Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ang kahulugan ng taqwa at isang buod ng ilan sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng taqwa.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 99 - Nag-email: 3 - Nakakita: 8,117 (pang-araw-araw na average: 3)
Layunin:
·Upang maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng salitang taqwa at upang magkaroon ng isang gumaganang kaalaman sa konsepto ng taqwa at kung ano ang kinauukulan nito.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Ihsan - pagka-perpekto o kahusayan. Sa Islam, ito ay upang sambahin ang Allah na parang nakikita mo Siya. Hindi man nakikita ng tao ang Allah, nababatid ng tao na ang Allah ay nakikita ang lahat.
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Shaytan- minsan ay naibabaybay Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan ng kasamaan.
·Taqwa- Ang pangamba o takot sa Allah, kabanalan, kamalayan na may Diyos. Inilalarawan nito ang isang kalagayan ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa niya.
Ano ang Taqwa?
Ang Taqwa ay isang Arabik na salita na hindi madaling isalin sa isa o dalawang salita ng Ingles. Ito ay kadalasang itinutukoy bilang kamalayan na may Diyos ngunit kung minsan ay isinasalin ito bilang pagkatakot sa Diyos o pangamba sa Allah. Ang Taqwa ay nagmula sa mga titik na ugat (root letters) na nangangahulugang 'kalasag'. Kaya sa Islam ang taqwa ay nagkakaroon ng isang natatanging kahulugan. Ayon sa ilang mga iskolar ang taqwa ay kamalayan sa presensya ng Allah at sa Kanyang kaalaman kaya nag-uudyok ito na maisagawa ang mga gawain na matuwid at maiwasan ang mga kung saan ipinagbabawal. Isang kilalang iskolar ng Islam na si Ibn Rajab na sinabi na ang kadahilanan ng taqwa ay upang lumikha para sa sarili ng isang kalasag (shield) na magbabantay o poprotekta laban sa galit o kaparusahan ng Allah.
“O! kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah at huwag (hayaang kayo) ay pumanaw maliban na kayo ay mga Muslim.”(Quran 3:102)
Sa pamamagitan ng pag-unawa na ang buhay na ito ay walang iba kundi isang panandaliang hintuan lamang sa ating paglalakbay sa Kabilang Buhay, ang isang tao ay magkakaroon ng taqwa at sa gayon ay makikinabang sa maraming bunga o dulot nito. Ang dakilang sahabi at ikaapat na Khalifa na napatnubayan sa Islam na si Ali ibn Abi Talib ay nagsabi "Ang mundo (sa buhay na ito) ay paalis at ang Kabilang Buhay ay parating, at ang bawat isa sa dalawang ito ay may mga naghahangad; kaya, maging kabilang sa mga naghahangad sa Kabilang Buhay at hindi mula sa mga naghahangad ng mga kagandahan ng buhay na ito! Ngayon may gawa (mabuti o masamang gawa) ngunit walang pananagutan, at bukas ay magkakaroon ng mga pananagutan, ngunit walang ng gawa (ng mga gawain na dapat gawin). "[1]
Ang mga Pakinabang (o Bunga) ng Pagkakaroon ng Taqwa
·Ang pagkakaroon ng taqwa sa Allah ay nagiging sanhi ng pagiging madali ng mga pangyayari sa isang tao sa mundong ito. Ang isa sa mga pinakamalaking benepisyo ng taqwa ay ang Allah ay magbibigay sa isang taong may taqwa, o isang tao na labis na nagsisikap upang makamit ang taqwa, ng kapayapaan ng isip, kasiyahan at katahimikan sa buhay na ito. Hindi magkakaroon ng kahit na anong pag-aalala o kalungkutan.
“... At sinoman ang may taqwa at pinangalagaan niya ang tungkulin niya sakanya, padadaliin sakanya ang mga bagay-bagay.” (Quran 65:4)
“Para sa kanya, na nagbibigay (ng kawang-gawa) at pinananatili ang kanyang tungkulin sa Allah, at may taqwa sa Kanya at naniniwala sa gantimpala mula sa Allah, gagawin namin ang madali para sa kanya, ang landas ng kaginhawahan.” (Quran 92:5-7)
·Ang taqwa ay nagbibigay ng isang paraan para makaahon sa kahirapan. Isang bahagi ng pagiging tao ay ang paghahanap ng isang paraan upang malutas ang ating mga problema at kahirapan. Ang mga tao ay naghahanap ng mga solusyon at humihingi ng payo mula sa pamilya at mga kaibigan at maaaring humingi ng payo mula sa mga dyaryo. Sa mga oras ng matitinding hirap ang ilang mga tao ay napupunta sa droga o pag-inom ng alak bilang isang paraan ng pagtakas ngunit ang pagkakaroon ng taqwa ay nangangahulugang mayroon tayong daan o paraan para sa pinaka dakilang payo na mayroon magpakailanman, ang mga salita ng Allah sa Quran at payo mula sa Kanyang Propeta Muhammad. Ang taqwa ang susi sa paglutas ng lahat ng mga suliranin at mga problema.
“... At sinuman ang natatakot sa Allah at pinananatili ang kanyang tungkulin sa Kanya (may taqwa), Siya ay gagawa ng paraan para sa kanya upang makaraos (mula sa bawat paghihirap).” (Quran 65:2).
·Ang isang tao na may taqwa ay gumaganap ng mga mabubuting gawain at ang mga gawain na ito ay tinatanggap at minamahal ng Allah. Ang taqwa ay ang puwersang pampalakas; itinutulak nito ang isang tao sa katuwiran sapagkat ang mga may taqwa ay alam na ang Allah ay nagmamasid sa mga motibo na nakapaloob at nakahayag na mga pagkilos. Ang taqwa ay inaalagaan sa pamamagitan ng pagsamba at paglilingkod sa Allah na may ihsan at ito ay nadaragdagan kapag gumagawa ng matutuwid na mga gawain tulad ng panalangin, pag-aayuno, pagmumuni-muni at pag aalaala sa Allah.
“O kayo na nagsisisampalataya! Magkaroon ng taqwa sa Allah at laging magsalita ng katotohanan at Ituturo niya sa inyo ang paggawa ng matuwid at wastong pagkilos at papatawarin kayo sa inyong mga kasalanan at sinuman ang sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo ay talagang nakamit ang isang malaking tagumpay.” (Quran 33:70-71)
“Katotohanang ang Allah lamang ay tumatangap sa matutuwid (yaong nagtataglay ng taqwa).” (Quran 5:27)
·Ang Taqwa ay nagbibigay ng proteksyon mula kay Shaytan. Kapag si Shaytan ay lumalapit sa isang mananampalataya na nagsisikap na pagandahin ang isang masamang gawa, ang taqwa ay nagsisilbing kalasag (shield), na siyang nagpoprotekta sa tao mula sa kasamaan.
“Katotohanan, ang mga may taqwa, kapag dumating sa kanila ang pambubuyo ni ‘Shaytân’ na magsagawa ng masama ay naaalaala nila( ang Allâh), at nakikita na nila(ang tama) ” (Quran 7:201)
·Sa pamamagitan ng kagustuhan ng Allah ang pagkakaroon ng taqwa ay nagiging daan pa mabiyayaan ang pinagkukunan ng kabuhayan at nagbibigay ng pang-ekonomiyang kasaganahan. Ang mga tao ay patuloy na naghahanap ng mga paraan upang madagdagan ang kabuhayan at mabuhay ng maginhawa at maayos. Kung minsan sa ating pagkasabik nalilimutan natin na ang Allah lamang ang siyang Tagapaglaan at Tagapagbigay ng hindi lamang sa atin kundi sa buong kalawakaan at sa lahat ng umiiral. Kung tunay na nagnanais tayo ng paglaki ng mga biyaya, taqwa ang ating paraan upang makuha ito. Ipinaalam sa atin ng Allah kung ano ang kakayahan ng mga nagmamay-ari ng taqwa at naglalagay ng kanilang tiwala sa Kanya.
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman