Naglo-load...

Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)

Marka:

Deskripsyon: Isang madaling sundan na gabay na naglilinaw sa mga mahahalaga na dapat malaman ng bawat bagong muslim tungkol sa Hajj, ang mas mataas na pilgrimo sa Mecca.

Ni Abdurrahman Murad (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 139 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,669 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang malaman kung paano magsagawa ng Hajj.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – Ang mga pangalan ng limang pang araw-araw na pagdarasal sa Islam

·Hajj - Ang pilgrimo papunta sa Mecca kung saan ang mga pilgrimo ay nagsasagawa ng hanay ng mga ritwal. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ang bawat nasa tamang edad na Muslim ay kailangang magsagawa ng hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung nasa kakayahan nila ito sa salapi at pisikal.

·Kaba - Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.

·Talbiyah - Ang pahayag ng mga Muslim na binibigkas sa panahon ng pilgrimo.

·Sa'ee - Ito ang paglalakad at pagtakbo sa pagitan ng mga burol ng Safa and Marwa.

·Eid - pagpipista o pagdiriwang. Ipinagdiriwang ng mga Muslim ang dalawang pangunahing pista ng relihiyon , na kilala bilang Eid-ul-Fitr (na nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nangyayari sa panahon ng Hajj).

·Tawaf - Paglilibot/Pag-iikot sa paligid ng Kabah. Ito ay ginagawa ng pitong pag-ikot.

Ang Ika-9 na araw at Higit pa

ThePilgrimageHajj3.jpgAng ika-9 na araw ay talagang isang mahalagang araw, kaya samantalahin ang bawat sandaling ito sa produktibong pamamaraan! Ang isa sa mga pinakamainam na bagay na magagawa ay ang pananalangin sa Allah para sa lahat ng nais nila sa buhay na ito at sa susunod. Maaaring isipin ng ilan na hindi nararapat humiling sa Allah para sa mga kayamanan sa mundo, ngunit walang kasalanan sa paggawa nito. Sa katunayan, ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumasakanya, ay nanalangin para kay Anas, Kalugdan nawa siya ng Allah, na sinasabi: O Allah dagdagan siya sa kayamanan, at bigyan siya ng maraming anak at pagpalain siya.[1] Pagsikapan at gawin ng bawat isa na magsisi at mangako sa Allah na sila ay magbabago na ng kanilang buhay.

Sa paglubog ng araw, ang isa ay dapat ng umalis sa lugar ng Arafah patungo sa Muzdalifah. Yamang ang sinuman ay maaaring kasama sa isang grupo ng Hajj, at maaari silang umalis nang nang mas maaga. Pagdating sa Muzdalifah dapat magsagawa ng pagdarasal ng Maghrib at Isha (pagsasamahin ang mga ito at papaikliin ang Isha sa dalawang yunit) para pagkatapos ay makapagpahinga ng maayos sa gabi. Ang isang karaniwang pagkakamali na ginagawa ng marami ay ang paggugugol nila ng kanilang gabi sa pakikipag-kwentuhan, pagkuha ng mga selfie o pag-surf sa internet. Ito ay hindi nararapat, tulad ng Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumasakanya, ipinahiwatig na ang isa ay dapat igugol ang gabing ito sa pagpapahinga hangga't kaya nila. Ang isa ay dapat magpatuloy sa pagsasabi ng Talbiyah sa yugtong ito ng pilgrimo.

Ang ika-10 na Araw(Ang Araw ng Eid)

Ito ang 'puno ng aksyon' na araw para sa nagpipilgrimo. Ang karamihan sa mga ritwal ng Hajj ay ginagawa dito. Pinakamainam na sinusunod ng isa ang mga ritwal sa araw na ito sa paraang ginawa ni Propeta Muhammad.

Sa paggising para sa pagdarasal ng Fajr at pagsasagawa nito, dapat samantalahin ng isa ang oras na iyon upang manalangin sa Allah, gayundin ang magtipon ng 7 na maliit na na mga bato para sa ritwal ng pagbabato na magaganap sa araw na ito. Ang pagkuha ng ilang sobra ay hinihikayat.

Kadalasan pagkatapos nito, dadalhin ng grupo ng Hajj ang mga pilgrimo pabalik sa Mina, kung saan babatuhin nila ang pinakamalaking haligi, na pinakamalapit sa Mecca. Ang haliging ito ay kilala bilang Jamaratul-Aqabah. Dapat alalahin na ang mga haliging ito ay hindi ang 'diyablo', kundi isang haligi lamang. Kaugnay ng dahilan sa likod ng ritwal na ito, makikita ng isa ang mga pinagmulan nito sa kuwento tungkol kay Propeta Abraham at Ismail, sumakanila nawa ang kapayapaan. Ang diyablo ay lumapit kay Ismail at sinubukan na kumbinsihin siya na sumuway sa kanyang tatay sa tatlong lugar na ito. Ang pagbato ngayon ay isinasagawa bilang pagsunod sa utos ng ating Propeta. Sa bawat bato na itinatapon ang sasabihin ay 'Allahu Akbar'.

Matapos ang pagbabato ng Jamratul-Aqabah, ang isa ay maari ng magkatay ng hayop na kanilang iaalay. Sa panahon ngayon, ang prosesong ito ay halos awtomatik sa pamamagitan ng malalaking korporasyon na nagsasagawa nito sa ngalan ng mga nagpipilgrimo. Matapos ng hakbang na ito, maaaring mag-ahit ang isa o i-trim ang kanilang buhok nang pantay-pantay. Para sa mga kababaihan, sapat na mag-gupit ng isang maliit na parte ng buhok.

Kapag nakumpleto na ang mga gawain na ito, ang isa ay magtungo na sa Haram upang magsagawa ng tinatawag na Tawaf Al-Ifaadah, at ang Sa'ee ng Hajj. Ito ang limang mga gawain na dapat gawin sa araw na ito. Kapag ang Tawaf ay isasagawa na, dapat ihinto ang pagsasabi ng Talbiyah at sa halip ay sabihin:Allahu Akbar, Allahu Akbar, La ilaahah il-lal-lah. Allahu Akbar, Allahu Akbar, Wa-lil-laahil-hamd”. [3]

Dahil sa walang hangganang habag ng Islam, binigyan tayo ng Propeta ng mga pahintulot na nagpapadali sa atin sa dakilang pagsasagawang ito. Isipin, kung ang lahat ng pilgrimo ay kailangang mahigpit na sundin ang utos na ito, napakatindi at napakalubhang pahirap nito para sa mga tao! Sa katunayan, ang Propeta, ay nilapitan ng mga kasamahan at nagsabi sa kanya na hindi nila ginawa ang mga gawain ng araw na ito sa kanyang pagkakasunud-sunod. Sinabi ng Propeta sa kanila: Maaari ninyong gawin iyan, at wala kayong kasalanan!Isa sa mga Kasamahan ay dumating sa kanya at sinabi: "O Propeta ng Allah, ginawa ko ang Sa'ee bago ko ginawa ang Tawaf!" Sinabi ng Propeta:“Maaari ninyong gawin iyan, at wala kayong kasalanan!”[4]

Kung ito ang unang Hajj ng mga nagpipilgrimo, dapat silang manatili sa kanilang mga grupo. Ang pagkawala sa anumang yugto ng Hajj ay isang hindi malilimutang karanasan na ayaw mong magkaroon o maranasan!

Ang Ika-11, Ika-12, Ika13 na Araw

Ang mga araw na ito ay kilala bilang ang Araw ng Tashreeq. Inilarawan ni Propeta Muhammad ang mga araw na ito sa pagsasabi: "Ang mga ito ay mga araw ng pagkain, pag-inom at pag-alaala sa Allah."[5]

Ang pangunahing pagkilos na gagawin ng isa sa loob ng mga pinagpalang araw na ito ay ang pagbabato sa tatlong Jamarat. Ang mga bato para dito ay dapat tipunin mula sa Mina mismo. Ang isa ay makakahanap ng sapat na maliliit na bato na angkop ang sukat sa ilalim ng mga karpet ng kanilang sariling mga tolda (tent)! Sa sandaling ang araw ay gumalaw na mula sa pagiging tirik nito, oras na upang simulan ang ritwal ng pagbabato. Simulan sa mas maliit na kilala bilang 'Jamarat as-Sughra', ang isa ay babatuhin ito ng pitong bato, na nagsasabing 'Allah Akbar' sa bawat isa. Pagkatapos nito, lumayo ng maikling distansya at gumawa ng isang mahabang panalangin; sa katunayan, ito ay isang panahon kung saan tinatanggap ng Allah ang panalangin ng isang tao.

Pagkatapos nito, ang isa ay pupunta sa ikalawang haligi na kilala bilang 'Jamratul-Wusta', na siyang haligi sa gitna. Kung ano ang ginawa sa unang haligi ay gagawin din dito. Matapos ang panalangin, ang isa ay magtungo sa 'Jamratul-Aqabah' o ang pinakamalapit na haligi sa Makkah. Parehas din ang gagawin dito, ngunit hindi na mananalangin pagkatapos ng pagbato.

Sa yugtong ito, matatapos ng isa ang mga pangunahing ritwal sa araw na ito. Higit pa rito, ang isa ay dapat magsagawa ng bawat pagdarasal sa bawat oras nito, habang pinapaikli ang apat na yunit ng pagdarasal sa dalawang unit na lamang. Ang mga hakbang na ito ay inuulit sa ika-12 na araw at ika-13 na araw, kung pipiliin ng isang tao na manatili sa susunod ng araw.

Mga Huling Hakbang

Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi:

“At alalahanin ang Allah sa panahon ng Natatakdaang Araw, datapuwa’t kung sinuman ang magmadali na lumisan (pagkaraan) ng dalawang araw, ito ay hindi isang kamalian sa kanya at sinumang magpaiwan, ito ay hindi kasalanan sa kanya kung ang kanyang layunin ay gumawa ng kabutihan at tumalima sa Allah, at inyong katakutan ang Allah at alamin na katotohanang kayo ay titipunin tungo sa Kanya.” (2:203)

Batay rito, maaaring makumpleto ng isa ang kanilang Hajj sa ika-12 o ika-13. Kung pipiliin ng isang tao na makumpleto ang kanilang Hajj sa ika-12 araw, dapat silang tumungo patungo sa Kabah pagkatapos ng pagbato sa Jamarat, at isagawa ang Pamamaalam na Tawaf. Sinabi ng Propeta:

Hayaan na ang huling ritwal na gampanan mo (bago ka umalis sa Mecca) ay Tawaf sa paligid ng Bahay na ito (ito ay ang Kabah).[6]

Kung ang isa ay umalis sa ika-13, dapat nilang isagawa ang ritwal na ito sa ika-13. Kung ang isang pilgrimo ay mananatili sa Mecca ng ilang karagdagang panahon, dapat nilang gawin ang Tawaf bago sila umalis sa Mecca.

Malalaking Gantimpala

Ang Propeta ay tinanong: "Ano ang gantimpala ng isa na nagsasagawa ng mga ritwal sa Hajj?" Tumugon siya na nagsasabi: "Kapag ang isang tao ay umalis sa kanyang tahanan para sa pagsasagawa ng Hajj, sa bawat hakbang na hinahakbang niya, ay makakatanggap siya ng gantimpala o tatanggalin ng Allah ang kasalanan mula sa kanyang talaan. Kapag ang isa ay tumatayo sa Arafah, ang Allah ay bamababa sa pinakamababang Langit at sasabihin: 'tingnan ang Aking mga alipin, maalikabok at kusot ang mga buhok. Kayo (i.s. ang mga anghel) ay Aking mga saksi na pinatawad ko sila sa lahat ng kanilang mga kasalanan, kahit na sila ay kasing dami ng mga bituin sa kalangitan at kasing dami ng mga butil ng buhangin sa Disyerto ng Aalij at kapag ang isa ay nagtatapon ng mga bato sa Jamarat, ang Aking mga alipin ay hindi malalaman kung anong mga gantimpala ang inihanda ko para sa kanila hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli! 'Sa bawat buhok na bumabagsak mula sa ulo ng pilgrimo (sa pag-aahit nito) ang pilgrimo ay makakatanggap ng liwanag sa Araw ng Pagkabuhay! Kapag natapos na niya ang Pamamaalam na Tawaf, babalik siya sa kalagayan ng kawalan ng kasalanan, na parang sa araw na siya ay ipinanganak. "[7]



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Isang lugar sa pagitan ng Mina at Arafah. Ang mga pilgrimo ay nanatili rito pagkatapos umalis mula sa Arafah.

[3] Kahulugan: Ang Allah ang pinakadakila, ang Allah ang pinakadakila, walang Diyos na karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Allah, ang Allah ang pinakadakila, ang Allah ang pinakadakila, at ang lahat ng papuri ay sa Allah.

[4] Abu Dawood

[5] Abu Dawood

[6] Saheeh Muslim

[7] Targhib

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7