Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
Deskripsyon: Kung ang lahat ng bagay ay naitakda na ng Diyos, papaanong ang isang tao ay magkakaroon ng anumang kalayaan? Ang sagot ay nasa ikalawang bahagi ng araling ito.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 103 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,610 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Kinakailangan
·Pambungad sa Haligi ng Islam at Saligan ng Pananampalataya (2 bahagi).
Mga Kinakailangan
·Upang mapagtanto ang kahalagahan at diin na inilatag ng Islam tungkol sa paniniwala sa banal na kapasyahan (Qadr).
·Upang matutunan ang unang dalawang bahagi na ang paniniwala sa banal na utos ay nangangahulugang, i-e ang lahat ng Paunang-kaalaman ng Allah ay ganap at kumpleto at ang Allah ay itinala ang lahat ng bagay sa Iningatang Talaan.
Terminong Arabik
·Qadr – Banal na Kapasyahan.
·Al-Lawh Al-Mahfuz - ang Iningatang Talaan (Ina ng mga Aklat).
Ang ika-anim at huling saligan ng pananampalatayang Islam ay paniniwala sa banal na pasiya (Qadr sa Arabik). Ang banal na pasiya (Qadr) ay isang napakahalagang saligan ng pananampalataya, at ang mga tao ng ibang mga pananampalataya sa mahabang panahon ay nananatiling magkakaiba ang paniniwala tungkol sa isyung ito.
Ang banal na pasya ay ang 'nakatagong misteryo' ng Allah na ang lalim ay hindi kayang arukin ng pang unawa ng tao. Dapat matutunan ng isang Muslim ang tamang paniniwala tungkol sa banal na kapasyahan at manatili sa payo ng Propeta:
"Kapag ang banal na pasya (Qadr) ay nabanggit, manahimik." (Saheeh Muslim)
Kaugnay nito, binigyan tayo ng sapat na impormasyon tungkol sa paksang ito upang tayo ay mapanatag, kahit na hindi natin alam ang mga detalye nito. Kung kaya't, ito ay obligadong aspeto ng pananampalataya, at bilang pagbibigay diin sa kahalagahan ng paniniwalang ito, si Ibn Umar, ang bantog na Kasamahan ng Propeta Muhammad, ay minsang sumumpa at nagsabi tungkol sa mga tumanggi dito, 'Kung ang isa sa kanila ay gumugol ng ginto na katumbas ng Bundok ng Uhad sa landas ng Allah, hindi kailanman ito tatanggapin ng Allah mula sa kanila, maliban kung sa sila ay maniwala sa banal na kapasyahan. '
Si Ubada bin Samit, isang Kasamahan ng Propeta, ay nasa bingit ng kamatayan nang dinalaw siya ng kanyang anak at nagtanong,
‘O aking Ama, pagkalooban mo ako nang mapanghahawakang payo.'
Si Ubada ay nagsabi,
'Umupo ka. O aking anak, hindi mo malalasap ang pananampalataya, at makakamit ang katotohanan ng kaalaman ng Allah maliban sa paniwalaan mo ang banal na kapasyahan, ang kabutihan nito at ang kasamaan nito. '
Kaya sinabi ko,
'O aking ama, paano ko malalaman kung ano ang mabuti sa banal na pasya at kasamaan dito?'
Siya ay nagsabi,
'Unawain mong anuman ang nagpapahirap sa iyo, ay hindi kailanman makakaligta sa iyo; at kung ano man ang nakaligta sa iyo, ay hindi makapagpapahirap sa iyo. O aking anak, narinig kong ang Propeta ng Allah ay nagsabi na ang unang bagay na nilikha ng Allah ay ang Panulat. Sinabi niya dito, 'Sumulat'. Kaya isinulat nito ang lahat ng magaganap hanggang sa Araw ng Paghuhukom. O aking anak, kung mamatay kang hindi naniniwala dito, ikaw ay papasok sa Apoy.'
si Ad-Daylami ay nagsabi:
"Nagpunta ako kay Ubayy bin Ka'b at sinabi sa kanya na ako ay may ilang mga pagaalinlangan tungkol sa banal na pasya, kaya pagsabihan mo ako upang kung loloobin ng Allah ito ay lilisan sa ang aking puso. Sinabi niya, 'Kung ang Allah ay magpaparusa sa mga naninirahan sa langit at lupa, Siya ay parurusahan sila at hindi Siya magiging hindi makatarungan sa kanila; at kung Siya ay magpapakita ng awa sa kanila, mas mainam ito sa kanila kumpara sa kanilang mga gawa. At kung gugugol ka ng ginto na kasing laki ng Bundok ng Uhud, hindi ito tatanggapin ng Allah hanggang sa ikaw ay manampalataya sa banal na kapasyahan. At unawain na kung ano ang nagpapapighati sa iyo ay hindi makakaligta sa iyo, at kung ano ang nakaligta sa iyo ay hindi makapagpapapighati sa iyo. '"
Kaya nagpunta siya kay Abdullah Ibn Mas'ud na nagsabi sa kanya ng kaparehong bagay. Kaya nagpunta siya kay Hudthaifah bin al-Yaman[1] na nagsabi sa kanya ng kapareho ring bagay. Nagpunta siya kay Zayd bin Thabit na nagsabi rin sa kanya ng parehong bagay. [2]
Ano itong pananampalataya na ito sa banal na pasiya (Qadr) na itinuturing ng mga dakilang Kasamahan bilang kaligtasan mula sa Apoy? Ano ba talaga ang dapat paniwalaan?
(1) Ang walang hanggang kaalaman ng Allah ay ganap at kumpleto.
(2) Itinala ng Allah ang lahat ng bagay sa Iningatang Kasulatan,
(3) Ang kalooban ng Allah ay laging ganap, at ang Kanyang Kakayahan ay perpekto.
(4) Ang Allah ang lumikha ng lahat ng bagay.
(1) Ang Walang Hanggang Kaalaman ng Allah ay Ganap at Kumpleto.
Ang pangunahin at kinakailangang bahagi ay ang paniniwala sa hindi matatalos na kaalaman ng Allah. Batid ng Allah kung ano ang gagawin ng mga nilalang, na nasasakop sa lahat ng Kanyang kaalaman. Alam Niya ang lahat ng umiiral, sa kabuuan at kalahatan, sa pamamagitan ng Kanyang sinauna at walang hanggang kaalaman. Walang ipinag-iba sa Kanya may kaugnayan man sa Kanyang Pagkilos o sa mga gawa ng Kanyang alipin. Alam Niya ang kanilang katayuan, pagtalima at pagsuway, kabuhayan, haba ng buhay, tagumpay at kabiguan, at lahat ng kanilang paggalaw. Bago Niya sila nilikha, at kahit na bago pa Niya nilikha ang langit at ang lupa, alam ng Allah na eksakto kung sino ang papasok sa Paraiso at mananatili sa Impiyerno.
“Katotohanan, walang maitatago sa Allah, sa kalupaan o maging sa kalangitan.” (Quran 3:5)
“Hindi ba ninyo nalalaman na si Allah ang nakababatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan?” (Quran 22:70)
Sinumang tumanggi dito ay tinanggihan din ang pagiging perpekto ng Allah, dahil ang kabaligtaran ng kaalaman ay alinman sa kamangmangan o pagkalimot. Ito ay mangangahulugang ang Allah ay nagkamali sa Kanyang paunang kaalaman sa mga pangyayari sa hinaharap; Hindi na Siya magiging Pinakamaalam. Mga kakulangang wala sa Allah. Nang tanungin ni Paraon si Moises:
“(si Paraon ay nagsabi:) ‘At anu naman ang tungkol sa mga naunang henerasyon?’
(Si Moses) ay nagsabi: ‘Ang kaalaman diyan ay na sa aking Panginoon, sa isang Talaan. Ang aking Panginoon ay hindi kailanman nagkakamali o nakakalimot’” (Quran 20:51, 52)
Ang Allah ay hindi mangmang sa hinaharap, ni hindi Siya nakakalimot sa anumang bagay mula sa nakaraan.
(2) Itinala ng Allah ang Lahat ng Bagay sa Iningatang Talaan
Ang ikalawang kinakailangang bahagi ay ang pagkakatala ng Allah sa lahat ng mangyayari hanggang sa Araw ng Paghuhukom sa Al-Lawh Al-Mahfuz (ang Iningatang Talaan). Ang haba ng buhay ng lahat ng tao ay nakasulat at ang halaga ng kanilang kabuhayan ay nailaan nang malaon. Ang walang hanggang paghirang at paghatol ay isinulat para sa lahat ng sangkatauhan bago pa sila likhain. Sa kanilang sariling kalooban sila ay naligaw; pinili nilang mahulog, at dahil ang kanilang pagkahulog ay malaon nang batid, kung kaya't ito ay isinulat.
Ang lahat ng bagay na nilikha o nangyayari sa sansinukob ay ayon sa kung ano ang naitala. Sinabi ng Allah:
“Hindi ba ninyo nalalaman na ang Allah ang nakababatid ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan? Kaotohanan, ito ay nasa isang Talaan. Katotohanan, ito ay magaan para sa Allah.” (Quran 22:70)
Minsan ang mga makasalanan ay magtatangkang bigyang-katwiran ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsasabing, "Nagawa ko ang kasalanang ito dahil ito ay naisulat na." Ang pagkakamali ay nasa kanyang pag-iisip na sa pagsulat na ito ay na-alis ng kanyang malayang kalooban upang magpahiwatig na wala siyang pagpipilian sa kanyang mga aksyon! Ang sagot sa mga taong yaon ay, "Hindi. Sapagkat ginawa mo ito, kaya't ito ay nasusulat. "Ang ibig sabihin ay malaya siyang pumili. Ang nakasulat lamang ay ang kanyang pagpipilian, na nasa kabatiran ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang malawak na kaalaman na hindi ipinagkakait ang malayang kalooban ninuman.
Nakaraang Aralin: Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
Susunod na Aralin: Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga