Naglo-load...

Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal

Marka:

Deskripsyon: Mga pangunahing kaalaman sa boluntarayong pagdarasal o nafl ang ituturo sa araling ito.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,198 (pang-araw-araw na average: 4)


185

Ang mga pangunahing kaalaman para sa boluntaryong pagdarasal na kilala bilang ‘nafl’ ang siyang ituturo sa araling ito.

Mga Layunin

·Para pahalagahan at malaman ang kaibahan ng “nafl” at “fard” na pagdarasal.

·Para pahalagahan at malaman ang benepisyo ng “nafl” na pag darasal.

·Upang matutunan ang mga karaniwang dinadasal sa mga boluntaryong pagdarasal.

Terminolohiyang Arabik

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha- Ito’y katawagan sa pang araw araw na mga pagdarasal sa Islam.

·Fard – Ang obligadong gawain.

·Nafl – Ang boluntaryong gawain na pagdarasal.

·As-Sunan ar-Rawatib – Mga karagdagang pagdarasal na ginawa ng Propeta bago at pagkatapos ng pang araw araw na obligadong pagdarasal.

·Rakah - Bilang ng pagdarasal.

·Tasleem – Ang pagbati (pagbigkas) ng SALAM(KAPAYAPAAN) tuwing matatapos sa pagdarasal.

·Duha – Ang tawag sa boluntaryong pagdarasal na ginagawa sa umaga pagkatapos sumikat ang araw at bago sumapit ang dasal ng tanghali (Dhur).

VoluntaryPrayers.jpg Ang unang dapat malaman at maintindihan ay kung ano ba ang pagkakaiba ng tinatawag na fard at tinatawag na nafl. Ang fard ay isang obligadong gawain, na siyang pinag utos satin ng Allah na gawin ito, at kapag ito’y ating iniwan ay isang kasalanan at ito’y pananagutan natin sa araw ng paghuhukom. Halimbawa nito’y ang dalawang rakah sa fajr na pagdarasal. Nafl ang literal na ibig sabihin nito ay “karagdagan”. Ang nafl(boluntaryong) pagdarasal ay hindi pinag utos na gawin o kinakailangang gawin ng isang Muslim , sa halip ito’y nasa indibidwal na kung ito’y kanilang gagawin o gustohing gawin. Dahil ito’y hindi kinakailangan gawin at isang boluntaryong gawain lamang. Ang isang Muslim ay hindi magkakasala kapag ito ay kaniyang iniwan, ngunit siya ay gagantimpalaan sa paggawa at pag ganap niya rito(boluntaryong pagdarasal). At ang mga halimbawa nito ay ang mga boluntaryong pag-darasal na siyang tatalakayin sa araling ito.

Isang magandang payo patungkol sa boluntaryong pagdarasal . Ito’y idagdag mo ng dahan dahan sa iyong pang-araw a araw, na mga obligadong mga pagdarasal. Kailangan mo munang ituon ang iyong sarili sa limang beses na pang araw araw na pagdarasal at isabay mo ng unti-unti, at wag mong pahirapan ang iyong sarili rito, at gayun din ay wag mong ipag sawalang bahala at iwan ito (ang mga boluntaryong pagdarasal)

Mga Benepisyo ng Nafl na Pagdarasal

Sinabi ng Propeta (saw): "katotohanan ang unang itatanong sa mga gawain ng mga tao sa araw ng paghuhukom ay ang kanilang pagdarasal, sasabihin ng ating Panginoon sa Kanyang mga anghel at Siya ang mas nakakaalam:" Tingnan ninyo ang ginawang pagdarasal ng aking alipin (ang obligadong pagdarasal) kung kanya ba itong nakompleto o kanya itong napabayaan.' At kung kanya itong nakompleto ay isusulat para sa kanya ng buo, at kung ito naman ay kanyang napabayaan, sasabihin ng Allah :' Tingnan ninyo kung mayron ba siyang nagawang mga boluntaryong pagdarasal.' Kung mayron siyang mga boluntaryong pagdarasal, Sasabihin ng Allah:'Ganapin ninyo o kompletuhin para sa aking alipin ang kanyang pagkukulang na pagdarasal mula sa kanyang nagawang mga boluntaryong pagdarasal.'Pagkatapos nito ay susuriin naman kanyang mga gawa sa parehong pamamaraan" (Abu Dawud).

Ang Dalawang Uri Ng Nafl o Boluntaryong Pagdarsal

a) Ang pangkalahatang nafl na pagdarsal: Maaring isagawa ito kung kailan man gustohin ng isang muslim ng kahit na walang rason o kadahilanan para rito, at wala ring tiyak na bilang sa pagsasagawa nito. Ganun paman dapat tandaan na ang Pangkalahatang nafl na pagdarasal ay hindi dapat isagawa sa mga oras kung saan ipinagbabawal o di kaaya aya ang pag sasagawa nito.

b) Mga natatanging nafl na pag darasal : Ito’y mga pagdarasal na may natatanging mga dahilan at rason .

Mga Halimbawa Ng Mga Natatanging Nafl na pagdarasal

As-Sunan ar-Rawatib ( kadalasang tinatawag na 'Sunnah o boluntaryong mga pagdarasal')

Ito yung mga bulontaryong pagdarasal na may kinalaman sa mga obligadong pagdarasal na siyang may nakatakdang bilang at pagkakasunod sunod. Ang mga pagdarasal na ito ay ang mga sumusunod:

Pangalan

ng Dasal

Rakah ng Fard na pagdarasal

Rakah ng ‘Sunnah na pagdarasal bago ang Fard

Rakah ng ‘Sunnah ng pagdarasal’ pagkatapos ng Fard



Fajr

2



2

Dhuhr

4

4 (2+2)

2

Asr

4

Magrib

3

2

Isha

4

2

Ang sugo ng Allah(saw) ay nagsabi: “Ang sinumang mag salah(magdasal) ng labing dalawang rakah sa araw at sa gabi ay pag kakalooban o igagawa ng Allah ng bahay sa Paraiso: apat na rakah bago ang dhuhr at dalawa pagkatapos nito, dalawang rakah pagkatapos ng Magrib, dalawang rakah pagkatapos ng Isha,at dalawang rakah bago ang Fajr.” (Tirmidhi)

Ang Propeta o Sugo ng allah ay nagsabi patungkol sa dalawang rakah ng Fajr na obligadong pagdarasal,” Ito’y mas mahalaga sa akin kaysa sa sa buong mundo.” (Saheeh Muslim)

"Ang Propeta ng Allah kailanman ay hindi iniwanan ang apat na rakah bago ang obligadong dasal sa Dhuhr at ang dalawang rakah bago ang obligadong dasal sa Fajr sa kahit na anong sitwasyon. .” (Saheeh al-Bukhari)

Witr na Pagdarasal

Ang Propeta (saw) ay nagdasal at hinikayat ang iba na isagawa ang Witr na pagdarasal ito. Ito’y isang nafl o boluntaryong pagdarasal na napakahalaga at binigyang importansiya, at ayon sa ibang Skolar ay ito ay kinakailangang pagdarasal

Ito’y isinasagawa pagkatapos ng Isha na pagdarasal at pwede ring isagawa bago paman dumating ang oras ng pagdarasal ng Fajr.

Ang Witr ay maaring isagawa sa pamamagitan ng:

1.Pagdarasal ng dalawang rakah tulad ng ibang pagdarasal na tig dadalawang rakah na pagdarasal at wawakasan ng pag tasleem, at pagkatapos ay ang karagdagang isang rakah at ito’y magtatapos din ng pag tasleem .

2.Pagdarasal ng tatlong rakah na tuloy tuloy ( walang pag upo pagkatapos ng pangalawang rakah tulad sa Maghrib) at pagkatapos ay magtatapos sa pamamagitan ng pag-tasleem.

3.Isang rakah at ito’y magtatapos sa pag tasleem.

Tahiyya-tul-Masjid (Ang pagdarasal sa tuwing papasok ng Masjid)

Ito’y pagdarasal kung saan ang dalawang nafl na rakah ay isinasagawa kapag papasok sa Masjid. Ang Sugo ng Allah ay nag sabi,” Sinuman sainyo ang pumasok sa Masjid, ay nararapat mag salah ng dalawang rakah bago siya umupo.” (Saheeh Al-Bukhari)

Salat at-Tawba (Pagbabalik loob na Pagdarasal)

Ang Sugo ng Allah ay nag sabi: “ Walang sinuman, na nakagawa ng kasalanan, nagpakadalisay at nag salah (nagdasal) ng dalawang rakah , humingi ng kapatawaran kay Allah, kundi siya ay patatawarin ng Allah.” (Abu Daud, Tirmidhi, Ibn Majah)

Duha na Pagdarasal

Si Abu Dhar ay nag ulat na ang Propeta (saw) ay nagsabi: “ Nararapat na makapag kawang gawa ang bawat parte ng iyong katawan araw araw. Sa tuwing pagsambit ng 'Subhanallah- Ang Allah ay walang depekto, perpekto sa lahat ng bagay' ito'y isang kawang gawa at sa tuwing sasabihin ang Alhamdulillah- Ang papuri ay para sa Allah lamang' ay kawang gawa, At sa tuwing sasabihin ang ‘La illaha illa Allah ’- Walang ibang diyos kundi ang Allah lamang’ ay kawang gawa. At sa tuwing sasabihin ang ‘Allahu Akbar- ang Allah ay dakila’ ito ang napakalaking kawang gawa. Ang mag utos ng mabuti ay kawang gawa, at ang mag bawal ng masama ay kawang gawa, at ang makakasapat dito (bilang kawang gawa) ay ang dalawang rakah ng Duha.” (Saheeh Muslim)

Ang oras ng Duha ay nag sisimula kapag ang liwanag ng araw ay kumalat na sa kalangitan at hangang sa ito’y makarating na sa katanghalian. At mas mainam na ipahuli ang pagsasagawa nito hangang sa ang araw ay tumaas na at ang umaga ay maging mainit na.

Ang pinakamababang bilang ng pagsasagawa nito ay dalawang rakah, maaari niya itong dagdagan hanggat gusto niya.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6