Naglo-load...

Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah

Marka:

Deskripsyon: Ang maagang pamumuhay ni Propeta Muhammad, nawa'y mapasakanya ang habag at pagpapala ng Allah.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 170 - Nag-email: 0 - Nakakita: 32,740 (pang-araw-araw na average: 14)


Layunin:

·Upang maunawaan ang mga impluwensya sa maagang pamumuhay ni Propeta Muhammad (SAW).

·Upang maunawaan ang pampulitikang kalagayan sa panahong iyon.

·Upang maunawaan at alalahanin ang mga paghihirap ng mga naunang Muslim.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Kabah - Ang hugis-kwadrado na istraktura na matatagpuan sa lungsod ng Makkah. Nagsisilbi ito bilang isang kalagitnaang bahagi kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nananalangin.

A_Brief_Biography_of_Prophet_Muhammad_(part_1_of_2)._001.jpgSi Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay ang lalaking minamahal ng higit sa 1.5 bilyong mga Muslim sa buong mundo. Siya rin ay iginagalang ng mga iba pang may iba’t-ibang pananampalataya at mga paniniwala. Sa buong kasaysayan at sa buong mundo ang mga di-Muslim ay nagpakita ng malaking paggalang at nagbigay ng karangalan kay Propeta Muhammad (SAW) at siya ay itinuturing na pinaka-maimpluwensya sa parehong relihiyon at walang kaugnayan sa relihiyon na mga bagay. Ang Banal na Qur'an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad ng Allah at ang mga Muslim ay hinihikayat na tularan ang kanyang pag-uugali at mabuting pamantayan. Ito ay dahil ang buhay ni Propeta Muhammad (SAW) ay ang Quran. Nauunawaan niya ito, minamahal ito at isinabuhay niya ang kanyang buhay batay sa mga pamantayan nito. Kapag ipinahayag ng mga Muslim ang kanilang pananampalataya sa Allah, ipinahayag din nila ang kanilang paniniwala na si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo.

Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Allah, ay minamahal ng marami, ang kanyang pag-uugali ay pinag-aaralan at sinusunod, ngunit sino talaga ang taong ito? Saan siya nanggaling, saan at kailan siya ipinanganak, kung ano ang tunay na kanyang ginawa upang tawagin siya na isang tao na pinahahalagahan o iginagalang ng higit sa iba pang mga tao. Tinawag siya ng Allah na isang habag sa sangkatauhan kaya't mas makabubuti na malaman natin hangga't maaari ang tungkol sa taong ito. Sa araling ito at sa mga sumusunod na aralin ay maikli nating tatalakayin ang buhay at panahon ni Propeta Muhammad (SAW). Ang buhay ni Propeta Muhammad (SAW) ay maaaring nahahati sa dalawang natatanging mga panahon, ang panahon ng Makkah at ang panahon ng Madinah.

Ang Panahon ng Makkah

Si Propeta Muhammad (SAW) ay ipinanganak sa Makkah sa taong 570 CE (Karaniwang Panahon) sa lungsod ng Makkah sa Peninsula ng Arabya, ang bahagi ng makabagong panahon ng bansang Saudi Arabia. Ang kanyang ama, si Abdullah ay namatay ilang sandali matapos ang kanyang kasal kay Aminah ang anak na babae ni Wahb, kaya ang pangangalaga kay Propeta Muhammad (SAW) ay napunta sa kanyang lolo na si Abdul-Muttalib na isang iginagalang at kilalang pinuno ng parehong angkan ng Hashim at ng maimpluwensiyang tribo ng Quraysh

Tulad ng kaugalian sa mga panahong iyon, pagkatapos na ipinanganak si Muhammad ay ipinagkatiwala siya sa isang tagapag-alaga ng sanggol na nagngangalang Halima mula sa lagalag (nomadic) na tribo ni Sa'd ibn Bakr. Kaya ginugol niya ang kanyang mga unang taon sa kabundukan, pinag-aralan ang pamumuhay ng mga Bedouin at ang dalisay na wikang Arabik. Nang si Muhammad (SAW) ay nasa lima o anim na taon ay dinala siya ng kanyang ina sa Yathrib, isa sa pinanggalingang bayan sa hilaga ng Makkah, upang manirahan sa mga kamag-anak at bisitahin ang libingan ng kanyang ama doon. Habang pabalik mula sa paglalakbay, si Aminah ay nagkasakit at pumanaw. Sa puntong ito si Muhammad ay ibinalik sa Makkah at inilagay sa tanging pangangalaga at proteksyon ng kanyang lolo na si Abdul-Muttalib. Sa pangangalaga ng kanyang lolo, sinimulan ni Muhammad na matutunan ang mga pamantayan ng mahusay na pamamahala.

Ang Makkah ay pinakamahalagang sentro ng paglalakbay sa Arabiya at si Abdul-Muttalib ang pinakamahalagang pinuno nito. Iginagalang at pinahahalagahan ni Abdul-Muttalib ang mga kasunduan at ipinapakita ang pinaka-mabuting pag-uugali. Mahal niya ang mga mahihirap at pinakakain sila sa panahon ng taggutom; tinutulungan niya ang mga naglalakbay at hinahadlangan niya ang mga gumagawa ng mali. Natutunan ni Muhammad sa kanyang murang edad na ang mga mabuting asal at pag-uugali ay maaaring gawin kahit na sa panahon at lugar kung saan ang matinding pang-aapi sa mahina, at sa babaing balo at ang mga ulila ay walang magawa.

Noong si Muhammad ay walong taong gulang ang kanyang lolo ay pumanaw din at iniwan siya sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na si Abu Talib. Nagpunta si Abu Talib upang pangalagaan, paglingkuran, ipagtanggol at igalang si Muhammad sa panahon ng mga pagsubok ng pagiging Propeta at hanggang sa araw na siya ay pumanaw. Sa ilalim ng kanyang pangangalaga si Muhammad ay lumaki bilang isang mabuting binata na kilala sa kanyang mabuting pag-uugali at katapatan. Si Muhammad ay tinukoy bilang as-Sadiq (Ang isa na Tapat) at al-Amin (Ang Isa na Mapagkakatiwalaan).

Noong kanyang kabataan si Muhammad ay laging sumasama sa kanyang tiyuhin sa kanyang mga paglalakbay upang makipag-kalakalan sa bansang Syria. Sa gayon niya natutunan ang kasanayan sa pagbili, pagbebenta at pangangalakal, at kaya sa edad na 25 siya ay bihasa na sa mga bagay na ito. Siya ay madalas na inuupahan ng mga tao upang magbenta ng kanilang mga kalakal gamit ang mga magagandang karawahe sa mga lungsod. Sa panahong ito si Muhammad ay inupahan ng babaeng mangangalakal ng Makkah na si Khadijah.

Kinikilala at hinahangaan ni Khadijah si Muhammad sa walang maipipintas na pag-uugali at mga kasanayan at nag-alok na magpakasal sa kanya kahit na siya ay mas matanda ng humigit-kumulang sa 15 taong gulang kaysa sa kanya. Ito ay tinanggap ni Muhammad (SAW) at sila ay namuhay ng magkasama sa halos dalawampu't limang taon, hanggang sa pagkamatay ni Khadijah, kalugdan nawa siya ng Allah, mga 8-9 na taon pagkatapos ng pagpapahayag ng Quran. Sa panahong ito, bagama't ito ay pinahihintulutan, si Muhammad ay hindi nagpakasal sa iba pang mga babae. Ang kanilang buhay na magkasama ay isang magandang kasaysayan ng pag-ibig na nagbunga ng anim na mga anak, dalawang anak na lalaki at apat na anak na babae.

Si Muhammad ay isang tao na laging nagnanais na mag-isip nang malalim at magmuni-muni sa mga kababalaghan ng sansinukob. Sa loob ng edad na apatnapu siya ay nagsimulang tumigil ng madalas sa isang kuweba sa labas ng Makkah na kilala bilang Hira. Sa kuwebang ito, noong taong 610 CE, unang ipinahayag ang talata ng Qur'an kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Ang kabuuan ng Quran ay patuloy na inihayag sa mga sumunod na 23 taon, sa iba't ibang lugar at sa iba't-ibang mga pamamaraan.

Sa sumunod na dalawa hanggang tatlong taon pagkatapos ng unang paghahayag, si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay palihim na itinuro ang Islam sa mga mapagkakatiwalaang tao. Nguni't, nang magsimula siyang manawagan sa Islam ng hayagan, ang poot ng mga sumasamba sa idolo ay dumami at si Propeta Muhammad (SAW) at ang kanyang mga tagasunod ay napasa-ilalim sa pagmamalupit at panliligalig. Ang tribo ng Quraysh ay ang mga tagapangalaga ng Kabah, ang banal na tahanan na kung saan ang lahat ng mga Arabo ay naglalakbay, at ito ay pinagmumulan ng malaking karangalan at kita, samakatuwid sila ay naging agresibo at si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nais nilang patayin nguni't dahil sa katayuan at mataas na katungkulan ng kanyang tiyuhin na siAbu Talib ito ay naging imposible o napakahirap gawin.

Gayunpaman ang mga plano ay ginawa upang puksain ang tinatawag na salot at ang mga tagasunod ng Islam ay ginipit, pinahirapan at pinatay. Ang panahong ito ng pagpapahirap ay nangyari sa loob ng tatlong taon na mga panunungkulan sa panlipunan at pang-ekonomiyang pagpaparusa na nagbunga ng matinding pagsakop at pagkamatay dahil sa gutom. Humigit-kumulang isang taon pagkatapos ng pagpataw ng mga parusa si Khadijah, kalugdan nawa siya ng Allah, ay pumanaw. Gayundin sa taong iyon, ay kinillala ito bilang taon ng kalungkutan, si Abu Talib ay pumanaw, na naiwan ang mga taga-Makkah na malayang bumuo ng masamang balak at magplano na lipulin ang mga Muslim. Bilang tugon sa kanilang kahila-hilakbot na kalagayan, si Propeta Muhammad (SAW) ay nagpadala ng isang grupo ng mga Muslim sa Abyssinia upang humingi ng proteksyon sa makatarungang Kristiyanong Hari ng Negus.

Ang pagpapahirap sa Makkah ay naging mas mabigat, at si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay humingi ng proteksyon mula sa kalapit na lungsod ng Taif. Dito siya ay tumanggap ng malaki at labis na poot at tumakas sa labis na pambubugbog na duguan. Gayunpaman isang magandang kapalit ang kanyang natamo dahil ang ilan sa mga tao mula sa lungsod ng Yathrib ay tinanggap ang Islam at si Propheta Muhammad (SAW) ay kanilang kinilala.

Ang mga nagbalik-loob sa Islam, at ang mga pinuno ng Yathrib ay gumawa ng isang lihim na pangako upang protektahan ang Propeta kung ang mga hindi naniniwala ay magtatangka na siya ay patayin. Dahil dito ay nagsimula ang unti-unting paglipat sa Yathrib. Inutusan ni Propeta Muhammad (SAW) ang kanyang mga tagasunod na umalis sa Makkah nang paisa-isa o sa maliliit na grupo. Ito ay labis na nakakagambalang balita para sa Quraysh, at sila ay nagpasya na walang iba pang pagpipilian kung hindi ang patayin si Propeta Muhammad (SAW) at tapusin ang mga pagbabagong nagaganap sa anumang paraan.

Ipagpapatuloy natin ang maikling talambuhay na ito sa ikalawang (2) aralin, Ang Panahon ng Madinah, kung saan matutuklasan natin ang pamamagitan ng Allah na hahadlang sa planong pagpatay at ang lungsod ng Yathrib na sa kalaunan ay makikilala bilang al-Madina an-Nabawiyah (ang Lungsod ng Propeta), o Madinah.


Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5