Naglo-load...

Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang kapistahan: Eid ul-Fitr at Eid ul-Adha. Ang mga araling ito ay sasaklaw sa lahat ng bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Eid ul-Adha upang gawin itong isang bahagi ng iyong buhay at bigyang lugod si Allah.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 13 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 95 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,110 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang matutunan ang ilang pangunahing mga katotohanan tungkol sa Eid ul-Adha.

·Upang matutunan ang tungkol sa al-Ayyam ul-Ashr (ang Sampung mga Araw) at ang kabuluhan nito.

·Upang matutunan ang tungkol sa Yaum ul-Arafah (Ang Araw ng Arafah) at ang kabuluhan nito.

·Upang matutunan ang tungkol sa kasaysayan at layunin ng Eid ul-Adha.

Mga Katagang Arabe:

·Du’a – pagsusumamo, pagdarasal, paghiling kay Allah ng anuman.

·Eid ul-Fitr – pagdiriwang ng Muslim sa katapusan ng Ramadan.

·Eid ul-Adha – "Pista ng Sakripisyo".

·Ramadan – Ang ika-siyam na buwan ng Islamikong kalendaryong lunar. Ito ang buwan kung saan ang ubligadong pag-aayuno ay itinagubilin.

·Hajj – Ang paglalakbay sa Meka kung saan ang manlalakbay ay nagsasagawa ng isang lipon ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang mga haligi ng Islam, na ang bawat nasa hustong gulang na Muslim ay kailangang isagawa kahit man lang isang beses sa kanilang buhay kung makakaya itong tustusan at makakaya ng pangangatawan.

·Dhul-Hijjah – ang pangalan ng ika-12 buwan ng Islamikong kalendaryong lunar.

·Yaum ul-Arafah – Araw ng Arafah kapag ang mga manlalakbay ay nagtipon sa isang lugar na tinatawag na Arafah.

·Halal – pinahihintulot.

·Al-Ayyam ul-Ashr – Ang Sampung mga Araw ng Islamikong buwan ng Dhul-Hijjah.

·Laylat al-Qadrisang pinagpalang gabi sa huling sampung araw ng Ramadan, ang buwan ng pag-aayuno.

·SubhanAllah – Anong Sakdal ni Allah (kaperpekto), malayong inaalis si Allah mula sa di-kasakdalan.

·Alhamdulillah – Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay ukol kay Allah. Sa pamamagitan ng pagsasabi nito tayo ay mapagpasalamat at ating kinikilalang ang lahat ng bagay ay mula kay Allah.

·Allahu Akbar – Si Allah ay pinakadakila.

Eid ul-Adha 1.jpgKung walang isang pamilyang Muslim, ang paghalili sa Pasko, Paskuwa, o iba pang relihiyosong mga pagdiriwang ay maaaring maging medyo isang pagbabago. Subalit, walang dapat ipag-alala. Ang unang hakbang upang makagawa ng isang pagbabago ay ang magbasa at matutunan ang tungkol sa isang paksa. Ang pangalawang payo ay ang sundin ang mga mungkahing ibinigay. Ikatlo, magsagawa ng du'a kay Allah, Siya sa katiyakan ay iyong makakatulong. Ang mga araling ito ay magtuturo sa iyo ng lahat ng bagay na iyong kakailanganing malaman kasama ang simpleng mga ideya upang maaari kang makakuha ng higit pa sa kahanga-hangang kapistahang ito at ganap na maranasan ang Islamikong pamumuhay.

Ang Pangunahing mga Katotohanan sa Eid ul-Adha

Ang Islam ay may dalawang magagandang mga pagdiriwang na magiging bahagi ng iyong buhay: ang Eid ul-Fitr at ang Eid ul-Adha. Ang ilang mga pangunahing katotohanan tungkol sa Eid ul-Adha:

·Binibigkas na EED-ul-ADHA, ito ay maaaring isalin bilang ang “Kapistahan ng Sakripisyo.”

·Ang Eid ul-Adha ay nakatali sa Hajj - ang paglalakbay sa banal na lungsod ng Meka na nagdadala ng 2 milyong mga Muslim bawat taon mula sa buong panig ng daigdig.

·Ang Eid ul-Adha ay tumatagal ng apat na araw. Sa kabilang dako, ang Eid ul-Fitr, na ipinagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadan, ay isang araw na pagdiriwang.

·Sa Eid ul-Adha, maraming mga pamilyang Muslim ang nagsasakripisyo ng isang hayop at ibinabahagi ang karne sa mga mahihirap.

Alinsunod sa utos ni Allah ang parehong kapistahan ng Muslim ay ipinagdiriwang mula pa nang panahon ni Propeta Muhammad. Kaya ang mga ito ay mula kay Allah at mapananaligan. Walang tao ang nagpakana ng mga ito. Ano ang kanilang diwa? Ang ating Propeta ay nagsabi sa atin,

"May mga araw ng pagkain, pag-inom, at pag-alala kay Allah."[1]

Sa madaling salita, maaari nating tamasain at magkaroon ng halal, pangkalahatang kasiyahan ng hindi nakakalimutan ang ating Tagapaglikha.

Bago ang Eid ul-Adha

Tulad ng sinabi nang una, ang Eid ul-Adha ay nakatali sa Hajj. Ang pagsasagawa ng Hajj ay isa sa limang mga haligi ng Islam na isinasagawa sa ika-12 buwan ng Islamikong kalendaryong kilala bilang "Dhul-Hijjah." Ang Eid ul-Adha ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong daigdig sa ika-10 araw ng buwan ng Dhul -Hijjah. Ang unang sampung mga araw ng buwang ito ay may natatanging gantimpala. Sa Arabe, ito ay kilala bilang 'al-Ayyam ul-Ashr.' Ang panahon ng pagsamba ay nagdudulot ng maraming mga pakinabang, tulad ng pagkakataong itama ang kanyang mga pagkakamali at magpuno para sa mga pagkukulang o anumang bagay na maaaring kanyang napalampas.

Mga Kabutihan ng 'Sampung mga Araw'

Ang mga sumusunod ay ang limang mga kabutihan ng ‘al-Ayyam ul-Ashr’ (ang Sampung mga Araw):

1. Si Allah ay nagpahayag ng panunumpa sa pamamagitan ng mga ito sa Qur'an, at ang panunumpa sa pamamagitan ng isang bagay ay nagpapakita sa atin ng pinakamahalagang kabuluhan nito at tunay na pakinabang. Si Allah ay nagsabi:

"Sa pamamagitan ng bukang-liwayway; sa pamamagitan ng sampung mga gabi "(Qur'an 89:1-2)

Sa naunang mga kinauukulan ng Qur'an ay ipinaliwanag na ang talatang ito ay tumutukoy sa unang sampung araw ng Dhul-Hijjah.

2. Upang higit pang mahikayat tayo ng kahalagahan nito, ang Propeta ay nagpatotoong ang mga ito ay ang "pinakamainam" na mga araw sa daigdig. Ang Sampung mga Araw ay higit na mainam kaysa sa lahat ng iba pang mga araw ng taon, nang walang mga pagtatangi, hindi rin ang huling sampung mga araw ng Ramadan! Subalit ang huling sampung mga gabi ng Ramadan ay higit na mainam, dahil kabilang dito ang Laylat al-Qadr ("ang Gabi ng Kapasyahan").

3. Walang mga araw na higit na dakila sa paningin ni Allah na kung saan ang mabubuting gawain ay higit na kamahal-mahal sa Kanya kaysa sa sampung mga araw na ito, kaya ang isang Muslim ay dapat dalasan ang pagsasabi ng "SubhanAllah", "Alhamdulillah" at "Allahu Akbar" sa panahong ito.

4. Ang sampung mga Araw ay kabilang ang mga araw ng sakripisyo at Hajj.

5. Ang ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah ay tinatawag na 'Yaum ul Arafah' (Ang Araw ng Arafah). Ito ang araw na ang mga manlalakbay ay nagtitipon sa kapatagan ng Arafah, anim na milya ang layo mula sa Meka. Ang Araw ng Arafah mismo ay may maraming mga kabutihan.

Mga Kabutihan At mga Kasanayan sa Araw ng Arafah

1. Ang Yaum al-Arafah ay ang araw kung saan si Allah ay ginawang ganap ang relihiyong Islam.

2. Ang Yaum al-Arafah ay isa sa pinakamalaking pagtitipon saan mang lugar sa daigdig.

3. Ang Yaum al-Arafah ay isang araw kung saan ang mga pagdarasal ay tinutugon. Ang isa sa mga kaugalian ng pagdarasal sa araw na ito ay ang pagtaas ng mga kamay tulad nang ang Sugo ni Allah ay nagsagawa ng du'a sa Arafah, ang kanyang mga kamay ay itinaas hanggang sa kanyang dibdib (Abu Daud).

4. Iminumungkahing mag-ayuno sa araw ng Arafah para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj. Ang propeta ay nagsabi,

"Ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay isang pagtatakip sa loob ng dalawang taon, ang taong nauna dito at ang taon na sumusunod dito."[2]

"Subalit para sa mga manlalakbay ay hindi kanais-nais ang mag-ayuno sa araw ng Arafah sa Arafah gaya na ang Sugo ni Allah ay sinabihan."[3]

Kung nais mong mag-alay ng sakripisyo o ipagawa ito para sa iyo, dapat mong ihinto ang pagputol ng iyong buhok at mga kuko mula sa simula ng Sampung Araw hanggang matapos mong maihandog ang iyong sakripisyo o inialay para sa iyo.

Kasaysayan at Layunin ng Eid ul-Adha

Ang kasaysayan ng Eid ul-Adha ay bumabalik pa sa panahon ni Propetang Abraham, isang pangunahing pigura sa Hudaismo, Kristiyanidad, at Islam. Ang Eid al-Adha ay nagpapaalaala sa dakilang pangyayari nang utusan ni Allah si Abraham sa isang panaginip na isakripisyo ang kanyang anak bilang isang gawang pagsunod.

"At, nang siya [ang kanyang anak] ay sapat na ang gulang upang lumakad kasama niya, sinabi niya, 'O anak ko! Nakita ko sa isang panaginip na inaalay kita, kaya ano ang masasabi mo! 'Sabi niya,' O aking ama! Gawin mo kung ano ang iniutos sa iyo, kung nais ni Allah, masusumpungan mo akong matiisin. '"(Qur'an 37:102)

Nang isasasakripisyo na ni Abraham ang kanyang anak, si Allah ay nagpahayag sa kanya na ang kanyang "sakripisyo" ay natupad na. Ipinakita niya na ang kanyang pagmamahal para sa kanyang Panginoon ay hinalinhan ang lahat ng iba pang uri ng pagmamahal, na siya ay gagawa ng anumang sakripisyo upang sumuko kay Allah. Isang bersyon ng kasaysayan ay lumitaw din sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Ang ilang mga tao ay nalilito kung bakit inutusan ni Allah si Abraham na katayin ang kanyang sariling anak. Ang kilalang klasikal na Islamikong iskolar, na si Ibn al-Qayyim ay ipinaliwanag, "ang layunin ay hindi para katayin ni Abraham ang kanyang anak; sa halip ito ay upang isakripisyo siya na sa kanyang puso ang lahat ng pag-ibig ay pagmamay-ari ni Allah lamang.

Kaya, ito ay isang bahagi ng ating tradisyon na sa panahon ng pinagpalang Sampung Araw ng Dhul-Hijjah at sa araw ng Eid ul-Adha ay ginugunita natin ang sakripisyo ni Abraham. Sinasalamin natin kung ano ang nagdala sa kanya bilang isang malakas na mananampalataya at isa sa kamahal-mahal kay Allah, siyang pinagpala ni Allah at ginawang pinuno ng lahat ng mga bansa upang sundin.



Mga Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Saheeh Muslim

[3] Abu Daud

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6