Ang Khushoo sa Pagdarasal
Deskripsyon: Ano ang khushoo at kung paano makukuha at mapanatili ito.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,707 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin:
·Upang maunawaan ang mga kapitaganan ng salitang khushoo at kung paano ito nauugnay sa ating pagdarasal.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Aayaat - (pang-isahan – ayah) ang salitang aayaat ay maaring magkaroon ng madaming kahulugan. Ito ay halos ginagamit ng madalas kapag tinutukoy ang mga pruweba galing kay Allah. Kabilang na dito ang mga katibayan, talutdtud, aral, palatandaan at rebelasyon.
·Shaytan - kung minsan ay sinusulat na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at ng wikang Arabe upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan sa kasamaan.
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinalin sa tagalog na Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
·Salah -ang salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang-araw-araw na pagdarasal at ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.
·SubhanAllah - Luwalhatiin si Allah.
·Tafseer –maaari itong maisalin sa wikang Ingles na pagpapahiwatig ng salita. Kaya ito ay isang paliwanag o interpretasyon ng isang teksto. Karaniwan ay isang kasulatan, sa kasong ito ay ang teksto ng Quran.
·Waswaas - mga bulong mula sa Shaytan lalo na upang makagambala o masira ang pagsamba.
·Sutrah – isang hadlang na inilalagay ng isang tao sa harapan niya habang nagdarasal.
·Deen - ang paraan ng pamumuhay batay sa pahayag ng Islam; ang kabuuan ng isang pananampalataya at pagsasabuhay ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit na ang ibig sabihin ay pananampalataya, o ang relihiyong Islam.
·Du’a - panalangin, dasal, ang paghiling kay Allah ng isang bagay.
·Adhan - isang Islamikong paraan ng pagtawag sa mga Muslim sa pagsasagawa ng limang obligadong pagdarasal.
Ano ang Khushoo?
Sa isang pagkakataon o sa iba pang pagkakataon maaari mong marinig ang isang tao na nagsasabing nais nila na mayroon pa silang higit na khushoo sa kanilang pagdarasal. Maaaring maisalin ang Khushoo bilang kababaang-loob at debosyon sa pagdarasal. Ito ay ang estado ng pag-iisip na nagbibigay-daan sa iyo upang malampasan ang mga pag-aalala sa araw-araw na gumagala sa loob at labas ng iyong isipan na siyang sumisira sa iyong pokus sa pagdarasal. Kailangan nating lahat ng kaunti pang khushoo, ang ilan sa atin ay higit pa sa iba, ngunit kahit na ang pinakamabuti at pinaka-deboto sa atin ay paminsan-minsan ay nagrereklamo dahil sa kakulangan nila ng khushoo.
Ang Khushoo sa pagdarasal ay nangangahulugan ng konsentrasyon, kapakumbabaan at pagpapasakop. Nangangahulugan ito ng buong puso na labanan ang anumang mga kaguluhan o waswaas na pumapasok sa ating isipan kapag tayo ay lubos na nakatuon sa pagsamba kay Allah. Ang isa sa pinakamahalagang paraan ni Shaytan ay upang gambalain ang pagdarasal. Sa paggawa nito nakamit niya ang dalawang layunin; ninakaw niya sa mga tao ang kagalakan ng pagsamba kay Allah at sa parehong oras ay ginagawa niya na mawala sa kanila ang lahat ng gantimpala. Sinabi ng isa sa mga sahabah na si Propeta Muhammad ay nagsabi, "Ang unang bagay na mawawala sa iyong relihiyon ay ang khushoo at ang huling bagay na mawawala sa iyong relihiyon ay ang salah…”[1]
“Katiyakan nagtagumpay ang mga naniniwala. Yaong sa oras ng kanilang pagdarasal ay mga matataimtim at puno ng kababaang loob.” (Quran 23:1-2)
Maaari nating sabihin na nakamit natin ang khushoo kapag ang isang tao ay natanggal niya ang anumang laman sa kanyang puso at isip para sa pagdarasal at mag pukos siya dito na nagbubukod ng lahat ng iba pa at mas piniling magdasal sa halip na gawin ang iba pang bagay. Alam nating lahat ng ito ay napakahirap lalo na kapag tayo ay ginagambala sa pamamagitan ng waswaas ng Shaytan.
Kapag ang isang tao ay nakatayo sa intensyong siya ay magdarasal ang Shaytan ay nakakaramdam ng selos at nagsisimula ng isang pag-atake upang masira ang pagdarasal. Ginagambala niya ang mananampalataya sa pamamagitan ng lahat ng posibleng paraan, sinisira niya ito sa pamamagitan ng pagbulong. Ginawa mo ba ang iyong ablusyon (paghuhugas) ng maayos; iniwan mo bang nakabukas ang kalan? Gagamitin pa nga niya ang mga bagay hinggil sa deen upang isipin mo ang ibang bagay maliban sa pagdarasal.
Walong paraan na madali upang magkaroon at mapanatili ang khushoo.
1)Maghanda nang maayos para sa pagdarasal. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga salita ng adhan at pagsasagawa ng du'a. Ang pagbibigay pansin sa iyong paghuhugas at sa pag-alala kay Allah sa lahat ng oras. Gayundin ang pagtiyak na ang iyong mga damit at lugar ng dasalan ay malinis at maayos. Si Allah ay tunay na ang pinaka-karapat-dapat sa ating malinis na damit at kapaligiran.
2)Pumunta ng mahinahon sa lugar ng dasalan at sa oras ng pagdarasal. Huwag gumalaw sa mga posisyon ng pagdarasal na tulad ng isang manok na tumutuka sa lupa. Pinipigilan ng pagmamadali ang khushoo.
3)Alalahanin ang kamatayan at kung ano ang naghihintay sa atin pagkatapos ng kamatayan. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Alalahanin ang kamatayan sa iyong pagdarasal, para sa tao na naaalala ang kamatayan ay nagsasagawa nang maayos na pagdarasal at isinasagawa ang pagdarasal ng isang tao na hindi nag-iisip na siya ay magdarasal ng anumang iba pang dasal”.[2]
4)Isipin ang mga salita ng pagdarasal at ang mga binanggit na mga talata ng Quran. Ang Quran ay ipinahayag upang pagnilay-nilayan. Makakatulong ang pagbabasa ng isang tafseer. Huminto sa dulo ng bawat ayah at makipag-ugnayan sa mga salita nito. Halimbawa kapag binibigkas ni Propeta Muhammad ang isang ayah na nabanggit ang pagkaluwalhati, sinasabi niya ang SubhanAllah, kung ang ayah na binanggit ay naghahanap ng pagpapakupkop kay Allah siya ay humingi ng pagpapakupkop kay Allah.[3]
5) Bumigkas sa isang mabagal na ritmo ng tono at subukang pagandahin ang iyong boses. Ang sabi ni Allah sa Quran, “…at bigkasin mo nang marahan at kaaya-aya na pagbigkas .” (Quran 73:4) Ang mabagal na pagbigkas ay mas kaaya-aya sa pagmuni-muni.
6)Tandaan na si Allah ay tumutugon sa mga dasal. Ang pagdarasal ay isang koneksyon at pakikipag-usap kay Allah at dapat ibigay ang tamang halaga nito. Magsalita nang mahinahon at hayaan ang isang paghinto upang pahintulutan si Allah na tumugon.
7)Magdasal (hanggat maaari) na may sutrah sa harap mo. Ito ay maaaring isang pader o isang puno kung sa labas o kahit na paglalagay ng isang silya sa harap ng iyong lugar ng pagdarasal. Nililimitahan nito ang lugar ng iyong paningin at pinipigilan ang sinuman mula sa pagdaan sa harap mo. Dapat din isama ang hindi pagdarasal sa mga lugar na maiingay o maraming istorbo.
8)Tinitingnan ang lugar ng pagpapatirapaan. Iniulat mula kay Aisha, ang minamahal na asawa ni Propeta Muhammad, na lagi siyang nagdarasal na ang kanyang ulo ay nakahilig. O paharap at ang kanyang paningin ay nakatingin sa lupa.[4] Subukan na huwag magambala, sa pamamagitan ng pagtingin, mga tunog o mga iniisip at bawasan ang anumang posibilidad ng pagkagulo.
Ang mga pakinabang ng pagkakaroon ng khushoo
1)Sinabi ni Propeta Muhammad, "Walang taong Muslim na, kapag ang oras para sa isang ipinag-uutos na pagdarasal ay dumating, siya ay nagsasagawa ng ablusyon (paghuhugas) ng maayos, may wastong saloobin ng khushoo, at yumuyuko ng maayos, ngunit ito ay kabayaran para sa lahat ng kanyang mga nakaraang mga kasalanan, hangga't ang mga ito ay hindi ang mga malalaking kasalanan. At ito ang kalagayan ng buhay”.[5]
2)Ang mga gantimpala para sa pagdarasal ay ayon sa antas ng khushoo, isinasaalang-alang ang pagsisikap at intensyon.
3)Ang isa na nagdasal ng mayroong khushoo ay magiging mas magaan sa dulo ng kanyang pagdarasal, na parang ang kanyang mga pasan ay naangat at siya ay naginhawaan.
Sa konklusyon palaging tandaan na ang khushoo sa pagsamba ay isang seryosong isyu at pag-aalis nito ay walang mas mababa pa kaysa sa isang kalamidad. Kahit si Propeta Muhammad ay humihingi ng pagpapakupkop mula sa puso na walang khushoo.[6]
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)