Naglo-load...

Umrah (2 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Isang madaling sunding gabay na binabalangkas ang mga mahahalaga na kailangan ng bawat bagong Muslim na malaman tungkol sa kalagayang Ihram, isang haligi para sa kapwa Umrah at Hajj.

Ni Abdurrahman Murad (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 95 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,120 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin:

·Upang matutunan ang mahalagang mga bagay na nauugnay sa kalagayang Ihram.

·Upang maiwasan ang mga kilalang paniniwalang hindi pinatunayan ng katibayan sa Islam.

·Upang kompletuhin ang Umrah sa pamamagitan ng isang matalas na diwa ng kaalaman.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Umrah – Ang paglalakbay sa Banal na Bahay ni Allah sa lungsod ng Mekka, Saudi Arabia. Madalas na tukuyin ito bilang maliit na paglalakbay. Ito ay maaaring isagawa anumang oras sa buong taon.

·Miqat - Isang himpilan kung saan siya ay magsusuot ng mga pananamit ng Ihram at papasok sa kalagayang Ihram.

·Talbiyah – Ang pagpapahayag ng panambitan ng mga Muslim habang nasa paglalakbay.

·Mahdthoorat Ang mga ito ay mga gawaing hindi ipinahihintulot para sa isang nasa kalagayang Ihram.

·Mubasharah – Ito ay pisikal na pagdikit (balat sa balat) sa isang babae.

·IhramIsang kalagayan kung saan siya ay pinagbabawalang gawin ang ilang mga gawang pinahihintulutan sa ibang mga pagkakataon. Ito ay kinakailangan kapag nagsasagawa ng mga ritwal ng Umrah at Hajj.

·Kabah – Ang hugis kwadradong gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mekka. Ito ay nagsisilbi bilang isang tampulang dako o direksyon kung saan ang lahat ng mga Muslim ay humaharap kapag nagdarasal.

·Sa’eeIto ay ang paglakad at pagtakbo sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa.

·TawafPag-ikot sa palibot ng Kabah. Ito ay isinasagawa ng pitong ikot.

·Rakah - yunit ng pagdarasal.

Sa nakaraang aralin, nabanggit natin ang mga kondisyon ng Umrah at ang pamamaraan kung paano isasagawa ito. Gaya ng natalakay sa unang bahagi, ang pagpasok sa kalagayang Ihram ay isang haligi ng dakilang ritwal na ito. Dahil ito ay isang napakahalagang bahagi ng karanasan sa Umrah at Hajj, kinakailangang magbigay ng higit pang liwanag sa 'dapat' at 'hindi dapat' sa kalagayang ito.

Mga Kapuri-puring Kasanayan

1. Higit na mainam na isagawa ang ritwal na pagligo bago pumasok sa kalagayang Ihram.

2.Paggupit ng mga kuko sa kamay, pagpapaikli sa bigote, at pagbunot/pag-ahit ng kilikili at balahibo sa maselang bahagi bago pumasok sa kalagayang Ihram.

3.Pagpasok sa kalagayang Ihram pagkatapos isagawa ang isang obligadong pagdarasal.[1]

4.Pagbigkas ng Talbiyah: ‘Labbaik Allaahumma labbaik… pagkatapos pumasok sa kalagayang Ihram. Ang mga kalalakihan ay dapat palakasin ang kanilang mga tinig habang binibigkas ito at ang mga kababaihan ay maaaring bigkasin ito ng tahimik sa kanilang mga sarili.

Mga Kasanayang Dapat Iwasan

Ang mga kasanayang dapat iwasan ay tinutukoy bilang 'Mahdthoorat' ng Ihram. Ang mga gawaing ito ay hindi pinahihintulot para sa isang nasa kalagayang Ihram. Ang mga ito ay nahahati sa tatlong mga kategorya; isang natatangi sa mga kalalakihan, isang natatangi sa mga kababaihan at isang may kinalaman sa dalawa.

Ipinagbabawal para sa mga Kalalakihan at mga Kababaihan habang nasa kalagayang Ihram:

1.Paggupit ng buhok o pag-ahit nito mula sa alinmang bahagi ng katawan.

2.Paggupit ng mga kuko sa mga kamay at mga paa.

3.Paglalagay ng pabango, gaano man kabanayad ang amoy.

4.Pangangaso ng mga panlaruang mga hayop.

5.Kaganapan sa pag-aasawa.

6.Mubasharah (ito ay pagdikit sa babae nang balat sa balat) o paggawa ng isang bagay na maaaring humantong dito tulad ng pakikipaghalikan o pakikipagkarinyuhan.

7.Sekswal na pakikipagtalik.

Natatanging ipinagbabawal para sa mga Kalalakihan:

1.Pagtatakip ng ulo nang tuwiran ng isang sumbrero o isang turban. Ang mga payong o pag-upo sa lilim ng isang sasakyan o sa isang tolda ay pinahihintulot.

2.Ang pagsusuot ng mga tinahing damit na karaniwang isinusuot, tulad salawal, kamiseta at iba pang katulad na mga kauri ng damit.

Natatanging ipinagbabawal para sa mga Kababaihan:

Ang isang babae ay hindi dapat takpan ang kanyang mukha maliban kung may mga kalalakihang dumaan sa harapan niya. Siya ay maaaring magsuot ng anumang nais niya hangga't ito ay naayon sa Islamikong pamantayan ng pananamit, at dapat niyang takpan ang kanyang buhok at hindi siya dapat magsuot ng guwantes.

Paggawa ng Mahdthoorat dahil sa Kamangmangan

Kung mayroong makagawa ng isa sa mga ito dahil sa kamangmangan siya ay pinauumanhinan. Sinuman ang makagawa ng isa sa mga nasa itaas na Mahdthoorat pagkatapos pumasok sa kalagayang Ihram ng sinasadya ay nakagawa ng isang kasalanan, at kinakailangang mag-ayuno ng tatlong araw o magpakain ng anim na mahihirap /nangangailangang mga indibidwal.

Mga Kasanayang Pinahihintulutan

1.Pagsasagawa ng pagligo.

2.Pagsusuot ng sing-sing.

3.Pagsusuot ng sinturon.

4.Pagsusuot ng sandalyas.

5.Paggamit ng payong.

6.Paggamit ng bendahe.

7.Pagsakay ng bus.

8.Pagsusuot ng relo.

9.Pagsusuot ng salaming-pang-araw.

Mga Di-mapananaligang Kasanayan

Dahil sa napakaraming bilang ng mga taong nagmumula sa lahat ng antas ng pamumuhay para sa Umrah sa buong pagdaan ng taon, mahalaga na siya ay hindi malinlang sa mga kilalang paniniwalang maaaring dala-dala ng ilan. Ang Islam ay relihiyon ng kagaangan, hindi kahirapan! Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi:

"At sa gayon ginawa Namin kayong isang makatarungan/katamtamang bansa." (Qur'an 2:143)

Sa liwanag ng talatang ito, ating babanggitin dito ang ilang mga kakaibang paniniwala na dala-dala ng ilan. Siya ay dapat na maging maingat para sa kanila at hindi umayon sa kanila:

1.Paniniwalang mangangailangan ka ng isang natatanging pares ng sandalyas para sa Umrah.

2.Pagpasok sa kalagayang Ihram bago sa himpilan ng Miqat.

3.Pagsambit ng Talbiyah sa isang magkakasamang tinig sa isang grupo.

4.Pagtataas ng mga kamay, bilang ginagawa sa pagdarasal, kapag humaharap sa Itim na Bato.

5.Paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang kamay habang nasa Tawaf (pag-ikot sa palibot ng Kabah)

6.Paggawa ng isang natatanging pagsusumamo sa bawat sulok ng Kabah.

7.Paghalik sa sulok ng Yemeni.[2]

8.Paghahangad ng mga pagpapala mula sa Kabah sa pamamagitan ng pagpupunas sa mga dingding nito ng isang tela o pananamit ng Ihram.

9.Paghalik at paghaplos sa Maqam ni Abraham (Himpilan ni Abraham).

10.Pagdarasal ng dalawang rakahs pagkatapos maisagawa ang Sa'ee.

Mahalaga para sa isang Muslim na laging sundin ang halimbawa ng ating minamahal na Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, dahil ang tagumpay ay nakasalalay dito.



Mga Talababa:

[1] Walang natatanging pagdarasal para sa Ihram. Ang obligadong mga pagdarasal ay ang limang pang-araw-araw na pagdarasal na isinasagawa ng mga Muslim.

[2] Habang isinasagawa ang Tawaf ang sulok na nauuna sa Itim na bato.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Umrah (2 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6