Naglo-load...

Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito

Marka:

Deskripsyon: Pagpapatuloy ng ating listahan sa mga malalaking kasalanan sa Islam. Bilang karagdagan ating tatalakayin ang mga pamamaraan upang maiwasan ang mga kasalanan at magbalik-loob sa Allah.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 91 - Nag-email: 1 - Nakakita: 6,352 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang palawakin ang ating kaalaman sa malalaking kasalanan.

·Para malaman kung paano makakaiwas sa malalaking kasalanan.

·Para maintindihan kung paano magbalik-loob mula sa pagkagawa ng malalaking kasalanan

Terminong Arabik:

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Zakah – obligadong kawang-gawa.

·Ramadan - Ang pang siyam na buwan ng islamikong lunar na kalendaryo. Ito ay ang buwan na kung saan itinalaga ang obligadong pag-aayuno.

·Hajj - Ang pilgrimo papunta sa Mecca kung saan ang mga pilgrimo ay nagsasagawa ng hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat nasa tamang edad na Muslim ay kailangang magsagawa ng hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung nasa kakayahan nila ito sa salapi at pisikal.

6. Ang pagtalikod at pagtakas mula sa labanan ay isa sa mga malalaking kasalanan. Ito ay isang gawain na maaaring makasira sa diwa ng iba pang mga sundalo at maaaring ipahamak ang buong komunidad sa walang awang salakay ng kaaway.

7. Ang mga naninirang puri sa mga mananampalatayang kababaihan ay isinumpa sa buhay na ito at sa kabilang buhay: para sa kanila ay isang matinding parusa (Quran 24:23). Ang Allah Ang Makapangyarihan ay pinaliwanag ng maigi na ang sinumang hindi makatarungang paratangan/akusahan ang isang dalisay at malayang babae ng pangangalunya ay isusumpa sa mundong ito at sa kabilang buhay.

MajorSins2.jpgAng mga malalaking kasalanan na ating sinusuri ay mula sa isang tunay na hadith at kadalasang tinutukoy bilang pitong malalaking kasalanan. Ang hadith na ito ay hindi naglilimita sa mga malalaking kasalanan sa mga nabanggit dito. Gayunpaman mayroong maraming mga malalaking kasalanan na marahil hanggang sa pitumpu at sa baba ay inilista natin ang ilan sa mas nakahihigit:

·Hindi ginagampanan ang pagdarasal

·Hindi nagbibigay ng zakah

·Pagputol ng pag-aayuno sa Ramadan nang walang sapat na kadahilanan

·Hindi pagsasagawa ng Hajj kung may kakayahan

Ang mga malulubhang malalaking kasalanan ay tungkol sa pagpapanatili ng pananampalataya at pagpapatupad ng Islam sa kung ano ang dapat pagsanayan rito. Ang pagpapabaya sa mga tungkulin sa relihiyon ay maaaring magkaroon ng mga nakapipinsalang bunga. Ang Propeta na si Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi, "Ang Islam ay itinayo sa limang haligi: Pagsaksi na walang tunay na diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah, pagsasagawa ng mga pagdarasal, pagbibigay ng Zakah, pagsagawa ng Hajj - pilgrimo sa bahay(ka'bah), at pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. "[1]

Ang iba pang mga malalaking kasalanan ay higit na nauugnay sa pinsalang dulot sa mga pamilya at komunidad. Halimbawa, sinabi ni Propeta Muhammad sa isang tunay na hadith, "Ang tao na hindi ligtas mula sa aligugot/kapilyuhan ng kanyang mga kapitbahay ay hindi makakapasok sa Paraiso". [2] Sa kadahilanang ito, maraming gawain ang ipinagbabawal ng Allah at itinuturing na mga malalaking kasalanan. Kabilang dito ang mga sumusunod na malalaking mga kasalanan:

·Hindi paggalang sa mga magulang

·Pagputol ng relasyon sa kamag-anak

·Panginginom ng alak

·Pagsusugal

·Pagnanakaw

·Panunuhol

·Pangangalunya

·Sodomya(relasyon ng parehas na kasarian)

Ang mga malalaking kasalanan ay kinabibilangan rin ng mga kasalanan na lumalabag sa pangunahing mga pananaw ng Islam ng katapatan at pagtitiwala. Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay nagpapahiwatig ng pagiging matapat, makatarungan sa mga pakikitungo at maagap, pati na rin ang paggalang sa mga tiwala at paghawak sa mga pangako at kasunduan. Si Propeta Muhammad ay kilala, kahit bago ang kanyang pagkapropeta na Al-Amin (ang mapagkakatiwalaan). Kaya ang mga sumusunod ay dapat isama sa listahan ng mga malalaking kasalanan:

·Huwad na pagsasaksi

·Pagisisnungaling

·Paninirang puri

Pag-iwas sa Malalaking Kasalanan

Sinabi ng Propetang Muhammad, "... ang paggawa ng kasalanan ay nagpapabigat sa iyong kaluluwa, na kung saan hindi mo rin gugustuhing matuklasan ito ng mga tao." [3] Sinabi rin niya, "Sumangguni sa iyong puso. Ang pagiging matuwid ay yaong kapag nakadarama ang kaluluwa ng kaginhawahan at ang puso ay tahimik. At ang kamalian ay yaong nagpapabigat ng kaluluwa at nagiging sanhi ng kabalisahan sa dibdib ... ".

Ang isang tao ay maaaring maiwasan ang maraming mga kasalanan sa pamamagitan ng pagdarasal ng limang beses sa isang araw, pagbabasa o pagbigkas ng Quran, pagsasagawa sa limang haligi ng Islam at sa pamamagitan ng pagpapanatili sa ating sarili na abala sa Allah. Sa paggawa ng mga ito, maiiwan na lamang ang napakaliit na oras para makagawa o makaisip na gumawa ng kasalanan. Dahil sa pagiging tao nahuhulog tayo sa mga pagkakamali at mga kasalanan, magkagayon pa man dapat nating subukan ang ating kakayanan upang maiwasan ang lahat ng mga kasalanan, lalo na ang mga malalaki nito sapagkat ang mga ito ay labis na hindi kaaya-aya sa Allah at, gaya ng nalalaman natin, nalalagay sa alanganin ang ating kaluguran sa buhay na ito at sa Kabilang Buhay . At kapag nahulog tayo sa isang kasalanan, dapat tayong magsisi dito at humingi ng awa at kapatawaran sa Allah.

Maraming tao ang naniniwala na ang kanilang mga kasalanan ay masyadong malaki at masyadong madalas para patawarin sila ng Allah. Gayunpaman ang Islam ay ang relihiyon ng pagpapatawad at Ang Allah ay kinagigiliwan ang magpatawad. Kahit na ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay maaaring umabot na kasing taas ng mga ulap sa langit, ang Allah ay magpapatawad at magpapatawad hanggang sa ang Huling Oras halos malapit na sa atin.

"Maliban sa mga nagsisisi at sumasampalataya at gumagawa ng mabubuting gawa. Sila ay papasok sa Paraiso, at sila ay hindi gagawan ng kamalian sa anumang paraan. "(Qur'an 19:60)

Ang pagsisisi ay mahalaga para sa isang tao para mamuhay ng kontento. Ang gantimpala ng pagsisisi ay kapayapaan ng isip at ang kapatawaran at kasiyahan ng Pinaka-Makapangyarihan(Allah). Gayunpaman, mayroong tatlong mga kondisyon sa pagsisisi. Ang mga ito ay, paghinto ng kasalanan, pakiramdam ng pagkakonsensya sa paggawa nito at gawan ng solusyon para hindi na bumalik sa kasalanang yaon. Kung ang tatlong kondisyong ito ay natupad ng taos-puso, ang Allah ay magpapatawad. Kung ang kasalanan ay may kinalaman sa mga karapatan ng ibang tao magkagayon ay mayroong ikaapat na kondisyon. Iyon ay ibalik, kung maaari, ang mga karapatan na kinuha.

Dito nagtatapos ang ating mga aralin sa malalaking kasalanan sa Islam.



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari

[3] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7