Naglo-load...

Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Ipinaliliwanag ng araling ito ang isyu ng pagsisinungaling sa etika ng Islam.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 93 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,418 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin

·Upang malaman kung ano ba ang pagsisinungaling at maintindihan ang ilang mga rason kung bakit tayo nag sisinungaling.

·Para malaman at maintindihan na may mga ibat-ibang antas ang pagsisinungaling.

·Para malaman at maintindihan ang kalubhaan ng pagsisinungaling sa Banal na Qur’an at sa Sunnah.

·Para matutunan ang mga hangganan kung saan maaring mag sinungaling.

Mga Terminilohiyang Arabik

·Sunnah – ang salitang Sunnah ay may ibat ibang pakahulugan depende sa kung anung larangan ng pag aaral ito, ganun paman ang pangkalahatang ibig sabihin nito na tinatanggap, ay anumang naitala na nagmula sa Propeta, na kanyang sinabi, ginawa, at sinang-ayunan.

Ano Ang Kasinungalingan?

Backbiting1.jpgAng kasinungalingan ay ang kasalungat ng katotohanan. Kaya naman, anumang sinabi o sinulat na hindi totoo ay sadyang nangangahulugan lamang ng kasinungalingan. Ang kasinungalingan ay bagay na walang basihan, walang katotohanan, na gawa-gawa lamang, magulo o isang pagmamalabis. Ang pag sisinungaling ay bagay na pinag-babawal ng Islam at kinokondena ito ng Allah at ng Kanyang sugo (SAW).

Bakit Nga Ba Tayo Nag Sisinungaling?

·Para makuha ang ating ninanais o gusto.

·Upang mapanatiling isang lihim.

·Upang itago ang katotohanan.

·Upang protektahan ang ating katawan (sarili) o ari-arian.

·Upang iligtas ang ating sarili mula sa kahihiyan.

·Upang mapanatili ang ating imahe.

·Upang maiwasan ang karagdagang pagtatanong.

·Upang bigyang katuwiran ang ating pag-uugali.

·Upang maiwasan ang isang responsibilidad.

·Para makaiwas sa sigalot.

·Upang mapanatili ang katayuan.

·Upang mapalawak ang ating sarili (pagkamakaako.).

·Upang itago ang ating nararamdaman.

·Upang manipulahin ang isang tao.

·Upang lokohin ang isang tao.

·Para balikan ang isang tao na nagsinungaling sa atin.

Mga Antas Ng Pagsisinungaling

Hindi lahat ng kasinungaliangan ay magkaka-pareho. At ang pinaka malaking kasinungalingan ay ang pasinungalingan ang Allah sa kanyang mga katangian at ang Kanyang Sugo. Ang Sabi ng Allah sa banal na Qur’an:

"At kung (mangyari ngang) siya (Propetang Muhammad) ay kumatha hingil sa Amin ng ibang (mga huwad) na salita, Siya'y aming hahatakin sa (Aming) kanang kamay; pagkaraan ay, Aming puputulin ang kanyang ugat sa leeg (na siyang dinadaluyan ng kanyang buhay. "(Qur'an 69: 44-46)

Ang Pagsisinungaling sa pananampalataya ay napaka dilikado:

“...at wag ninyong itago ang ebendisya, sapagkat sinumang magtago nito, ay katunayan may makasalanang puso...” (Quran 2:283)

Ang paghaluin ang kasinungalingan sa katotohanan ay isang napakalaking kasalanan:

"At huwag ihalo ang katotohanan sa kasinungalingan o itago ang katotohanan habang ito'y alam niyo ." (Quran 2:42)

Ang Munafiq (Mapagkunwari) ay ang taong tinatago niya sa kanyang puso ang kawalang pananampalataya, ngunit silay nagpapanggap na may pananampalataya sa kanilang mga dila, sila'y mga sinungaling dahil sila'y nagsisinungaling sa kanilang mga sarili. At ang Allah ay nabanggit sa atin ang patungkol sa kanila:

"Sa kanilang mga puso ay may sakit, kaya ang Allah ay nagdaragdag ng kanilang sakit; at para sa kanila ay isang matinding kaparusahan dahil sa kanilang mga kasinungalingan. "(Quran 2:10)

“…Alam ng Allah na ika’y Sugo (Prophet Muhammad), at si Allah ang nagpapatotoo na ang mga mapagkunwari ay mga sinungaling.” (Quran 63:1)

Ang Quran sa Pagsasabi ng Katotohanan

Ang Allah ay nag-uutos na maging totoo/matapat tayo at ito'y binabanggit sa Qur’an ng mahigit isang daang beses. Ang katapatan ay ang kalidad ng isang mananampalataya. Ang ilang magagandang talata mula sa Quran sa Pagpapakatotoo:

“O kayong mga mananampalataya! Katakotan ninyo ang Allah at magsalita ng katotohanan.” (Quran 33:70)

“O kayong mga mananampalataya! Katakotan ninyo ang Allah at magsalita ng katotohanan.” (Quran 33:70)

“at gagantimpalaan ng Allah ang mga nagpapakatotoo sa kanilang pagpapakatotoo…” (Quran 33:24)

“Ang mga mananampalataya ang tunay na naniniwala sa Allah at sa kanyang Sugo ng walang pag-aalinlangan at sila'y nagsusumikap sa kanilang mga yaman at sa kanilang mga sarili sa landas ni Allah, sila yaong mga totoo na matapat.” (Quran 49:15)

Ang Pagbabawal ng Qur’an sa Pagsisinungaling.

“…na ang sumpa ng Allah ay mapapasa-kanya kung siya ay maging kabilang sa mga sinungaling.” (Quran 24:7)

"... Sa katunayan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang sinumang isang sinungaling, at isang hindi naniniwala." (Qur'an 39: 3)

"... Sa katunayan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang sinumang isang manloloko at isang sinungaling." (Quran 40:28)

Ang Propeta Muhammad sa Pagsisinungaling

Si Propeta Muhammad ay lubos na kinikilala bilang isang matapat na tao bago paman siya pinili ng Allah na maging Propeta. Siya ay kilala bilang 'al-Amin,' 'ang mapagkakatiwalaan.' Kahit pa ang kanyang mga kaaway ay kinikilala nila siya (si Muhammad) na matapat at mapagkakatiwalaang tao. Binibigyang diin ng Propeta(SAW) ang kahalagahan ng pagpapakatotoo o pagiging matapat sa maraming pananalita:

"Hinihikayat ko kayo na maging matapat, katotohanan na ang pagiging matapat ay nagdadalala sa pagiging mabuti, at ang pagiging mabuti ay siyang maghahatid sa pagpasok sa paraiso. Ang taong patuloy sa pagiging totoo at pagsasabi ng katotohanan hanggang sa maitala siya kay Allah bilang nagsasalita ng katotohanan (siddeeq). At mag-ingat sa pagsisinungaling, sapagkat ang pagsisinungaling ay humahantong sa imoralidad at ang imoralidad ay nagdadala sa Impiyerno; ang isang tao ay patuloy na nagsasabi ng mga kasinungalingan hanggang sa maitala siya sa Allah bilang isang sinungaling. "(Saheeh Al-Bukhari, Muslim Saheeh)

May nagtanong sa Propeta Muhammad(SAW), “ O Sugo ng Allah! Ano po sa palagay ninyo ang pinaka-kakila-kilabot na bagay para sa akin?” Hinawakan ng Propeta (SAW) ang kanyang dila at sinabi niya:"Ito!"

"Ang pagkasira ay mapapasa-kanya na nagsasabi ng mga kasinungalingan para sa kasayahan ng ibang tao. Ang pagkasira ay mapapasa-kanya."(Tirmithi)

"Ang pinakamalaking pagsira ng tiwala ay ang sabihin mo sa iyong kapatid ang isang bagay na siya’y naniniwala na ito ay totoo, habang ikaw ay nagsinungaling sa kanya." (Abu Dawud)

Maari Bang Patotohanan ang pagsisinungaling?

Ang Islam ay ang relihiyon ng katotohanan na kinikilala ang tao sa kanyang kalagayan at sa kanyang kahinaan. Mayrong mga pagkakataon na ang pagsisinungaling ay pinapahintulutan. Maaaring magsinungaling sa ilang natatanging mga kalagayan tulad ng:

·Para isalba ang inosinteng buhay. Sinasabi ng ating mga iskolar ang isang kuwento ng isang sinaunang punong malupit na nag-utos na patayin ang isang inosenteng tao sa kanyang kawalang mudo! Pagkarinig nito, sinimulang sinumpa ng lalaki ang hari sa kanyang katutubong wika. Nagtataka, ang maniniil ay nagtanong kung ano ang sinasabi ng lalaki mula sa kanyang tagapayo na nakaka-unawa (sa sinasabi ng lalaki na yon). Ang tagapayo ay isang taong may karunungan. Sa halip na sabihin ang katotohanan, sinabi niya sa maniniil na ang tao ay humihingi ng paumanhin para sa kanyang pag-uugali at nagsusumamo para sa kahabagan ng hari! Kaya naman Ang mapusok na maniniil ay iniligtas ang buhay ng lalaki na yon.

·Upang mapanatili ang pagkakaisa at pagmamahalan ng mag-asawa. Ang mga ito ay kilala bilang "matamis na maliliit na mga kasinungalingan," o "mabubuting kasinungalingan," tulad ng " kailanman ang iyong pagkain ang pinakamasarap!"

·Upang gumawa ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang partido. Ang tagapamagitan ay maaaring magbigay ng isang bahagyang katotohanan kung ano ang sinabi ng isang partido tungkol sa isa upang makapagdala ng kapayapaan sa pagitan nila.



Talababa:

[1] Tirmidhi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6