Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Isang pagpapatuloy ng mga tanda ng awa ni Allah at isang talakayan tungkol sa ugnayan sa pagitan ng awa at pagpapatawad.
Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,027 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin:
·Pahalagahan ang lawak ng awa ni Allah sa mga mananampalataya at sa buong nilikha.
·Unawain ang koneksyon sa pagitan ng awa at pagpapatawad.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Sunnah – Ang salitang Sunnah ay karaniwang nangangahulugan ng anumang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o inaprubahan.
·Wali - isang salitang Arabe na nangangahulugang lingkod, tagataguyod, tagapagtanggol.
Higit pang mga Tanda ng Awa ni Allah
·Ulan
Habang ang ulan ay maaaring minsan ay isang paalala ng kaparusahan ng Diyos, ito ay isang tunay na pagpapala at isang awa ng pinakamataas na kautusan. Kapag walang ulan, ang buhay na alam natin ay hindi iiral. Ang lahat ng kapangyarihan at lakas ay mula sa Diyos Lamang at ipinapaalala Niya ito sa atin sa Quran. Ang Diyos ay Makapangyarihan, na may ganap na kontrol sa ulan at sa mga nabibigay nito.
“At Aming ibinaba mula sa kalangitan ang tubig (ulan) sa tamang sukat…” (Quran 23:18)
“At Siya ang nagbababa ng ulan pagkaraang sila ay nawalan ng pag-asa, at ipinamamahagi ang kanyang habag. At Siya ang Tagapangalaga, ang Kapuri-puri.” (Quran 42:28)
·Ang buhay na walang hanggan sa Paraiso.
Ito ang awa ni Allah na papapasukin ang mga mananampalataya sa Paraiso sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Walang makapapasok kailanman sa Paraiso ng dahil lamang sa kanyang mga gawa . Si Propeta Muhammad, nawa'y ang papuri ay sumakanya, ay ipinaliwanag ito sa kanyang mga kasamahan na nagsasabing, "Walang sinumang ang kanyang gawa ang makakapagpapasok sa kanya sa Paraiso." Sinabi nila, "Kahit na ikaw, O Sugo ni Allah?" Sinabi niya, "Hindi, kahit na ako, maliban kung papaulanan ako ni Allah ng Kanyang Awa.[1] Gayunpaman ang mabuting gawa ng isang tao ang nagpapalapit sa awa ni Allah.
Ang awa at ang lahat ng napapaloob dito ay isang napakahalagang konsepto sa Islam sapagkat mula dito ay nagmumula ang pagkamapagbigay, paggalang, pagpaparaya at pagpapatawad; ang lahat ng mga katangian na inaasahan sa isang Muslim na payamanin sa buhay na ito. Dahil dito ang Islam ay naglalagay ng malaking pagpapahalaga sa paglilinang ng mga katangian ng pagkahabag, pakikiramay, kapatawaran, at pagmamahal. Parehong ang Quran at ang Sunnah ng Propeta Muhammad ay nagpapakita at hinihikayat ang mga halimbawa na ito. Pinagpapala ni Allah ang mga Muslim na mabait sa iba at ayaw ng pag-uugali na matigas ang puso o malupit. Samakatuwid ang Propetang si Muhammad ay madalas na marinig ang pagtawag sa Awa ng Diyos sa mga mananampalataya.
Awa at Pagpapatawad
Ang awa ni Allah ay hindi kailanman dapat maliitin at ang mga katangian ng awa at pagpapatawad ay magkadugtong sa buong Quran at ang mga tunay na tradisyon - ang Sunnah - ni Propeta Muhammad. Hinihingi sa atin ni Allah na humingi tayo ng kapatawaran mula sa Kanya at ipinaalala sa atin ni Propeta Mohammad na ang Diyos ay nagpapatawad kapag bumabaling tayo sa Kanya. Sa huling bahagi ng gabi, kapag ang kadiliman ay namamalagi sa buong lupain, ang Diyos ay bumababa sa pinakamababang langit at tinatanong ang Kanyang mga alipin. "Sino ang nananalangin sa Akin upang ito'y Aking sagutin? Sino ang humihiling ng isang bagay sa Akin upang mabigay Ko ito sa kanya? Sino ang humihingi ng kapatawaran sa Akin upang siya ay Aking patawarin?”[2]
“Sabihin: O Aking alipin na nagmamalabis [sa paggawa ng mga kasalanan] laban sa kanilang mga sarili, huwag kayong mawalan ng pag-asa mula sa habag ni Allah. Katotohanan, pinatatawad ni Allah ang lahat ng kasalanan. Katiyakan ang Lagi nang mapagpatawad, ang Maawain. ' At magbalik-loob kayo [sa pagsisisi] sa inyong Panginoon at tumalima sa Kanya [sa Islam] bago dumating ang parusa sa inyo; sapagkat pagkaraan niyan kayo ay hindi matutulungan.” (Quran 39: 53 – 54)
Nilikha ni Allah ang sangkatauhan na may pagkahilig sa paggawa ng mga kasalanan at gumawa ng mga pagkakamali, gayunpaman kapag ang isang tao ay nagsisisi ay nakikita at nararanasan niya ang mga dakilang katangian ng awa at pagpapatawad ni Allah. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung hindi ka nagkakasala, lilipulin ka ni Allah at papalitan ka ng ibang mga tao na magkakasala at hihingi ng kapatawaran kay Allah.[3] Ang mahulog sa pagkakamali, pag-unawa sa pagkakamali, at paghahangad ng pagpapatawad ni Allah habang umaasa sa Kanyang awa, ay espirituwal na pag-unlad na lumilikha ng pagmamahal ng isang tao para kay Allah. Minamahal ni Allah ang mga patuloy na lumalapit sa Kanya na naghahangad ng kapatawaran.
Bagaman si Allah ay sabik para sa lahat ng tao na lumapit sa Kanya at humingi ng kapatawaran, at kahit na ang Kanyang awa ay malawak at pumapalibot sa lahat, ito ay hindi isang lisensya na gumawa ng mga kasalanan. Upang ang isang tao ay makaramdam ng awa ni Allah at patawarin para sa kanyang mga paglabag, ang mga kondisyon ng pagsisisi ay dapat matupad[4]. Matapos at pagkatapos nito ay ang awa ni Allah ay bababa.
Ang awa ni Allah ay naihahayag kapag binibilang ni Allah ang kasalanan ng nagkasala bilang isang kasalanan. Higit pang ipinapahayag kung si Allah ay nagbibigay ng gantimpala sa matuwid na tao ng sampung beses kung ano ang halaga ng kanyang mabuting gawa at pagkatapos ay maaaring paramihin ni Allah ang kanyang gantimpala ng higit pa sa sampung beses. "Iniutos ni Allah (sa mga hinirang na anghel sa iyo) na ang mabuti at ang masamang gawa ay isusulat, at pagkatapos ay ipinakita Niya (ang paraan) kung paano (sumulat). Kung ang isang tao ay nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa at hindi niya ito ginawa, kung gayon ay isusulat ni Allah para sa kanya ang isang buong mabuting gawa; at kung siya ay nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa at talagang ginawa niya ito, kung gayon si Allah ay magsusulat para sa kanya (ng gantimpala nito na katumbas) mula sa sampu hanggang pitong daang beses sa mas maraming beses. At kung ang isang tao ay nagnanais na gumawa ng masamang gawa at hindi niya ito ginawa, kung gayon si Allah ay isusulat para sa kanya ang isang buong mabuting gawa (sa kanyang ulat) sa Kanya, at kung nais niyang gumawa ng isang masamang gawa at talagang ginawa niya ito, kung gayon si Allah ay magsusulat para sa kanya ng isang masamang gawa..”[5] Gayundin, binubura ni Allah ang mga kasalanan sa bawat mabuting gawa na nagawa. “…Katotohanan, ang mga mabubuting gawa ay nakakapawi ng masasamang gawa.…”(Quran 11:114)
Talababa:
[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim, Malik, At Tirmidhi, Abu Dawud.
[3] Saheeh Muslim
[4] Ang una ay nalulungkot dahil sa pagkakasala, ang ikalawa ay agad na titigilan ang kasalanan at ang ikatlo ay upang manumpa na hindi na bumalik. Kung kabilang sa kasalanan ang paglabag sa karapatan ng isang tao, ang karapatang iyon ay dapat ibalik sa taong iyon.
[5] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
Nakaraang Aralin: Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)