Naglo-load...

Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Isang pambungad sa paksa ng 'riba' (interes).

Ni Imam Kamil Mufti (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 110 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,579 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang matutunan ang mga epekto ng riba sa isang indibidwal at lipunan.

·Upang malaman ang kahulugan ng riba.

·Upang makilala ang dalawang uri ng riba.

·Upang pahalagahan na ang riba ay ipinagbabawal sa nakaraang mga banal na kasulatan.

·Upang malaman ang tungkol sa pagbabawal ng riba sa Quran.

Terminong Arabik

·Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at ito din ay palatandaan nang pag-uumpisa ng kalendaryo sa Islam.

·Riba - patubo/interes.

·Riba an-Nasiah - “riba ng pagpapaliban”.

·Riba al-Fadl - “riba ng pagpapalabis”.

·Shariah - Batas ng Islam.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Surah – kabanata ng Quran.

InterestinIslam1.jpg

Ang patubo ay tungkol sa pagtitipon ng mas maraming pera nang walang panganib na humahantong sa isang walang patas na pamamahagi ng kita. Ang patubo ay naglalagay sa mga mahihirap na nababaon sa utang sa isang sitwasyon kung saan hindi sila maaaring umusbong sa lipunan o sa ekonomiya. Maraming beses ang isang indibidwal ay hindi kayang mapanatili ang mga pagbabayad ng interes na dapat bayaran mula sa kanyang utang. Ang Riba ay lumilikha ng mga linta(nabubuhay sa pagsipsip sa iba o pagpapayaman gamit ang ibang tao) sa lipunan dahil dito ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay napapanatiling malawak.

Ang pangunahing layunin ng pagbabawal ng riba ay upang harangan ang mga paraan na humantong sa pag-iipon ng kayamanan sa mga kamay ng iilan, maging ang mga ito ay mga bangko o mga indibidwal. Halimbawa ang US. Ang pinaka nasa taas na 1% na mga Amerikano ay kontrolado ang 40% na yaman ng bansa.

Sa internasyonal na antas, ang mga kinahihinatnan ng patubo ay mas malala. Ang patubo na binabayaran ng mga pamahalaan ng mahihirap na bansa ay napakalaki na halos isakripisyo nila ang mahahalagang pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Ang ilang mga pamahalaan ng Aprika ay napipilitan gumastos ng higit sa pagbabayad ng interes kaysa sa gastusin nila sa kalusugan o edukasyon. [1] Sa madaling sabi, ang interes ay pumapatay. Sinabi ni Ken Livingston, Mayor ng London, na ang pandaigdigang kapitalismo ay pumapatay ng mas maraming tao bawat taon kaysa sa pinatay ni Adolf Hitler. Sinisi niya ang IMF at World Bank para sa mga milyun-milyong pagkamatay dahil sa kanilang pagtanggi na mabawasan ang pasanin sa utang. Sinabi ni Susan George na bawat taon mula noong 1981 sa pagitan ng 15 at 20 milyong katao ang namatay nang hindi karapat-dapat dahil sa pasanin ng utang "dahil ang mga pamahalaan ng Third World ay kinailangan na magbawas sa malinis na tubig at mga programang pangkalusugan upang matugunan ang kanilang mga pagbabayad." [2]

Bukod pa rito, sa kabuuan, ang socio-economic at pantay na katarungan, intergenerational na pagkamakatao, kawalang katatagan ng ekonomiya, at pagkawasak ng ekolohiya ay dahilan din na batayan sa pagbabawal nito. [3] Ang pagbabawal sa riba ay ang pagpigil sa pag-iimbak, at humahantong sa malawak na pag-unlad. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa sumusunod na link:

Bakit lahat tayo ay may utang?

Kahulugan ng Riba

Ang 'Riba' ay ang salitang ginagamit ng Allah sa Quran at ni Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, sa Sunnah. "Ang literal na kahulugan ng 'riba' ay labis at sa terminolohiya ng Shariah, ay nangangahulugang isang karagdagan, gaano man ka kaunti, humigit pa at mas mataas sa tunay na halaga ng matagalang pautang o utang."[4]

Ang karaniwang mga halimbawa na kinasasangkutan ng riba ay ang pagsulong ng pera sa interes, pagpapanatili ng mga deposito sa isang bangko para sa pagkita ng dahil sa interes, at interes na binabayaran sa utang ng credit card.

Ang pinaka karaniwang gawain ng riba ay ang mga pautang at kredito. Halimbawa: Ang isang nagpapahiram ay nagbigay ng P1000 sa isang may nangungutang na may kasunduan na ang may utang ay ibabalik ito ng $ 1200 sa isang tukoy na petsa. Ang dagdag na $ 200 ay riba sa Shariah.

Upang maging tumpak, ang riba ay dalawang uri, isa mula sa Quran (riba an-nasiah, "riba ng pagpapaliban") at isa pang mula sa Sunnah (riba al-fadl, "riba ng pagpapalabis").

Mga Uri ng Riba

1. Riba an-Nasiah (riba ng pagpapaliban):

Ito ay isang pagpapaliban (nasiah) sa pagbabayad ng mga utang na may kinalaman na mas malaking pera kaysa sa tunay na halaga o di kaya ay pagbabayad lang ng isa mula sa dalawang utang. Ito ang riba na naiipon sa isang pautang. Ito ay ang mas laganap na anyo ng riba ngayon at ang tatalakayin natin sa araling ito.

2. Riba al-Fadl (riba ng pagpapalabis)

Ito ay isang labis (fadl) sa presyo ng isang halaga mula sa iba pa sa mga barter(palitan) na transaksyon ng mga partikular na mga kalakal (hindi-pera ngunit napapalitan na bagay). Hindi natin pag-uusapan ito sa mga aralin na ito.

Ang Riba ay Ipinagbawal sa mga Naunang Kasulatan

Ang Islam ay hindi lamang ang relihiyon na pinagbawalan ang interes. Ang pagbabawal ng interes ay isang kilalang batas sa Luma at Bagong Tipan ng Biblia. Isaalang-alang ang sumusunod na mga talata:

“Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo. Sa isang taga ibang lupa o ibansa na dimo kilala ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni't sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bagay o negosyo na iyong papasukin na magkakaroon ka ng kita o pag aari.” (Deuteronomy 23:19-20)

Gayundin, tingnan ang Exodo 22:25, Levitico 25:37, Jeremias 15:10, at Ezekiel 18:13. Ang mga naunang konseho ng simbahan ay nagbabawal sa interes at mga Katoliko na pinagbawalan ito nang mahabang panahon.

Riba sa Quran

Mayroong maraming talata sa Quran na nagpapaliwanag sa pagbabawal ng interes o riba. Sinasabi ng dalawang talata na ang riba ay ipinagbabawal sa mga Tao ng Aklat, lalo na ang mga Hudyo (4: 160-161).

Ang mga talata tungkol sa interes ay ipinahayag kay Propeta Muhammad sa buong tungkulin niya bilang sugo. Ang unang talata ng Quran sa interes ay itinuturing na nasa Surah ar-Room, 30:39 na inihayag sa ika-6 na taon ng pagkapropeta sa Mecca. Ang talatang 3: 130 ay ipinahayag sa ika-3 taon pagkatapos ng paglipat ng Propeta Muhammad sa Madina. Ang Surah an-Nisa, 4: 160-161 ay inihayag sa ika-5 taon ng Hijrah. Ang surah al-Baqarah, 2: 275-276 ay ipinahayag sa ika-9 na taon ng Hijrah.

Karagdagang paliwanag sa bahagi na ito ay nasa susunod na aralin.



Talababa:

[1] The Debt Threat, Noreena Hertz, p. 3

[2] Globalisation or Reconolisation? The Muslim World in the 21st Century, Ali Mohammadi and Muhammad Ahsan, p. 38.

[3] Understanding Islamic Finance, Muhammad Ayub, p. 54

[4] Understanding Islamic Finance, Muhammad Ayub, p. 52

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7