Naglo-load...

Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga dapat malaman ng isang Muslim tungkol sa panalangin ng Biyernes - ang pinakamahalagang lingguhang pagdarasal para sa mga Muslim.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 18,439 (pang-araw-araw na average: 8)


Mga Layunin:

·Upang maunawaan kung paano isinasagawa ang panalangin sa araw ng Biyernes at kung sino ang kailangang magdasal.

·Upang pahalagahan ang kaalaman sa likod ng pagdarasal ng Biyernes.

·Upang malaman ang mga kabutihan sa pagdarasal ng Biyernes.

Mga Katawagan sa Arabik:

·Salat ul-Jumuah - Panalangin sa araw ng Biyernes.

·Dhuhr - ang pagdarasal sa tanghali.

·Khutbah - sermon o pangaral.

·Khatib - ang taong naghahatid ng sermon o pangaral.

·Rakah - isang yunit o bahagi ng panalangin.

·Imam - ang taong namumuno sa panalangin.

·Adhan - Islamikong pamamaraan ng pagtawag sa mga Muslim para sa limang beses na obligadong pagdarasal..

FridayPrayer1.jpgTuwing Biyernes, ang Dhuhr (Dasal sa tanghali) ay pinalitan ng isang kilalang Salat ul-Jumuah. Ang Salat ul-Jumuah ay binubuo ng isang maikling pangaral o sermon at isang sama-samang pagdarasal. Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay hindi maaaring gawin sa tahanan o magdasal nang isa-isa. Iyon ang dahilan kung bakit nagtitipon ang mga Muslim sa isang pangunahing moske upang magdasal at makinig sa isang pangaral, na kilala bilang khutbah sa wikang Arabik. Karaniwan sa isang nakatalagang Imam (lider ng pagdarasal) na magbigay ng Khutbah, nguni’t minsan ito ay ginagawa ng mga inimbitahang panauhin o pangkalahatang mga miyembro ng komunidad.

Sa Kanluran, ang mga pangaral ay karaniwang inihahatid sa wikang Ingles, gayunpaman kung minsan ito ay sa Arabik lamang. Sa kabuuan, may bahagi ng pangaral (Khutbah) na laging nasa Arabik. Ang sermon ay binubuo ng dalawang bahagi. Pagkatapos na matapos ang unang bahagi, ang khatib (taong naghahatid ng khutbah) ay sandaling magpapahinga at uupo, at pagkatapos ay magpapatuloy ito. Ang kalidad ng isang pangaral ay lubhang magkakaiba depende sa tagapagsalita na maaaring isang matalinong iskolar ng Islam o isang nakatalagang tao. Ang tagapagsalita ay pupurihin ang Allah at pagkatapos ay talakayin ang mga paksa na may kaugnayan sa komunidad ng mga Muslim. Pagkatapos ay pamumunuan ng Imam ang kongregasyon na may maikling panalangin na binubuo ng dalawang rakah. Ang Salat ul-Jumuah (ang sermon at ang pagdarasal), karaniwan ay tumatagal ng isang oras o mas maikli.

Ang mga Kalalakihan ay dapat Magdasal ng Salat ul-Jumu'ah

Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay obligado at kinakailangan para sa lahat ng mga kalalakihang Muslim. Ito ay batay sa Quran kung saan sinabi ng Allah,

“O kayong mga nananampalataya, kapag ang pagtawag sa panalangin (Adhan) ay ipinahayag sa pagdarasal ng Biyernes, magmadali sa pag-alala sa Allah at iwanan ang negosyo o trabaho. Iyon ay makabubuti para sa iyo, kung ito ay iyo lamang nalalaman.” (Quran 62:9)

Si Propeta Muhammad ay napaka-liwanag na inihayag kung sino ang kinakailangang magdasal ng Salat ul-Jumuah at kung sino ang hindi kasama:

“Ang pagdarasal ng Biyernes sa kongregayon ay isang obligadong tungkulin ng bawat Muslim maliban sa apat: mga alipin, mga kababaihan, mga bata at ang mga may sakit.”[1]

Upang maging tumpak, ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay obligado para sa bawat lalaking Muslim na nasa edad na ng pagbibinata. Ang iba ay maaaring dumalo dito, ngunit hindi kasalanan kung hindi nila ito magagawa.

Bukod pa dito, si Propeta Muhammad ay nagbigay ng mahigpit na babala laban sa pagpalya sa mga pagdarasal ng Biyernes. Sinabi niya,

“Ang mga tao ay dapat na tumigil sa pagpalya sa mga pagdarasal ng Biyernes, kung hindi, ay lalagyan ng Allah ng tatak ang kanilang mga puso at sa gayon sila ay mapapabilang sa mga pabaya. "[2]

Ang isang lalaking Muslim na may karamdaman o naglalakbay ay maaaring lumiban sa pagdarasal ng Biyernes. Ang isang babaeng Muslim ay hindi obligadong magdasal sa pagdarasal ng Biyernes, nguni't siya ay pinapayagan na dumalo kung ito ay kanyang nais. Karamihan sa mga Moske (Masjid) ay mayroong magkahiwalay na lugar o pwesto para sa mga kababaihan, ngunit ang ilan ay maaaring kulang sa lugar para sa mga kababaihan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes. Gayundin, sa mga kababaihan na nagdesisyon na hindi dumalo ng Salat ul-Jumuah na magsagawa ng regular na pagdarasal ng Dhuhr sa kanyang tahanan.

Ang Kabutihan na nakapaloob sa pagdarasal ng Biyernes

1. Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay nagdudulot ng pagsasama-sama ng mga lokal na Muslim sa isang lugar sa isang nakatalagang araw, sa gayong paraan ay nadaragdagan ang pagmamahalan o pagkakaisa ng kapatiran sa pagitan ng mga Muslim.

2. Ang layunin ng khutbah (sermon) ay upang turuan ang mga Muslim at nagsisilbi bilang isang lingguhang paalala tungkol sa kanilang mga tungkulin sa Allah at mga kapwa tao. Nagbibigay ito ng babala laban sa paggawa ng kasalanan at pagsuway sa Allah, at hinihikayat na maging mabuti at sumunod sa Allah.

3. Ang mga paksa ay iba-iba at madalas na pina-aalalahanan ang mga Muslim sa kasalukuyang mga pangyayari at kung ano ang kanilang tungkulin bilang isang Muslim.

Ang Kahalagahan ng Biyernes

Ang Biyernes ay isang banal na araw na may maraming natatanging mga katangian.

1. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW):

“Kapag sumapit ang araw ng Biyernes, ang mga Anghel ay tumatayo sa pintuan ng Moske at patuloy na isinusulat ang mga pangalan ng mga taong dumarating sa moske nang magkakasunod naaayon sa kanilang mga pagdating. Ang halimbawa ng isa na pumapasok sa moske sa pinaka-maagang oras ay tulad ng isang tao na nag-aalay ng isang kamelyo (bilang sakripisyo). Ang susunod na darating ay tulad ng isang tao na nag-aalay ng isang baka at pagkatapos ay isang tupa at pagkatapos ay isang manok at pagkatapos ay isang itlog ayon sa pagkakabanggit. Kapag ang Imam ay lumabas (para sa pagdarasal ng Biyernes) sila (hal. mga Anghel) ay titiklupin ang kanilang mga papel at makikinig sa Khutbah. "[3]

Ang pagsasalaysay na ito ay nagpapakita ng gantimpala sa pagdating ng maaga sa pagdarasal ng Biyernes. Ang isang tao na dumating ng mas maaga o nauna, ay mas malaki ang kanyang gantimpala. Ang unang dumating ay magkakamit ng gantimpala tulad ng pagsasakripisyo ng isang kamelyo para sa Allah, ngunit ang mga huling dumating ay tatanggap ng mas mababang gantimpala.

2. Sinabi rin niya:

“Ang pinakamabuting araw kung saan ang araw ay laging sumisikat ay sa araw ng Biyernes. Sa araw na ito nilikha si Adan, sa araw na ito siya ay pinasok sa Paraiso, at sa araw na ito siya ay pinalayas mula dito, at ang Oras (Araw ng paghuhkom) ay hindi itatatag maliban sa Biyernes. "[4]

Ang layunin ng pagsasalaysay na ito ay upang iparating sa atin ang kahanga-hangang mga pangyayari na naganap tuwing Biyernes o ang magaganap.


Pinagkunan:

[1] Abu Dawood

[2] Saheeh Muslim

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5