Naglo-load...

Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling talambuhay ng kasama ni Propeta Muhammad, kaibigan at ang ikatlo sa mga Wastong Pinatnubayan na Khalifa sa Islam. Higit na tumuon tayo sa kanyang buhay bago siya naging Khalifa.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 70 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,805 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang mapag-aralan ang buhay ni Uthman ibn Affan at maunawaan ang kahalagahan ng papel niya sa kasaysayan ng Islam.

Mga Terminong Arabik:

·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan naibaybay na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.

·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

·Hijrah - ang pagsasagawa ng paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumilipat mula sa Mecca patungo sa Medina at isa ring marka ng simula ng kalendaryong Islamiko.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

Uthman1.jpg

Si Uthman ibn Affan ay ang ikatlong pinuno ng Muslim na Ummah pagkamatay ni Propeta Mohammad. Siya ay namuno ng 12 na taon mula 644 CE hanggang 656 CE. Ang mga unang taon ng kanyang pamumuno ay tahimik ngunit ang mga huling taon ay pininsala ng sagupaan at mapanghimagsik na kilusan.

Humigit-kumulang pitong taon pagkatapos ipinanganak si Propeta Muhammad, si Uthman ibn Affan ay isinilang sa sangay ng Ummayad ng tribong Quraish. Sila ang pinaka-maimpluwensyang angkan ng Mecca at si Uthman ang kanilang tinatawag na gintong lalaki. Guwapo, mahiyain, mahinhin, mayaman at mapagbigay din, Si Uthman ay lubos na iginagalang, may pinag-aralan at maalam sa paglalakbay. Ang ama ni Uthman, isang mayaman na mangangalakal, ay namatay nang si Uthman ay bata pa at minana niya ang isang yumayabong negosyo.

Si Uthman ay tatlumpu't apat na taong gulang nang hikayatin siya ni Abu Bakr sa Islam, at ang kasaysayan ay nagsasabi sa atin na siya ang ikaapat na tao na tumanggap sa Islam. Ang agarang tugon ni Uthman sa paaanyaya ni Abu Bakr ay batay sa katiyakan at matatag na paniniwala. Nakita ni Uthman ang Islam bilang isang bagong paraan na sumakop sa kanyang sariling moral na pamamaraan. Itinuring niya ang Islam na isang paanyaya sa kabutihan. Ang mga ugnayan ng kapatiran sa Islam sa pagitan ni Uthman ibn Affan at Propeta Muhammad ay pinalakas nang si Uthman ay ikinasal sa anak na babae ni Propeta Muhammad na si Ruqayyah.

Sa mga unang araw ng Islam, ang pang-aabuso sa mga tagasunod ng bagong relihiyon ay napakarami. Ang mga Muslim ay pinahirapan at pinagpapapatay at kahit na ang katayuan ni Uthman bilang ang gitong lalaki ng Quraish ay hindi rin nagamit upang ipagtanggol siya. Siya ay inabuso at pinahirapan ng kanyang sariling tiyuhin, na nakagapos sa kanyang mga bisig at binti at kinandado sa isang madilim at kulob na lugar. Hindi nagtagal matapos ang pangyayaring ito si Uthman at ang kanyang asawa na si Ruqayyah ay nakilahok sa unang hijrah. Sila ay bahagi ng isang maliit na grupo ng mga Muslim na nagtungo at nagpakanlong sa Abyssinia. Pagkatapos marinig ang isang huwad na sabi-sabi na ang mga tao ng Mecca ay nagbalik-loob lahat sa Islam si Uthman at ilang iba pa ay bumalik sa Mecca. Nanatili sila upang maging malapit sa Propeta at maging bahagi ng nakikibakang bagong komunidad.

Sa oras na ito nabuo ni Uthman ang isang malapit na ugnayan sa kanyang biyenan na si Propeta Muhammad at narinig si Propheta Muhammad na tinukoy si Uthman bilang kanyang kawani. Walang duda na siya ay isa sa mga instrumento sa pagtulong kay Propeta Muhammad na itatag ang bagong Muslim na Ummah sa Medina. Ang isang daan at apatnapu't anim na ahadith ay naiulat ni Uthman ibn Affan kayat sa pamamagitan niya ay ating naunawaan ang ilan sa mahirap maintindihan sa pagsamba. Siya ay nagsilbi bilang sanggunian para sa mga nagsusumikap unawain ang kanilang relihiyon ng mas malalim na antas.

Sa oras ng unang labanan sa pagitan ng bagong Muslim na Ummah at ng mga pwersa ng Mecca, ang asawa ni Uthman na si Ruqayyah ay nagkasakit at namatay. Si Uthman ay nanatili sa tabi ng kanyang asawa sa buong panahon ng kanyang sakit at dahil dito siya ay hindi nakalahok sa Labanan ng Badr. Malungkot siya sa pagkawala ng kanyang asawa; ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sa mapasakanya, sa madaling panahon ay ipinakasal sa kanya ang kanyang isa pang anak na babae na si Umm Kulthum. Kaya't siya ay naging kilala bilang tao na may dalawang liwanag. Dahil sa agarang pagkakasal ni Propeta Muhammad sa dalawa sa kanyang mga anak na babae kay Uthman nagsisilbi itong patunay sa mabuti at matibay niyang pagkatao at kanyang dedikasyon sa bagong relihiyon ng Islam.

Sa buong Sunnah at makasaysayang mga teksto ng Islam, ating matatagpuan ang patuloy na mga reperensya patukoy sa kabutihan at kagandahang loob ni Uthman. Naiulat na tuwing Biyernes si Uthman ay bumibili ng mga alipin para sa layuning palayain lamang sila. Noong ang mga hukbong Muslim ay lalabanan ang mga Byzantine sa Tabuk, hinimok ni Propeta Muhammad ang mga mayayamang tao na tustusan at tulungan ang mga sundalo. Nagbigay si Uthman ng 200 na mga may sintaderang(saddle) kamelyo at 200 onsa(ounce) na ginto. Nagbigay din siya ng 1,000 dinar. Si Propeta Muhammad ay patuloy na humingi ng mga donasyon na umaasa na magbigay ng inspirasyon sa iba na magbigay ng malaya tulad ni Uthman. Gayunpaman, si Uthman ay patuloy na nilalagpasan sila at nagbigay ng isang kabuuang 900 na kamelyo na may mga pabaon.[1]

Sa panahon ng pagiging Khalifa ng parehong sina Abu Bakr at Umar, Si Uthman ay nanatiling malapit sa kanila pareho. Si Uthman at Abu Bakr ay nanatiling malapit na mga magkaibigan at si Uthman naman ay ang unang tao pagkatapos ni Umar na naghandog ng kanyang katapatan nang si Abu Bakr ay naging khalifah (caliph). Sa panahon ng mga maliliit na digmaan na naganap sa panahon ng pagiging khalifa ni Abu Bakr, nanatili si Uthman sa Medina bilang representatibo niya at kay Uthman din nasalaysay ni Abu Bakr ang kanyang huling habilin. Si Uthman ang unang tao na nag-aalok ng katapatan kay Umar. Noong 644 CE, si Uthman ay hinirang na ikatlong pinuno ng Muslim na Ummah. Ipinagpatuloy niya ang makatao at makatarungan na pamumuno ni Propeta Muhammad, Abu Bakr, at Umar.



Talababa:

[1] The Sealed Nectar. Safi Ur Rahman Al Mubarakpuri

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7