Naglo-load...

Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed

Marka:

Deskripsyon: Ang pagtawag sa mga tao sa Kaisahan ni Allah sa pamamagitan ng paghahanap ng parehong batayan.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 75 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,138 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang maunawaan na ang Tawheed ay ang batayan ng Islam at gayundin ang pundasyon na bato ng dawah.

Mga Terminolohiyang arabik

·Tawheed - Ang Kaisahan ni Allah at Pagbubukod-tangi kay Allah sa Kanyang Pagkapanginoon, Kanyang mga Pangalan at Katangian at sa Kanyang karapatan sa pagsamba sa Kanya.

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinalin sa tagalog na Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·Surah – kabanata ng Quran.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan ay karaniwang tinanggap na, anupamang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o inaprubahan.

·Dawah - minsan sinusulat itong Da'wah. Ang ibig sabihin nito ay tumawag o mag-anyaya ng iba tungo sa Islam.

·Deen - ang paraan ng pamumuhay batay sa pahayag ng Islam; ang kabuuan ng isang pananampalataya at pagsasabuhay ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit na ang ibig sabihin ay pananampalataya, o ang relihiyong Islam.

inviting2._001.jpgKapag ipinapaliwanag ang mensahe ng Islam, ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay ang Tawheed. Nararapat na ito ay bumabase sa anumang paliwanag na ibinibigay natin tungkol sa anumang paksa na may kaugnayan sa deen. Ang Tawheed ay ang batayan ng Islam at walang alinlangan na ang ating mga talakayan ay nararapat na magmula sa mahahalagang alituntuning ito.

Sinasabi ng Quran na ang bawat mensaheng ipinadala ni Allah ay nagsimula sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanyang mga tao sa Tawheed.

“ Aming ipinadala sa bawat pamayanan ang isang sugo (na nagpapahayag): "Sambahin si Allah at lumayo sa mga huwad na mga diyos !'..." (Quran 16:36)

“At Kami ay hindi nagpadala ng alinmang sugo na una sa iyo, malibang Kami ay nagpahayag sa kanya na 'Walang diyos maliban sa Akin, kaya sambahin niyo Ako’“ (Quran 21:25)

“Katiyakan, Aming ipinadala si Noah sa kanyang mamamayan at siya ay nagsabi, 'O aking mga mamamayan! Sambahin ninyo si Allah! Wala kayong ibang diyos maliban sa Kanya.Tunay na aking pinangangambahan para sa inyo ang parusa ng isang Dakilang Araw!’” (Quran 7:59)

Ayon sa mga taong dalubhasa sa parehong nakaraan at kasalukuyan, anumang pagtawag sa Islam na hindi nagsisimula sa Tawheed ay tiyak na magwawakas sa kabiguan. Tinagubilinan ni Propeta Muhammad ang mga sahabah na ipangaral ang Tawheed kapag sila ay ipinapadala sa iba't ibang mga komunidad. Sa mga pumunta sa Yemen, sinabi niya, "Pupunta kayo sa Mga Angkan ng Kasulatan, kaya't ang unang bagay na iaanyaya niyo sa kanila ay ang Tawheed ni Allah"..[1]

Ang titulo na 'Mga Angkan ng Kasulatan' ay tumutukoy sa mga Hudyo at mga Kristiyano, sa mga binigyan ng mga banal na kasulatan bilang patnubay bago ang kapahayagan ng Quran. Madalas ay mas madaling simulan ang pakikipag-usap tungkol sa Islam sa mga Kristiyano at mga Hudyo dahil naniniwala na sila sa Diyos. Ang Quran ay puno ng mga reperensya, at mga kuwento na madaling nauugnay na kung saan mayroon silang sariling mga bersyon. Halimbawa ay ang pagbabanggit ng mga surah ng Quran na ipinangalan sa mga taong madaling nakikilala tulad ng surah 19 - Maryam (Mary), surah 14 - Ibrahim (Abraham) o surah 12 - Yusuf (Joseph).

Ang Quran ay nakiusap kay Propeta Muhammad na tawagin ang mga Angkan ng Kasulatan sa Islam. At ang Propeta Muhammad sa kanyang Sunnah ay nagbigay ng paglilinaw hinggil sa kaugnayan ng lahat ng mga propeta at mensahero ni Allah.

“Sabihin O Muhammad, O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano): Halina kayo sa isang salitang makatwiran sa pagitan namin at sa pagitan ninyo, na wala tayong dapat sambahin maliban kay Allah at huwag tayong magtambal ng anupaman sa Kanya, at huwag nating ituring ang ilan sa atin bilang mga panginoon bukod kay Allah ’” (Quran 3:64)

“At huwag kayong makipagtalo sa mga Angkan ng Kasulatan maliban sa paraang pinakamabuti, at maliban para sa mga gumagawa ng di-makatarungan sa kanila at ito ang inyong sabihin, 'Kami ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa amin at ipinahayag sa inyo; ang aming Diyos at inyong Diyos ay iisa at kami ay tumatalima sa Kanya ’”. (Quran 29:46)

“Ako ang pinakamalapit sa lahat ng mga tao sa anak ni Maria, at ang lahat ng mga propeta ay magkakapatid at wala sa pagitan ko at sa kanya (wala ng ibang propeta sa pagitan ko at ni Jesus).” [2]

“Kapag ang isang tao ay naniniwala kay Jesus at naniniwala sa akin ay makakakuha siya ng dobleng gantimpala.”[3]

Ang mga taong walang pang-unawa sa alinman sa tatlong monoteistikong relihiyon, tulad ng mga Buddhist ay nangangailangan ng iba't ibang mga alituntunin. Responsibilidad ng taong nagbibigay ng dawah ang magkaroon ng mga pangunahing kaalaman sa mga paniniwala ng mga hindi mananampalataya na kanilang binibigyan ng dawah. Halimbawa, ang Budismo ay isang paraan ng pamumuhay, ngunit hindi katulad ng Islam. Tignan na lamang ang Budismo, pati na rin ang maraming mga relihiyon sa silangang bahagi ay may isang konsepto na kung saan ang taong gumagawa ng mabubuti ay magkakaroon ng mga katangian na tulad ng Diyos. Sa kabilang banda ang mga Hindu naman ay naniniwala sa isang kataas-taasang Diyos na nasa maraming tao, at ang ilan sa hindi tanyag na mga relihiyon tulad ng Zoroastrianismo at Baha'i ay kasama ang konsepto ng Isang Kataas-taasang Diyos. Gayunpaman, hindi mo gustong makipag-usap sa sinuman na para bang mas may alam ka kaysa sa kanila patungkol sa kanilang sistema ng paniniwala . Mahalaga ito kung ito man ang kaso o hindi. Tandaan, ayaw mong makapanakit ng damdamin ng sinuman o magsimula ng isang argumento ng hindi sinasadya. Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang mga paniniwala sa relihiyon ay matatagpuan sa aming www.islamreligion.com.

Kapag ang isang tao ay may matibay na paniniwala sa Diyos o kahit na ang walang pangalan na Kataas-taasang Diyos na responsable sa paglikha, ay posible na ituro sa kanila na ang Diyos na tinatawag nating Allah ay ang Diyos na tinatawag din nila sa ibang mga pangalan gaya ng Elohim o Yahweh. Subalit mahalaga na linawin sa kanila na Siya ay Nag-iisa na walang anumang katambal at na hindi natin ibinibigay ang alinman sa Kanyang mga katangian sa mga nilikha. Naniniwala tayo na may malinaw na linya sa pagitan ng Lumikha at ng nilikha at ang lahat ng bagay bukod sa Diyos mismo, ay Kanyang mga nilikha.

Mahalagang maunawaan ng mga tao na ang relihiyon ng Islam ay ipinahayag para sa sangkatauhan, hindi lamang isang etnikong grupo o lahi. Kadalasan gustong malaman ng mga tao ang layunin ng kanilang buhay at ang Islam ay nagbibigay ng isang malinaw na sagot sa tanong na ito. Nilikha tayo upang kilalanin ang Diyos at sambahin lamang Siya, ibig sabihin nito, ay ang sundin Siya sa lahat ng bagay.

“At hindi Ko nilikha ang jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin.” (Quran 51:56)

Ang siyang naniniwala sa anumang uri ng Diyos ay isang teistiko (theist) ngunit yaong hindi, ay tinatawag na mga ateista (atheist). Ang dalawang paniniwalang ito ay magkasalungat; ang mga ateista ay hindi naniniwala sa Kataas-taasang Diyos ng anumang paglalarawan. Gayunpaman naniniwala sila na ang mundo ay isang mas mainam na lugar kung pinamamahalaan ng mga ideolohiya na gawa ng tao tulad ng kapitalismo o komunismo. Kaya walang ideolohiya sa pangkaraniwang lugar kung saan magsisimula ang talakayan tungkol sa relihiyon ng Islam. Subukang tandaan na ang panimulang punto at ang batayan ng dawah ay ang pagtawag sa isang tao sa paniniwala sa Nag-iisang Diyos - si Allah. Tulad ni Propeta Muhammad na nagsimula sa panawagan ng Tawheed at ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa pangangatuwiran.

Malinaw na nakita natin at gayundin ay itinuturo na ang lahat ng bagay sa sansinukob ay pinamamahalaan ng maingat at sa isang kahanga-hangang paraan; ang pagsikat at paglubog ng araw, ang pagbabago ng panahon, at ang maselang balanseng kaayusan ng pagkapanganak , paglaki at pagkatapos pagkabulok. Ang pagkakapareho sa mga batas ng sansinukob ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang Lumikha at kawili-wili na ang mga atheist na dumating upang tanggapin ang mensahe ay madalas na nagsisimula sa paniniwala sa isang Diyos na Maykapal o Kataas-taasang Diyos. Ang pagkumbinse sa mga tao na ang Diyos na Maylalang ay ang karapat-dapat sa pagsamba ay ang siyang susunod na hakbang.

Sa huli at pangatlong aralin ay titingnan natin ang paghahatid ng mensahe sa mga partikular na tao, partikular na mga miyembro ng iyong sariling pamilya.



Talababa:

[1] Saheeh Bukhari

[2] Saheeh Bukhari

[3] Saheeh Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8