Naglo-load...

Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Maigsing paglalarawan ng maayos na pagdarasal, unang obligadong gawain ng pagsamba na isinasagawa matapos ang pagyakap sa Islam. Part 1 Pagtalakay sa mga kinakailangang gawin upang ihanda ang sarili para sa maayos na pagdarasal.

Ni NewMuslims.com

Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 484 - Nag-email: 2 - Nakakita: 62,126 (pang-araw-araw na average: 26)


Mga Layunin

Upang matutunan kung paano magsagawa ng paglilinis (ablution) at ang ritwal ng pagligo at kung kailan kinakailangan

Arabikong Termino

·Wudoo – paghuhugas/paglilinis

·Salah - salitang arabic na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at Ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang araw-araw na panalangin na siyang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.

Ghusl – ritwal na pagligo.

Ano ang Paghuhugas/Paglilinis (Wudoo)?

Ang Wudoo, na isinalin bilang ablution o paglilinis/paghuhugas, ay isinasagawa bago ang takdang gawaing pagsamba. Ito ay karaniwang paghuhugas ng mukha, mga kamay at braso, susundan ng pagpahid sa ulo at tainga, at pagkatapos ay ang paghuhugas ng paa.

Kailan Ko Dapat Isagawa ang Ablution (Wudoo?)

Nararapat isagawa ng isang Muslim ang paglilinis/paghuhugas bago magsagawa ng panalangin (salah) kung siya ay napaloob sa kalagayang hindi dalisay, katulad ng isa sa mga sumusunod na mga kadahilanan:

(1) Pag-utot.

(2) Pag ihi.

(3) Pagdumi.

(4) Pagtulog.

Ang mga nabanggit na ito ay ‘nakapagpapawalang bisa’ o ‘nakasisira’ ng (wudoo). Halimbawa, nararapat na maghugas/maglinis pagkatapos magising upang isagawa ang pagdarasal sa umaga (salah), sapagkat ang pagtulog ay “nakasisira” ng ablution. Pagkatapos gumamit ng palikuran, kailangang isagawa ang paghuhugas/paglilinis bago magsagawa ng pagdarasal sapagkat ang pag ihi at pagdumi ay "nakasisira" ng kadalisayan.

Paano Magsagawa ng Paglilinis/Paghuhugas?

Bago mo isagawa ang paglilinis/paghuhugas, kinakailangang tiyakin na ang mga bahagi ng katawan ay hindi nabahiran ng anumang dumi. Siguruhing napunasan ng maayos ang anumang bahid ng ihi o dumi sa pamamagitan ng toilet paper o tubig matapos gumamit ng palikuran.

Ang paglilinis/paghuhugas ay isinasagawa sa pamamagitang ng mga sumusunod:

1. Mag intensiyon at isa-puso na ikaw ay magsasagawa ng paglilinis/paghuhugas upang maging dalisay para sa pagdarasal (salah).

2. Magsimula sa pamamagitan ng pagbanggit sa ngalan ni Allah, ‘Bismillaah’ na nangangahulugang,‘Nagsisimula ako sa ngalan ni Allah.’

3. Magmumog. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 1.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._001.jpg

Larawan 1

4. Linisin ang mga butas ng ilong sa pamamagitan ng pagsinga. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 2.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._002.jpg

Larawan2

5. Maghilamos mula sa buhok sa ibabaw ng noo hanggang sa baba, sa magkabilang tainga. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 3.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._003.jpg

Larawan 3

6. Hugasan ang mga kamay at braso hanggang siko. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 4.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._004.jpg

Figure 4

7. Muling basain ang mga kamay, punasan ang ulo sa pamamagitan ng paghagod mula sa harap hangang sa likod at pabalik. Gawin ito ng isang beses lamang Tignan ang larawan 5.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._005.jpg

Larawan 5

8. Hagudin ang loob na bahagi ng tenga sa pamamahitan ng hintuturo kasabay ng paghagod din sa likuran sa pamamagitan ng hinlalaki. Gawin ito ng isang beses lamang Tignan ang larawan 6.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._006.jpg

Larawan 6

9. Hugasan ang paa hanggang sa bukong-bukong. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 7.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_1_of_2)._007.jpg

Larawan 7

Ano ang ritwal na pagligo (Ghusl)?

Ang Ghusl ay salitang Arabik para sa kumpletong pagligo. Sa ilang pagkakataon, hindi sapat ang paghuhugas/paglilinis lang bago ang pagdarasal. Ang bawat isa ay nangangailangang maligo upang maging dalisay o ganap na malinis, ito ang pagsasagawa ng ritwal na pagligo (ghusl), bago sila magdasal. Kinakailangan isagawa ang ritwal na pagligo sa mga sumusunod na kalagayan:

1. Ang paglabas ng similya o likido mula sa mga babae, sa pamamagitan ng pagtatalik, wet dreams o masturbation.

2. Pagkatapos ng pagtatalik. Sa madaling salita, kinakailangan ang paliligo kung ang ari ng lalaki ay naipasok sa ari ng babae, may lumabas man na likido o wala.

3. Buwanang-dalaw/regla at pagdurugo matapos ang panganganak.[1].

4. Mainam din na maligo ang isang yumakap sa Islam.

Hindi maaaring mag-salah (magdasal) ang isang babaeng may regla o nakararanas ng pagdurugo (postpartum bleeding). Pagkatapos ng pagdurugo, nararapat siyang maligo, at ipagpatuloy ang kanyang salah (pagdarasal).

Paano Isagawa ang Ritwal na Paliligo (Ghusl)?

(1) Isa-puso ang paglilinis sa sarili para sa ikalulugod ng Allah.

(2) Linisin ang anumang dumi na nasa katawan.

(3) Hugasan at basain ang buong katawan ng tubig.

(4) Linisin ang bibig at ilong.



Footnotes:

[1] Post-natal or post partum bleeding ay pagdurugo na sanhi ng panganganak o pagkalaglag ng bata.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.