumutulong na mapagtibay ang isang pamilya kung saan ang mga bata ay maaalagaan at mapapalaki na maging kapakipakinabang sa lipunan. Ang mga pamilya ay ang tamang kapaligiran para ang mga bata ay maalagaan at mapalaki. Ang mga magulang ay maasahan na makapagbigay ng pangmatagalang pag-aaruga para sa mga batang nakasalalay sa kanila dahil sa dalawang kinakailangan na pagmamahal at obligasyon. Ang pagkakaroon ng anak ay itinuturing na biyaya ng Allah, isang 'tanda' mula sa Kanya na dapat nating ipagpasalamat:
"At nilikha ng Allah mula sa inyong lahi ang inyong mga asawa; at nilikha ng Allâh mula sa inyong mga asawa ang inyong mga sanggol at mula rin sa kanila ang inyong mga inapo, at pinagkalooban kayo ng mga masasarap na mga pagkain (mula sa mga bunga at mga butil at mga karne at iba pa). Kung gayon, sa mga walang kabuluhan ba na mga diyos-diyosan na itinatambal nila sila ay naniniwala, at ang mga biyaya ba ng Allâh na hindi mabilang-bilang ay kanilang itatanggi?" (Quran 16:72) (salin ng kahulugan)
Ang kayamanan at mga anak ay ilan sa mga 'palamuti' sa buhay na ito:
“Ang mga kayamanan at ang mga anak ay palamuti at kapangyarihan dito sa buhay sa daigdig.”
(Quran 18:46) (salin ng kahulugan)
Si Abraham, ang minamahal na alipin ng Diyos ay nanalangin sa Allah para sa mga supling:
“Panginoon ko, pagkalooban Mo ako (ng supling) na kabilang sa mga matutuwid.” (Quran 37:100) (salin ng kahulugan)
Si Zakariyah ay nanalangin:
“Ipagkaloob Mo sa akin, mula sa Iyong pagpapala, ang biyaya ng isang anak na magiging kahalili.” (Quran 19:5) (salin ng kahulugan)
Isinasalaysay sa atin ng Qur'an ang panalangin ng mga matutuwid:
“Panginoon namin! Pagkalooban Mo kami ng mga asawa at mga anak na magbibigay kapanatagan at kasiyahan sa aming mga mata.” (Quran 25:74) (salin ng kahulugan)
Kaya naman, ang mga anak ay produkto ng pag-aasawa at ang pagkakaroon ng anak ay isang pangunahing layunin ng pagpapakasal ng mga Muslim. Ang mga anak ay may mga tiyak na karapatan sa kanilang mga magulang. Una, ang bata ay dapat kilalanin na mula sa kanyang ama. Ang isang ama ay hindi maaaring itanggi ang kanyang anak. Pangalawa, ang ina ay dapat na magpasuso sa kanyang anak. Kung hindi niya kaya, ang ama ay dapat na kumuha ng tagapasuso o ibang alternatibo tulad ng pagpapainom ng gatas mula sa bote. Pangatlo, ang sanggol ay may karapatan sa kanyang ina na siya ay alagaan nito. Ang parehong magulang ay responsable sa edukasyon, patnubay patungkol sa relihiyon, at pagbabahagi ng magandang asal sa mga bata. Pang-apat, ang bata ay may karapatan na patas tulad sa iba pang mga anak. Pang-lima, ang bata ay may karapatan na mabigyan ng magandang pangalan.
Pagwawakas ng Kasal
Ang kapwa asawang lalaki at asawang babae ay hinihikayat na pakitunguhan ang isa't-isa ng mabuti at ibigay ang karapatan ng bawat isa para maiwasan ang hindi pagkakasundo at ipalaganap ang pagmamahal at pagsinta sa puso ng bawat isa. Dapat na sila'y magpasensya sa isa't-isa para mapreserba ang kanilang pagsasama:
“kayo ay mamuhay sa kanilang piling ng may dangal. At kung sila ay inyong kasuyaan ay pagpasensyahan ninyo dahil maaaring ang bagay na ayaw ninyo ay siyang ginawa ng Allah na makapagdudulot sa inyo ng maraming kabutihan.” (Quran 4:19) (salin ng kahulugan)
Ang kasal ay sinadya para magtagal habang-buhay. Walang konsepto ng 'panandaliang-kasal' sa Islam. Ang basehan ng mahaba at nagtatagal na pagsasama ay ang pagsuyo at pagkakabagay ng mag-asawa na kung wala ang mga ito ay magiging imposible. Kaya naman ang Islam ay humihikayat sa mag-asawa na maging mabuti at maging madaling makibagay, at sikapin na resolbahin ang kanilang pagkakaiba sa pamamagitan ng pagkakasundo ng pamilya. Ang mga makabagong mag-asawa ay laging malapit sa paghihiwalay dahil sa magkaibang personalidad o di kaya'y pakikitungo sa trabaho na nagbibigay kahinaan dito. Kung sakaling ang lahat ng mga hakbang upang i-salba ang isang kasal ay hindi magtagumpay, at ang pagmamahal ay napalitan ng permanenteng pagkapoot na sanhi na di na maisaayos pa ang pagsasama, pinahintulutan ng Islam ang paghihiwalay bilang huling solusyon. Ang mag-asawa ay pinahintulutan na magkanya-kanya at humanap ng mas mainam at ikasisiya nilang solusyon. Ang paghihiwalay ay nagaganap sa pamamagitan ngtalaq or khul’.
Ang Talaq ay ang mas kilala bilang 'diborsyo'. Ang diborsyo sa Islam ay iba sa pangkaraniwang diborsyo-sibil. Ito ay may dalawang uri, nababawi at hindi nababawi. Ang diborsyo ay dapat na ideklara ng isang beses matapos linisin ng isang babae ang kanyang sarili mula sa isang buwanang dalaw sa hindi pa muling naipagpapatuloy ang relasyong sekswal sa kanya. Sa panahong ito binibigkas ng lalaki ang diborsyo sa isang beses na pagsasabi ng, 'Dinidiborsyo kita.' Matapos ang hiwalayan, ang 'panahon ng paghihintay' - 'Idda - ay iniatas kung saan ang asawang lalaki ay maaring pag-isipan ang kanyang desisyon, bawiin ang pakikipag-diborsyo, at 'ipagpatuloy' ang kanilang pagsasama. Ang pagiging malayo mula sa kanyang asawang babae ay maaring mag panumbalik ng mga alaala ng kanilang pagsasama at himukin siyang isaalang-alang ang mga ito. Gayundin, ang pagkakasundo ng parehong pamilya ay ipinapayo rin para maresolba ang ugat ng di pagkakaunawaan sa pagsasama.
“ At kung kayo ay nangangamba na may hidwaan na namamagitan sa kanilang (mag-asawa), kayo ay magtalaga ng (dalawang) tagapamagitan; isa mula sa pamilya (ng lalaki) at ang isa ay mula sa pamilya (ng babae); kung ninanais nila na ituwid ang mga bagay-bagay (o pangyayari.” (Quran 4:35)
Sa loob ng 'panahon ng paghihintay' ('idda) ang asawang lalaki ay maaring ipagpatuloy ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng pagbawi ng diborsyo, ngunit matapos ang 'panahon ng paghihintay' ('idda) mawawala na ang kanyang karapatan na bawiin pa ang diborsyo, na kung gusto niya ng balikan ay kailangan na uling magpakasal, magbigay ng 'regalo sa asawang babae; at pagsang-ayon ng babae para muling magpakasal.
Khul’a
Ang isang babae ay may karapatan na humingi ng diborsyo dahil sa pagmamaltrato o kakulangan ng suportang pinansyal, at sa sistema ng Islam, maari siyang magtungo sa isang husgadong Muslim na maaring sila ay mapaghiwalay. Ang Khul’a ay ang paghingi ng babae ng diborsyo mula sa kanyang asawa kapalit ng pagbabalik ng 'mahr' sa lalaki.
‘Panahon ng Paghihintay’ - 'Idda
Si Propeta Muhammad, ang habag at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, itinuring ang diborsyo bilang pinaka-masamang solusyon, na dapat iwasan hanggat maari. Kung may maghihiwalay, ang proseso ay dapat idaan sa "panahon ng paghihintay" na tinatawag na 'Idda. Ito ay para makasigurado na ang babae ay hindi nagdadalang-tao, nagbibigay pagkakataon sa lalaki na pag-isipan ang kanyang desisyon, para maiwasan ang pagputol ng pagsasama dahil sa panahon ng galit. Ang 'Idda ay tatlong buwan ng pagreregla ng babae na kailangang hintayin bago maging pinal ang paghihiwalay. Ang 'idda para sa isang biyuda ay apat na buwan at sampung araw.
Ang 'Idda at pagkakasundo ng pamilya ay dalawang pamamaraan sa alituntunin ng Islam na nagpepreserba sa institusyon ng kasal.
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an