Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
Deskripsyon: Isang maikling pagpapakilala sa pagkakaunawa sa kasalanan at mga pagkakaiba sa pagitan ng mga malalaki at maliliit na mga kasalanan. Binigyang importansiya ang mga malalaking kasalanan, kung ano ang mga ito, at ano ang kanilang mga kahihinatnan sa parehong indibidwal at lipunan sa kabuuan?
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 14,047 (pang-araw-araw na average: 6)
Mga Layunin:
·Upang malinaw na matukoy ang isang malaking kasalanan.
·Upang ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng mga malalaki at maliliit na kasalanan.
·Upang ilista ang mga malalaking kasalanan.
Terminolohiyang Arabik:
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, na kahit ano na naiulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Riba - patubo/interes.
·Du’a – panalangin, pagdarasal, na humihiling sa Allah ng isang bagay.
·Shirk - isang salita na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kasosyo sa Allah, o nagpapahiwatig ng mga katangiang banal sa iba kaysa sa Allah, o naniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod sa Allah.
Ano ang isang kasalanan?
Sa Islam ang isang kasalanan ay anumang ginawa na pinili ng isang tao na taliwas sa batas ng Allah. Ito ay mga gawa na ipinagbabawal ng Allah sa Quran o sa pamamagitan ni Propeta Muhammad sa Sunnah. Itinuturo sa atin ng Quran ang tungkol sa mga tao na ang mga puso ay nababalutan ng mga kasalanan ng kanilang mga ginagawa. (Quran 83:14). Ipinaliwanag ni Propeta Muhammad ang talatang ito sa pamamagitan ng pagsasabi na kapag ang isang tao ay nagkasala ng isang beses, ito ay tulad ng itim na tuldok na inilalagay sa kanyang puso. Sa kalaunan, kung ang isang tao ay nakaipon ng sapat na itim na mga tuldok ang kanyang puso ay ganap na nababalot at pinatigas. Ang daan pabalik sa Allah ay nagiging mas mahirap, ngunit hindi kailanman nawawalan ng pag-asa dahil ang Allah ay ang pinaka Mapagpatawad at wala nang nais kundi patawarin ang mga nagbabalik-loob sa Kanya at nagsisisi.
"Para sa mga umiiwas sa mga malalaking kasalanan at imoralidad, bagaman maaari silang gumawa ng mga maliliit na kasalanan, katunayan, ang inyong Panginoon ay napakalawak sa kapatawaran. Kilalang kilala kayo niya simula ng nilkha Niya kayo mula sa lupa at noong mga nasa sinapupunan ng iyong mga ina. Kaya huwag ninyong pabulaanan ang inyong sarili na dalisay; Siya ang higit na nakakaalam sa kung sino ang takot sa Kanya. "(Quran 53: 32)
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang malaki at maliit na kasalanan?
Inuuri sa Islam ang mga kasalanan ayon sa tindi ng kanilang mga kahihinatnan sa mga indibidwal at lipunan. Ang isang malaking kasalanan sa Islam ay direktang binigyan ng babala sa Quran, na tumutukoy sa isang tiyak na parusa sa buhay na dito sa mundo o sa Kabilang Buhay. Kabilang dito ang mga paglabag sa Allah tulad ng pagsamba sa mga diyus-diyosan o isang bagay maliban sa Allah. Kabilang sa iba pang mga malalaking kasalanan ang pagpatay, pagnanakaw, pagsisinungaling, panunuhol, paninirang-puri, pangangalunya, at pag-inom ng alak. Ang mga pagkilos na ito ay itinuturing na malubha dahil sa nakapipinsalang mga bunga na mayroon sila sa mga indibidwal at lipunan. Ang iba pang mga gawain na karaniwang likas na personal ay itinuturing na maliliit. Ito ang mga gawain na kung saan hindi ipinahayag ng Allah ang sobrang galit, parusa, o mga babala.
Bakit kailangang umiwas sa kasalanan, lalo na ang malalaking kasalanan?
Ang mga malalaking kasalanan ay maaaring maging isa sa mga dahilan na hindi tinatanggap ng Allah ang iyong du'a. Tanungin ang iyong sarili kung paano at bakit papakinggan ng Allah ang isang taong nananatili sa isang kalagayan ng kasalanan at hindi ito iniiwan o nagsisisi mula dito. Napakahalaga para sa isang mananampalataya na maiwasan ang mga malalaking kasalanan dahil maaari itong magdala ng maraming malulubhang parusa at ang Allah ay tinitiyak ang Paraiso sa mga umi-iwas sa kanila.
“At kung inyong iiwasan ang mga karumal-dumal na kasalanan na sa inyo ay ipinagbabawal, patatawarin Namin kayo sa mga (iba pa) kasalanan at kayo ay tatanggapin sa Paraiso na may karangalan sa pagpasok.(Quran 4:31)
Ano ang mga malalaking kasalanan?
Mahigit sa daan-daang taon ng karunungang Islamiko maraming mga lista na pinagsama-sama tungkol sa malalaking kasalanan sa Islam. Ngayon ay sisimulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng paggamit ng isang hadith na binanggit ni Abu Hurairah. Sinabi ng Propeta, "Iwasan ang pitong dakilang mapanirang kasalanan." Sila (ang mga tao) ay nagtanong, "Ano ba sila?" Sumagot siya ng mga sumusunod:
1) Pagtatambal sa pagsamba sa Allah.
2) Ang pagsasanay ng pangkukulam/salamangka.
3) Paggamit ng riba (patubo/interes).
4) Pagkuha ng isang buhay ng hindi makatarungan.
5) Pamamalakad na hindi makatarungan sa ari-arian ng isang ulila.
6) Pagtalikod at pagtakas mula sa isang labanan.
7) Pagaakusa sa mga babaeng dalisay ng imoralidad.
Ating suriin ng maigi ang mga kasalanang ito.
1)Ang Shirk, o pagtatambal sa Allah ay ang pinakamabigat sa lahat ng ipinagbabawal. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Hindi ko ba sasabihin sa inyo ang pinakamalubha sa mga malalaking kasalanan?" Sinabi namin, "Siyempre, O Sugo ng Allah!" Sinabi Niya, "Ang pagtatambal ng anumang bagay sa pagsamba sa Allah. . . "[1]
“ Katotohanang ang Allah ay hindi nagpapatawad na ang mga iba ay itambal pa sa Kanya sa pagsamba, datapuwa’t Siya ay nagpapatawad (ng lahat) maliban (lamang sa una) sa sinumang Kanyang maibigan, at sinumang magtambal sa pagsamba sa Allah, katotohanang siya ay gumawa ng kagimbal-gimbal na kasalanan.” (Quran 4:48)
2)Ang pagsasalamangka, pangkukulam, pag angkin ng kabanalan, oroskopyo(astrology/horoscope) at panghuhula ay kabilang sa pasimula ng pagsasalamangka na isa sa pitong kasalanan na maaaring magdala sa isang tao sa Impiyerno. Ang pagsasalamangka ay nagdudulot ng pinsala at walang anumang pakinabang. Sinabi ng Allah tungkol sa taong natututo o nagsasagawa nito, ". . At natututunan nila ang isang bagay na nakakapinsala sa kanila at hindi kapaki-pakinabang sakanila. . . " (Quran 2:102)
3)Sa Quran, hindi nag deklara ang Allah ng digmaan sa sinuman maliban sa mga taong nakikitungo sa riba.
“O kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah, at inyong ipagparaya (huwag nang pabayaran) ang anumang natira sa tubo ng inyong pautang, kung kayo ay tunay na sumasampalataya. At kung ito ay hindi ninyo gawin, kunin niyo ang mensahe ng pakikidigama mula sa Allah at ng Kanyang Sugo . . .( ang isang nagpapatubo ng salapi ay parang nakikipaglaban sa Allah at sa Kanyang Sugong si Muhammad)” (Quran 2:278-279)
Ang Riba ay sumasalungat sa diwa ng kapatiran at simpatya, at nakabatay sa kasakiman, pagkamakasarili at pagkamatigas ng puso. Ito ay isa sa mga pangunahing nag-aambag patungo sa pagpintog(inflation) at nagiging sanhi ng trauma(takot na malubha) at pagkalungkot dahil sa pagkapatong-patong ng mga utang. Tinitiyak ng Riba ang walang posibilidad na pagkalugi, kaya naman ang lahat ng panganib ay nakukuha ng nangungutang, sa halip ng paghatian ang panganib at mga kita sa parehong partido. Lumilikha rin ang Riba ng isang monopolyo sa lipunan, kung saan ang mayaman ay ginagantimpalaan dahil sa pagiging mayaman, habang ang mga hindi mayaman ay sapilitang nagbibigay ng karagdagang bayad.
4)Ang isa sa mga pinakamabigat na kasalanan sa Islam ay ang sinasadyang pagkuha ng isang buhay. Ito ay katunayan sa kadahilan na ang Islam ay naglalaman ng mga alituntunin ng kagandahang-asal, na dinisenyo upang maprotektahan ang mga karapatan ng indibidwal kasama ang kanyang karapatang manirahan sa isang ligtas na komunidad. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang isang tao ay patuloy na magiging matiwasay sa kanyang relihiyon hangga't hindi siya nagpapadanak ng dugo na ipinagbawal ipadanak."[2]
5)Dapat gamitin ng mga tagapagbantay at tagapangalaga ng mga ulila ang ari-arian na ipinagkatiwala sa kanila sa tamang paraan at para lamang sa kapakanan ng ulila. Ang isang tagapangalaga ay dapat maging maingat na hindi gastusin ang alinman sa pera ng ulila sa kanyang sarili dahil ito ay isang malaking pagkakasala. Ang Islam ay pinangangalagaan ang pagiging makatarungan, pagiging pantay at pagiging responsable para sa kapakanan ng isang ulila at ito ay isang pananagutan na hindi dapat ipag walang bahala.
“Ang mga umaangkin ng mga ari-arian ng mga ulila ng walang katarungan ay kumakain ng apoy sa kanilang tiyan; hindi magtatagal, sila ay susunugin sa naglalagablab na Apoy!” (Quran 4:10)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman