Naglo-load...

Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)

Marka:

Deskripsyon: Isang pagpapakilala sa paglikha ng Allah na kilala bilang "jinn." Unang Bahagi 1: Ang kanilang buhay, mga kakayahan at kahinaan.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 17 Oct 2022

Nai-print: 96 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,976 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa mga buhay at kakayahan ng jinn.

·Upang malaman ang tungkol sa mga kahinaan ng jinn.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Jinn - isang nilalang ng Allah na nilikha bago ang tao mula sa walang usok na apoy. Ang mga ito ay dating tinutukoy na mga nilalang na espiritu, mga banshee (isang espiritu ng babae na ang pag-ungol ay nagbababala ng isang paparating na kamatayan sa isang tahanan) , mga guni-guni, multo at iba pa.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa saklaw na pinag-aaralan subali't ang kahulugan ay karaniwang tinatanggap, kahit na anong iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o pinahintulutan.

Jinn1.jpgAng "jinn o espiritu" ay bukod na nilikha ng Allah tulad ng mga tao at mga anghel. Maaari silang mag-isip tulad ng mga tao at piliin ang landas ng mabuti o masama, ngunit, hindi katulad ng mga tao, ang jinn ay nilikha mula sa apoy (Qur'an 15:27, 55:15). Gayundin, ang jinn ay karaniwang hindi nakikita ng mga tao (Quran 7: 27) at may ilang natatanging kakayahan na wala ang tao.

Ang paniniwala sa jinn ay obligado. Dahil ang mga ito ay binanggit sa Quran at sa Sunnah ng Propeta, ang isang Muslim ay kinakailangang maniwala sa kanilang pagkalikha at anumang impormasyon na makikita natin tungkol sa mga ito sa dalawang Islamikong mapagkukunan.

Ang Buhay ng mga Jinn o Espiritu

Ang mga jinn ay namumuhay sa lupa katulad ng mga tao, ngunit mas madalas silang matagpuan sa mga lugar na guho o sira-sira at mga maruming lugar tulad ng mga banyo at mga sementeryo. Gustung-gusto nilang umupo sa pagitan ng lilim at sikat ng araw.

Ang lahat ng jinn ay hindi magkakapareho. Ang iba sa mga ito ay mabuting espiritu at ang iba sa kanila ay mga masama. Binanggit ng Allah sa Qur'an kung ano ang sinabi ng mga jinn tungkol sa kanilang sarili:

“May ilan sa atin na mga matuwid, at ang ilan ay salungat. Sinusundan natin ang magkakaibang mga landas. "(Qur'an 72:11)

May mga Muslim at di-Muslim na jinn.

“At ang iba sa atin ay mga Muslim at ang iba sa atin ay mga hindi naniniwala (na lumihis mula sa Tamang Landas). At sinumang yumakap sa Islam, kung gayon ay natagpuan niya ang Tamang Landas. "(Qur'an 72:14)

Ang mga jinn ay kumakain at umiinom, minsan ay kasalamuha natin. Madali silang maitaboy mula sa pagkain at pag-inom kasama natin na ating tatalakayin mamaya. Sila rin ay nag-aasawa at mayroong mga anak. Binanggit ng Allah ang mga anak ng jinn sa Quran, "... Kung gayon ay kukunin mo ba siya at ang kanyang mga supling bilang mga tagapagtanggol kaysa sa Akin? ..." (Qur'an 18:50)

Ang Jinn ay hindi mabubuhay magpakailanman, sila ay mamamatay. Ang Propeta ay laging sinasabi sa isa sa kanyang mga panalangin, "Humihingi ako ng pangangalaga sa Iyong kaluwalhatian, wala ibang tunay na Panginoon maliban sa Iyo (Allah), ang Nag-iisa na hindi kailanman mamamatay, at ang mga tao at ang mga jinn ay mamamatay." (Saheeh Al-Bukhari)

Ang jinn ay maaaring gayahin ang hugis ng mga ahas, itim na pusa, itim na aso, at minsan ay maaari silang mag-anyong tao.

Ang jinn ay mayroon ding mga sasakyang hayop gaya ng nabanggit sa Quran:

“At hikayatin [sa kawalang-isip] ang sinuman sa kanila sa pamamagitan ng iyong tinig at salakayin sila gamit ang inyong mga kabayo ... "(Qur'an 17:64)

Mga Kakayahan ng Jinn

Kumpara sa mga tao, ang jinn ay may ilang natatanging kakayahan. Una, maaari silang maglakbay nang napakabilis. Sinabi sa atin ng Allah mula sa Quran:

"Sinabi ng malakas na jinn, "Dadalhin ko ito sa iyo bago ka makatayo mula sa iyong kinauupuan. Tunay, na ako ay malakas at mapagkakatiwalaan para sa gayong gawain. "(Quran 27: 39)

Maaari nilang maabot ang kalangitan dahil ang mga ito ay nakasalaysay na sinabi sa Qur'an:

“At hinangad naming maabot ang Paraiso; ngunit natagpuan ito na puno ng mga mahihigpit na bantay at mga nagniningas na apoy. "(Qur'an 72: 8)

Maaari silang magpalit ng iba't ibang mga hugis gaya ng unang nabanggit. Ang masamang espiritu - ang mga demonyo - ay maaaring sumanib sa katawan ng mga tao. Maaari rin nilang ibulong ang mga iniisip at hikayatin ang mga tao:

“Mula sa tagabulong ng masama (diyablo na bumubulong ng masama sa puso ng mga tao) na lumayo (mula sa kanyang pagbulong sa puso ng isang tao pagkatapos na alalahanin ang Allah). "(Qur'an 114: 4)

Mga Kahinaan ng Jinn

Kahit na ang masamang espiritu - ang mga satanas- ay may mga natatanging kakayahan, ang isang mananampalataya ay pinoprotektahan ng Allah. Ang mga satanas ay hindi mapipinsala ang isang matuwid na Muslim na may pahintulot ng Allah.

“Tunay, na ang Aking (tapat) na mga alipin - sa kanila ay wala kang kapangyarihan; at ang iyong Nag-iisang Panginoon ay sapat na bilang (kanilang) tagapangalaga. "(Quran 17:65)

Ang mga sumusunod ay ilang mga halimbawa ng kanilang mga limitadong kapangyarihan:

1. Natatakot sila sa ilang mga mananampalataya.

“Tunay, na ang Aking (tapat) na mga alipin - sa kanila ay wala kang kapangyarihan; at ang iyong Nag-iisang Panginoon ay sapat na bilang (kanilang) tagapangalaga. "(Quran 17:65)

“Ang mananampalataya ay napapahina ang kanyang demonyo sa parehong paraan na ang isa sa inyo ay nagpapahina sa kanyang kamelyo habang naglalakbay. "(Musnad)

2. Sinabi ng Propeta na kung tatakpan natin ang ating mga pinggan at bibigkasin ang 'Bismillah,' ang mga satanas ay hindi makapagbubukas ng takip. Sa katulad na paraan, hindi sila makakapasok sa isang bahay kung isasara natin ang pinto na binibigkas ang 'Bismillah.'

“Kung ang isang tao ay papasok sa kanyang bahay at binanggit ang pangalan ng Allah sa pagpasok nito at sa pagkain sa loob nito, sinabi ni Satanas, 'Walang lugar para sa iyo dito at walang pagkain dito.' Ngunit kung ang tao ay pumasok sa kanyang bahay at nakalimutan ang pagbanggit sa pangalan ng Allah sa pagpasok nito, sinabi ni Satanas, 'Nakahanap ako ng matutuluyan para sa iyo.' At kung hindi niya binanggit ang pangalan ng Allah sa kanyang pagkain, sinabi ni Satanas, 'Nakahanap ako ng tuluyan at ng pagkain.' (Saheeh Muslim, Musnad)

3. Maaari silang magpalit ng iba't ibang anyo, ngunit hindi nila maaaring gayahin ang anyo ni Propeta Muhammad (SAW). Sinabi ng Propeta,

“Sinumang makakita sa akin sa isang panaginip ay tunay na nakakita sa akin, sapagkat hindi maaaring gayahin ni Satanas ang aking anyo. "Sinabi ni Abu 'Abdullah na," Si Ibn Sirin ay nagsabi,' Kung makikita lamang niya ang Propeta sa kanyang tunay na anyo. '"(Saheeh Al- Bukhari)

4. Hindi sila maaaring mangalap ng impormasyon mula sa kalangitan dahil pinipigilan sila na makaabot sa ganoong kalayo, tulad ng sinabi ng Allah:

“Sa katunayan sila ay inalis malayo mula sa kahit na (isang pagkakataon ng) pagdinig dito. "(Quran 26: 212)

5. Tulad ng mga tao, ang mga jinn ay hinamon din upang makabuo ng isang bagay na katulad ng Quran, ngunit hindi nila magawa at hindi ito magagawa:

Sabihin: "Kung ang buong sangkatauhan at jinn (espiritu) ay magsasama upang makalikha ng katulad ng Qur'an na ito, hindi sila makagagawa ng tulad nito, kahit na sila ay nagtataglay ng tulong at suporta ng bawat isa." (Quran 17:88)

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5