Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
Deskripsyon: Ang pagkonsumo ng pagkain at pag-inom ay maaring maging gawaing may gantimpala kapag ginawa ayon sa patnubay ng Qur’an at Sunnah. Sa araling ito ang mga pangunahing patakaran hinggil sa pagkain sa katuruan ng Islam ay naipaliwanag.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 15 May 2023
Nai-print: 92 - Nag-email: 0 - Nakakita: 25,336 (pang-araw-araw na average: 10)
Mga Layunin
·Maunawaan ang pagkakaiba ng ipinapahintulot at mga ipinagbabawal na pagkain ayon sa batas ng Islam patungkol sa tamang pagkain.
·Matutunan ang katayuan ng Islam patungkol sa puro-gulay na pagkain at iba pang hanay ng pagkain.
·Maunawaan ang katayuan ng Islam patungkol sa pag-inom ng alak at mga drogang nakakapag-pawala ng katinuan ng pag-iisip.
Terminolohiyang Arabik
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan na nagdedepende sa larangan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang kalimitang kahulugan nito ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa, diskripsyon, at mga pinahintulutan ng Propeta. (At ginagamit din sa kahulugang: kanaisnais gawin na hindi inobliga, depende sa konteksto ng pangungusap)
·Halal - mga ipinahintulot
·Haram - mga ipinagbabawal
·Shirk – salitang nangangahulugan ng pagtatambal sa Allah, o paniniwalang ang mga katangiang tanging sa Allah ay taglay ng iba maliban sa Kanya, o paniniwala na ang pinagmulan ng kapinsalaan at mga biyaya ay mula sa iba maliban sa Allah.
Ang Quran at Sunnah ay nagbigay ng maraming patnubay patungkol sa kung ano ang ipinahintulot at kung ano ang ipinagbawal kainin ng mga Muslim, kaya naman, ang kagawian ng mga Muslim patungkol sa pagkain ay may direktang kaugnayan sa pagiging maka-diyos. Ang mga Muslim na nagsasabuhay ng Islam ay sumusunod sa Allah sa pamamagitan ng pagtalima sa mga patnubay na ito, nang gayon sila ay gagantimpalaan dahil dito, dahil ang pagsunod sa patnubay ng relihiyon ay pagsamba.
Ang mga ipinahintulot na mga pakain at inumin ay nauuri bilang halal, habang ang mga ipinagbawal naman ay nauuri bilang haram. Sa kasabihang, ‘ ikaw ay kung ano ang iyong kinakain’, sa Islam ipinapahintulot ang mga pagkain na itinuturing na mabuti sa katawan at sa kaluluwa at ipinagbabawal naman ang nakakasira sa mga ito, ayon sa nakasaad sa Quran:
“ipinahintulot sa inyo ang lahat ng mga malilinis at mabubuti...” (Quran 5:5) (salin ng kahulugan)
Ang karamihan sa Kristyanismo ay nagsasabing walang mga alintuntunin hinggil sa pagkain na dapat pag-usapan, samantalang sa Judaismo ay marami at mahihigpit ang mga alintuntunin patungkol sa pagkain. Sa Hinduismo, ang pagkain ay isa sa mga pangunahing palatandaan ng estado sa lipunan, kung anong uri ng pagkain ang kinakain ay tumutukoy sa kung anong baitang sa antas ng lipunan ang kinabibilangan. Sa kabilang banda, ang alituntunin ng Islam patungkol sa pagkain ay pinag-iisa ang komunidad ng mga may pananampalataya bilang isang buo, ang kanilang pag-iingat ay nasa pagitan ng kung ano ang sa Judaismo at Kristyanismo.
Sa araling ito, ating sasanayin ang ating mga sarili sa mga pangunahing panuntunan ng Islam patungkol sa tamang pagkain.
Ang Mabuti at Ipinapahintulot
Sa kabuuhan, bawat pagkain at inumin ay ipinahintulot liban na lamang sa ipinagbawal ng Allah o ng Kanyang Sugo (ang habag at pagpapala ng Allah ay mapa-sa Kanya). Ang mga halal (ipinahintulot) ay mas marami kumpara sa mga haram (ipinagbabawal), kaya naman madalas na ang pinag-uusapan ay ang patungkol sa haram (ipinagbabawal). Lahat ng gulay, prutas, lentil at grano ay ipinapahintulot, at walang pagbabawal sa Quran patungkol sa kanila.
Para naman sa mga karne, lahat ng mga lamang-dagat (pagkain mula sa dagat) ay ipinahintulot, ganun din ang mga karaniwang karne tulad ng baka, manok, at tupa. Napakaraming uri ng mga pagkain ang ipinahintulot sa Islam na imposibleng mabanggit lahat sa artikulong ito. Kaya naman, gaya ng nakaugalian, babanggitin lamang natin ang mga ipinagbabawal ng Islam sa pagkain.
Mga Ipinagbabawal Kainin
1. Ang Pagbabawal sa Mga bangkay ng Hayop
Ayon sa sinabi ng Allah sa Quran: (ayon sa salin ng kahulugan)
‘Ang mga ipinagbabawal lamang ng Allah sa inyo ay ang lahat ng mga nakapipinsala na katulad ng: 'Al-Maytah' - bangkay ng hayop dahil hindi nakatay sa tamang pamamaraan…’ (Quran 2:173)
Ang unang ipinagbawal kainin ay ang laman ng "mga bangkay ng hayop", ito ay ang mga hayop na namatay sa natural na sanhi, hindi nakatay o mula sa pangangaso. Marami ang mga panganib sa kalusugan na dulot ng pagkain ng mga bangkay ng hayop, makikita ang mga detalye rito.
Subalait lumikha ang Allah ng ibang nilikha na makikinabang sa bulok na hayop upang kanilang mapagkukunan ng pagkain. Labas sa patakarang ito ang mga pagkaing-dagat.
Sinabi ni Propeta Muhammad patungkol sa dagat: (ayon sa salin ng kahulugan)
Ito marahil ay dahil sa asin na nakakapagpanatili rito, kasunod ang kalagayang mahirap makakuha ng buhay na isda at "katayin" ito. Maari din na dahil sa pisyolohiya ng mga isda mismo.
2. Pagbabawal sa Mga Dumanak na Dugo [1]
Ang pangalawang ipinagbabawal ay kaugnay sa dumanak na dugo na hindi maaring kainin o inumin. Sa ano't anuman, madalang din ang mga putahe na ginagamitan ng dugo!
3. Baboy [2]
Ang pangatlong ipinagbawal kainin ay ang baboy, ito ay ang karne ng baboy. Lahat ng mga produktong mula sa baboy tulad ng sausage, pepperoni, salami, chops, buto-buto, mantika, bacon at ham ay ipinagbabawal.
4. Mga Hayop na Inialay Maliban sa Allah [3]
Ang ika-apat na ipinagbabawal ay tumutukoy sa mga hayop[4] na inialay ng maliban sa Allah, ibig sabihin, mga kinatay sa ngalan ng mga diyos-diyosan, tulad ng mga idolo, mga bagay sa kalangitan, mga propeta o santo. Kapag nagkakatay ng hayop, ang isang Arabong pagano ay tumatawag sa ngalan ng mga diyos-diyosan. Sa sitwasyong ito, ang kadahilanan ng pagbabawal ay kaugnay sa paniniwala: para maingatan ang paniniwala sa Allah, para maging dalisay ang pagsamba, at tutulan ang shirk (pagsamba ng maliban sa Kanya) sa usapin ng pagkain. Katotohanan na ang Allah ang lumikha sa tao at nilikha ang mga hayop para sa mga tao, at pinahintulutan ang tao na kunin ang buhay nito bilang pagkain sa kondisyon na ang Kanyang pangalan ay babanggitin sa panahon na ito ay kakatayin. Ang pagbanggit ng pangalan ng Allah habang nagkakatay ng hayop ay pagdedeklara na ang pagkitil ng buhay ng nilikhang yaon ay sa pahintulot ng Tagapaglikha, samantalang kung ito ay para sa ibang pangalan, pinawalan niya ng bisa ang kapahintulutan na ito at hindi maaring gamitin ang karne nito.
5. Pagkatay na hindi maayos na napadanak o napalabas ang dugo [5]
Ang Allah ay nagbanggit sa Quran ng mga patungkol dito:
- Pagsakal :Hayop na sinakal, halimbawa, sa pamamagitan ng lubid sa leeg nito, o pinigilan ang paghinga - ay ipinagbabawal.
- Pinalo hanggang sa mamatay [6]
- Nahulog na Hayop [7]: Hayop na namatay mula sa pagkahulog sa mataas na lugar, o pagkahulog sa kanal o bangin.
- Nasuwag [8]: Hayop na namatay mula sa pagkakasuwag ng sungay ng isa pang hayop.
- Nalapa ng iba pang Mga Hayop [9]: Hayop na bahagyang nakagat ng mga mababangis na hayop at namatay mula rito.
6. Iba pang Mga Hayop
Ayon sa sinabi sa Quran patungkol sa Sugo ng Allah:
“...ipinahihintulot Niya sa kanila ang lahat ng mga malilinis na mga pagkain at inumin at mga mabubuting gawain; at ipinagbabawal niya sa kanila ang lahat ng marurumi at nakakadiri...” (Quran 7:157)
Karagdagan patungkol sa mga hayop sa lupa na ipinagbawal sa Quran, ipinagbawal din ng Propeta ang pagkain ng anumang hayop na may pangil at kumakain ng karne, at anumang ibon na may kukong pang-sakmal.[10] Ang mga hayop na mahilig sa karne na tinutukoy ay ang mga nambibiktima ng iba at sinasakmal sa pamamagitan ng pagwasak dito tulad ng leon, leopard, lobo, at ang iba pang mga katulad nito; ibong may mga kukong ginagamit pang-dagit tulad ng lawin, agila at falcon.
Mga Hayop na kinatay ng mga Hudyo at Kristiyano
Binibigyang-diin ng Islam na ang mga hayop ay dapat katayin sa paraang naitagubilin.[11]Habang ang Islam mahigpit sa pakitungong bawal ang karneng katay ng mga pagano, ito naman ay hindi mahigpit hinggil sa karneng kinatay ng mga Hudyo at mga Kristiyano, sapagkat sa kanilang kasulatan sila rin ay inutusan na katayin ang hayop sa ngalan ng Nagiisang Diyos. [12] Dahil dito, pinahihintulutan ng Islam ang mga karneng kinatay nila:
"... at ang pagkain ng mga tao sa kasulatan (hudyo at kristyano) ay ipinahintulot sa inyo..." (Qur'an 5:5) (salin ng kahulugan)
Ang Kagipitan minsa'y hahantong sa Paglihis sa patakaran
“...naipaliwanag ang lahat ng mga ipinagbabawal sa inyo, na itong mga to ay ipinagbabawal, liban nalamang sa mga bagay na kayo ay napilitan ng dahil sa labis na kagipitan...” (Quran 6:119) (salin ng kahulugan)
Sa patakaran ng Islam, ang pangangailangan sa oras ng kagipitan ay minsang umiiral kapag kinakatakutan ang kamatayan o matinding kapinsalaan. Kapag wala ng matagpuang pagkain liban nalang sa ipinagbabawal, at kinakatakutan ang kamatayan, ay maaaring hahantong sa ganitong kapasyahan. Ngunit isaalang-alang ang mga limitasyon at kakain lang ng sapat para manatiling buhay.
Ang purong-gulay na pagkain at iba pang hanay ng pagkain
Marami sa mga karne ay halal (ipinapahintulot), ngunit hindi pinipilit sa Muslim na kumain ng karne, ito ay hindi kabilang sa pananampalataya! Pwede rin sa isang Muslim ang purong-gulay na walang karneng uri ng pagkain kung kanyang nanaisin. At maraming hanay ng pagkain na maaaring piliin ng isang muslim, at hindi nararapat na pilitin ang sarili na kumain ng pagkaing hindi nagugustuhan. Ang Sugo mismo ay minabuting huwag kumain ng bawang at sibuyas, at minabuti rin niyang huwag kumain ng dabb (kahalintulad ng bayawak na nasa desyerto), isang uri ng karne na kinakain din sa kapanahunan na yaon. Ngunit hindi rin nararapat sa isang tao na kanyang unawaing mali ang kumain ng karne, dahil baka hahantong sa dako ng pagpataw ng batas ng bawal o hindi, na kung saan ito ay nararapat lamang sa Allah.
Alak at iba pang bawal na gamot na nakakapagpawala ng katinuan ng pag-iisip
Ang mga arabo noong una na wala pa sa kanila ang Islam ay mahilig sa alak at pag-iinom. Ang pagmamahal nila sa alak ay kapansin-pansin at matatagpuan sa kanilang wika, na mayroong higit kumulang isang daang katawagan, nakaukit sa kanilang mga tula, na ipinagdiriwang ang pagpuri nila sa alak, kopita, at inuman.
Upang puksain ang kasamaan ng pagiinom ng alak sa lipunan, ipinagbawal ito ng Allah sa paraang paunti-unti. Una, nilinaw sa kanila na ang kapinsalaan ng pag-inom ng alak ay higit na malaki kasya ikakabuti. Sunod, itinagubilin na huwag lumapit sa salah (espesyal na pagdarasal) kapag lasing. At kalaunan, tuluyan nang ipinahayag na ganap nang ipinagbabawal ang pag-inom ng alak.[13]
Ang tugon ng mga muslim noong ang talata ng pagbabawal ay ipinahayag ay kamangha-mangha. Habang ang mga tao ay nasa inuman hawak-hawak ang mga baso ng alak. Sa sandaling narinig nila na may sumisigaw nag-aanunsyo sa naipahayag na pagbabawal, ibinuhos nila sa lupa ang mga natirang inumin at winasak nila ang mga imbakang paso ng mga alak.
Idineklara ng Propeta na lahat ng mga nakakalasing ay lubusang ipinagbabawal:
“Lahat ng mga nakakalasing ay khamr (sumisira sa kaayusan ng pagiisip) at lahat ng mga khamr ay haram (ipinagbabawal).” (Saheeh Muslim) (ayon sa salin ng kahulugan)
Ang mga drogang tulad ng cocaine, opium, marijuana, at ang kagaya ng mga ito ay talagang kabilang sa kategoryang mga katulad ng alak na ipinagbabawal, at itong mga ‘to ay haram.
Ang Islam ay nagbawal sa lahat ng mga nakakalasing, na hindi na magkaiba kung marami ba o kaunti, kung kaya’t sinabi ng Propeta: (ayon sa salin ng kahulugan)
“Lahat ng nakakalasing kapag ininom ng maramihan, ang kaunti nito ay haram (ipinagbabawal).” (Abu Daud, Al-Tirmidhi)
Isang pang-huling salita... ang pagsaayos ng mga kinakain ay marahil isa sa mga mahalagang pagbabago sa pamumuhay na dadaanan ng isang bagong Muslim sa pagpasok niya sa Islam. Ito ay pagsasaayos na kaya mong isagawa sa pamamagitan ng kaunting disiplina, sa tulong ng Allah. At panghuli, maaaring mas ligtas kapag humanap ka ng mga siguradong bilihan ng mga halal na karne sa iyong lugar upang doon na magtungo kapag bibili ng karne.
Talababa:
[1]‘…at ang dumanak na dugo…’ (Quran 2:173)
[2]‘…at ang karne ng baboy…’ (Quran 2:173)
[3] ‘…at ang mga inialay sa pagsamba ng maliban sa Allah.’ (Quran 2:173)
[4] At sa pagkakahalintulad, lahat ng nakakain at hindi nakakain.
[5]‘Ipinagbawal sa inyo lahat ng karne ng mga bangkay ng hayop, at karne ng baboy, at yaong mga inialay sa pagsamba ng maliban sa Allah, at yaong namatay sa pagkakasakal…’ (Quran 5:3)
[6]‘…o sa pagkabugbog…’ (Quran 5:3)
[7]‘…o sa pagkakahulog…’ (Quran 5:3)
[8] ‘…o sa pagkakasungay…’ (Quran 5:3)
[9] ‘…at yaong bahagyang nilapa o kinain ng mabangis na hayop…’ (Quran 5:3)
[10] Saheeh Bukhari, Saheeh Muslim
[11]Ang detalye ng katuruan sa Islam hinggil sa pamamaraan ng pagkatay ay hindi kasama sa saklaw ng araling ito.
[12] "Blessed art Thou . . . who sanctified us with His commandments and commanded us concerning slaughtering." SHEḤIṬAH, Wilhelm Bacher, Julius H. Greenstone. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=582&letter=S)
[13] Qur’an 5:90.
Nakaraang Aralin: Ang Buwanang-dalaw (Regla)
Susunod na Aralin: Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an