Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ang pangalawang aralin ay magpapaliwanag sa obligado, nirerekomenda at di kanais-nais sa pagdarasal.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 83 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,935 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga layunin
·Ang matutunanang mga Wajibaat (mga obligado ) ng salah ( pagdarasal).
·Ang matutunan ang ilan sa mga rekomendadong gawain sa pagdarasal.
·Matutunan ang patungkol sa pitong hindi kanais nais na gawain sa pagdarasal.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Salah -salitang Arabik na nangangahulugan ng ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. dagdag na kalinawan, sa islam ito ay pormal na tumutukoy sa limang beses na pagdarasal at ito ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.
·Ruku’- Ang posisyon na nakayuko.
·Imam- Sinuman na namumuno sa pagdarasal.
·Tashahhud – Ang salitang binibigkas “At-tahiy-yatu lil-lahi…. Muhammadan ’abduhu wa rasuluh.” Sa posisyong nakaupo sa pagdarasal.
·Takbir – ang pagbigkas ng “Allahu Akbar”.
·Wajib - (pangmaramihan: wajibaat) obligado.
·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa paksang pinag-aaralan gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang pinaniniwalaan na anumang ulat na sinabi ng Propeta ginawa o pinahintulutan.
·Rakah- bilang ng pagdarasal.
·Surah – kabanata ng Quran.
Wajibaat (Mga Obligadong gawain) sa Salah
Ang mga ito ang dapat na isinasagawa sa isang pagdarasal. Kung ang wajib na gawain ay iniwang-sadya, ang pagdarasal ay walang bisa. Ngunit kung ang pag-iwan ay di-sinasadya, ang "dalawang pagpapatirapa sa pagkalimot" ay dapat na isagawa para kapalit nito. Ito ay kasama sa mga lilinawin sa mga susunod na aralin.
Ang mga sumusunod ay ang mga obligado sa pagdarasal:
1. Magsabi ng ‘Allahu Akbar’ kung magpapalit ng posisyon mula sa isang posisyon
Ang Propeta ay laging nagsasabi ng Allahu Akbar kung siya ay uupo o tatayo.[1]
2. Mga salitang binabanggit habang nakayuko (ruku’)
Ang magsabi ng: ‘Subha-na Rabbi al-’Adheem’ (Kaluwalahatian sa aking Dakilang Panginoon) isang beses. Ang pagsasabi ng mga ito ay isang rekomendadong gawain.
3. Mga salitang binabanggit kung tatayo mula sa ruku' o pagyuko
Ang propeta ay nagsabi, “kung siya (ang imam) ay magsabi:
Sami’-Allahu li-man hamidah (Dinirinig ng Allah ang sinuman na nagbibigay papuri sa Kanya),
kayo ay magsabi:
Rabba-na wa lakal-hamd (Panginoon namin ang papuri ay Sa Iyo lamang).“ (Napagkasunduan)
Ang dalawang ito ay dapat na mabanggit kung nagdarasal ng mag-isa. Subalit kung nagdarasal sa likuran ng isang imam ay magsabi lamang ng ‘Rabba-na wa lakal-hamd’.
4. Mga binabanggit habang nakapatirapa
Ang magsabi ng: ‘Subha-na Rabbi al-A’la’ (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang kataas taasan ) isang beses. Ang pagbanggit sa mga ito ay isang rekomendadong gawain.
5. Panalangin sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa
Sabihin ang ‘Rabbig-fir lee’ isang beses. Ang pagbanggit sa mga ito ay rekomendadong gawain.
6. Unang Tashahhud
Ang pagbigkas ng unang tashahhud. Ito ay ginagawa sa unang “mahabang pag-upo” sa mga pagdarasal na may higit sa dalawang bilang.
Minsan nakalimutan ng Propeta ang unang tashahhud, ngunit hindi niya inulit ang pagdarasal, sa halip ay isinasagawa niya ang “pagpapatirapa ng pagkalimot.” nagpapatunay na ito ay wajib na gawain; kung ito ay isang “mahalagang bahagi”, ang “pagpapatirapa ng pagkalimot" ay hindi makasasapat.
7. Ang pag-upo at pagbigkas ng unang Tashahhud
Pag-upo at pagbigkas ng unang tashahhud.
Rekomendadong Gawain sa Pagdarasal
Ang mga sumusunod ay ang mga rekomendadong gawain sa Pagdarasal:
1. Pambungad na Panalangin
Ito ay binabanggit lamang sa unang rakah.
Ang palagiang binabanggit na panalangin ay ang mga sumusunod:
“Subhaana-kallaa-humma wa biham-dika, wa tabaa-ra-kasmu-ka, wa ta’aa-laa jad-du-ka, wa laa ilaa-ha ghay-ruk.”
(Ikaw ay aming Niluluwalhati, O Allah, at Pinupuri: Purihin ang Ngalan Mo at Dakilain ang Iyong Kataasan, at walang karapat-dapat na sambahin maliban Sayo). (Abu Daud).
2. Ang pagpapakup-kop sa Allah
Kailangan itong bigkasin sa unang rakah sa pamamagitan ng pagsasabi ng,
“Aa’oodhu billahi min ash-Shaitan nir-rajim”
‘Ako ay nagpapakup-kop sa Allah laban sa isinumpang si Satanas.’
3. Ang pagsasabi ng ‘Ameen’
Ang salitang ‘Ameen’ ay hindi bahagi ng Surah al-Fatihah, kundi ito ay isang panalangin na ang ibig sabihin ay, “O Allah, dinggin mo ang aming panalangin.”
Ito ay kailangang bigkasin pagkatapos ng Surah al-Fatihah.
Ang Propeta ay nagsabi, “Kung ang imam ay magsabi ng Ameen, kayo ay magsabi din ng Ameen. Kung sa pagbigkas nito ay sumabay sa pagbigkas ng mga anghel, samakatuwid ang inyong mga kasalanang nakalipas ay patatawarin ng Allah.”[2]
4. Ang pagbigkas ng ilang bahagi ng Qur'an pagkatapos bigkasin ang Surah al-Fatiha sa dalawang unang bahagi ng rakkah
Maari kang bumigkas ng anumang bahagi ng Qur'an. Halimbawa maari kang bumigkas ng maiikling kabanata gaya ng Surah al-Ikhlas, Surah al-Falaq, o Surah an-Naas.
5. Manalangin pagkatapos magbigay ng pagpupugay sa Propeta sa pang-huling bahagi ng pagdarasal
Bigkasin ng mahina ang:
“Allaahumma innee ’a’oothu bika min ’athaabil-qabr, wa min ’athaabi jahannama, wa min fitnatil-mahyaa wal-mamaati, wa min sharri fitna-til-masee-hid-dajjaal.”
(O Allah! ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas Mo ako sa dusa ng Impiyerno, at sa dusa ng hukay, at sa mga pagsubok sa buhay (pagsubok sa buhay na kinakaharap) at kamatayan (sa hukay), at sa mapanlinlang na Masihid-Dajal o Anti-Christ).[3]
6. Ang pagtataas ng kamay
Ang pagtaas ng kamay kung magsasabi ng pambungad na takbir, kung yuyuko, at kung tatayo mula sa pagyuko at kung tatayo mula sa “Mahabang pag-upo” (kung saan binabanggit ang unang tashahhud).
7. Ang paglagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa tapat ng dibdib
Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa tapat ng dibdib.[4]
8. Ang pagtingin sa lugar ng pagpapatirapaan
Ituon ang paningin sa lugar ng pagpapatirapaan.[5]
9. Ang pagbaling ng mukha sa kanan at sa kaliwa sa pagtatapos ng pagdarasal
Ibaling ang mukha sa kanan habang binabanggit ang ‘As-Salamu ’Alaikum wa-Rahmatullah’ at ganun din sa kaliwa.
Ano ang hindi Kanais-nais sa Salah?
Ang hindi katanggap-tanggap na gawain ay ang mga di kanais-nais. Hindi ito nagpapawalang bisa sa pagdarasal ngunit, itoy dapat iwasan sa abot ng makakaya ng isang tao upang hindi mabawasan ang gantimpala niya sa kanyang pagdarasal.
1. Pagpabaling-baling ng tingin sa paligid habang nagdarasal kahit hindi ito kinakailangan
Ang paglingon lingon sa paligid habang nagdarasal ng walang kadahilanan ay nakakabawas sa konsentrasyon at kataimtiman. Kung ito ay kinakailangan ito naman ay pinahihitulutan, halimbawa ang isang ginang na lilingunin ang umiiyak na sanggol.
2. Ang paglalagay ng kamay sa baywang
“Ang Sugo ng Allah ay nagbabawal sa isang tao na nagdarasal na ang kanyang kamay ay nasa kanyang baywang”[6]
3. Ang magdasal kung ang pagkain ay dumating o nakahanda na o ang pagpipigil ng pangangailangan sa pag-ihi o pag-dumi.
Ang dahilan ay mawawala sa konsentrasyon ang isang tao sa pagsa salah sa ganuong kalagayan.
5. Hindi mapakali
Ang paggagalaw-galaw ng hindi kinakailangan ay hindi kanais-nais sa kadahilanang nakakasira ito sa konsentrasyon at sa pagdarasal ng iba.
6. Pagpikit ng mata
Maari mong ipikit ang iyong mga mata kung mas nakakatulong sayo ito para di makita ang mga bagay na nagpapawala sa iyong konsentrasyon.
7. Ang paglapat ng iyong braso sa sahig
Ito ay sa kalagayan ng pagpapatirapa.
Nakaraang Aralin: Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Layunin ng Buhay
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)