Naglo-load...

Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling panimula sa pinaka-karaniwang mga salita at mga terminong may kaugnayan sa ahadith na iyong makikita sa pagbabasa tungkol sa Islam.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 97 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,797 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang ilang karaniwang mga termino na may kaugnayan sa ahadith na ginagamit sa Islamikong panitikan.

·Upang mapahalagahan na ang pag-uuri sa ahadith ay isang maingat na pagsisikap at kinabibilangan ng usaping pang-akademiko.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Daeef – mahina.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon at kuwento. Sa Islam ito ay isang naratibong tala ng mga kasabihan at gawi ni Propeta Muhammad at kanyang mga Kasamahan.

·Hasan – mabuti.

·Isnad – kawing ng mga tagapagsalaysay ng anumang ibinigay na hadith.

·Matn – ang teksto ng hadith.

·Mawdu – gawa-gawa o huwad.

·Sahabah - Ang pangmaramihang anyo ng “Sahabi,” na isinasalin bilang mga Kasamahan. Ang isang sahabi, salitang karaniwang ginagamit ngayon sa mundo, ay sinumang nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay na Muslim

·Saheeh – mapapanaligan, walang kamalian.

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

Panimula

Introduction_to_Hadith_Terminology._001.jpgNaniniwala ang mga Muslim na ang pangalawang pangunahing pinanggagalingan ng Islam ay ang Sunnah ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Ang Sunnah ay itinuturing na isang rebelasyon at ito ay nakalagay sa isang malaking kabuuan ng panitikan na kilala bilang ahadith. Ang Quran at ang Sunnah ay hindi maaaring maunawaan nang tiyak na hindi sinasangguni ang bawat isa dahil ang Sunnah ay ang praktikal na halimbawa kung paano ipinatupad ni Propeta Muhammad ang Quran, sa kanyang katangian at sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Ang maikling aralin na ito ay naglalayong magbigay ng maikling panimula sa terminolohiya ng hadith upang hindi ka malito sa wika at mga termino at maramdamang malayo ito sa iyong pag-unawa. Ito ay hindi isang kurso o isang pagpapakilala sa isang kurso; gayunman, magbibigay ito ng mga termino na nanaisin mong maunawan pang lalo.

Paano nagiging hadith ang isang kasabihan o kuwento?

Noong buhay pa si Propeta Muhammad, ang mga tao ay direktang pumupunta sa kanya kung mayroong mga isyu tungkol sa katuruan ng Islam. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, nilinaw ng mga sahabah ang ilang mga suliranin at inayos ang mga alitan.Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, mahalagang malaman kung paanong ang mga kasabihan at kaugalian na may kinalaman sa Islam ay nailahad. Kinailangan nitong malaman kung sino ang may sabi at saan nanggaling ang kasabihan o, ang kawing ng salaysay. Kaya nalaman natin na ang hadith ay binubuo ng dalawang bahagi; ang matn (teksto) at ng isnad (kawing ng mga tagapagsalaysay o mga tagapag-ulat). Ang isang teksto ay maaaring lohikal o makatwiran subalit kapag wala ang kawing ng mga tagapagsalaysay, hindi ito isang hadith.

Pag-uuri ng Hadith

Ang malaking bilang ng ahadith na umiiral ngayon ay nagsimula nang ang mga sahabah at yaong mga sumunod pagkatapos nila ay sinumulang isa-ulo, isulat, at ipasa ang mga pahayag ni Propeta Muhammad at inilarawan ang kanyang mga kaugalian. Dahil maraming mga natatanging indibidwal na nagsimulang likumin ang daan-libong mga salaysay, kinakailangang mahanapan ng paraan na makilala ang mga ulat na totoo mula sa mga hindi totoo. Ang mga pamamaraan na nalikha ang siyang naging agham ng hadith. Ito ang sumala ng mga tunay na kasabihan mula sa mga hindi at nag-uri sa kanila sa ilang mga kategorya.

Ang pag-uuri sa Hadith ay isang maingat na siyensya at nangangailangan ng mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin na itinayo nang higit sa ilang mga siglo. Maraming pamamaraan upang suriin ang ahadith at bago mo mabasa ang isang hadith ito ay nagdaan sa ilang pamamaraan ng pag-uuri, kasama na ngunit hindi limitado sa, mga kamalian na matatagpuan sa matn o isnad, ilang mga tagapag-ulat mayroon sa isnad, o ang pamamaraan na kung saan ang matn ay iniulat. Gayunpaman, ang pinaka-kilala at nakikitang paraan ay suriin ang ahadith ayon sa mga mapagkakatiwalaan at alaala ng mga tagapag-ulat. Sa pamamaraang ito, ang ahadith ay inuuri ayon sa mga sumusunod. bawat hadith ay sinasabing saheeh (tunay), hasan (mabuti), daeef (mahina) o mawdu (gawa-gawa o huwad).

Saheeh

Ito ang pinaka-tunay at maaasahang uri ng ahadith. Batay sa iskolar ng hadith Ibn As-Salah (1181 -1245 CE), ang saheeh hadith ay isa na may tuloy-tuloy na isnad, na ginawa ng mga tagapag-ulat na may mapagkakatiwalaang memorya at malaya mula sa anumang iregularidad alinman sa matn o ang isnad.

Sa nakalipas na mga siglo maraming tao ang lumikom ng mga ahadith at inipon ang mga ito bilang mga aklat reperensya. Ang pinaka-kilala sa paglilikom na ito ay sina Imam Al-Bukhari at Imam Muslim. Ang mga pangalang ito ang kadalasang makikita sa mga hadith na sinipi o sa mga talababa (footnotes). Ang mga taong ito ay hindi mga tagapagsalaysay; sa halip sila yaong mga inilaan ang panahon sa pag-likom at pag-uuri ng mga ahadith na may mahigpit na pamamaraan at mga kundisyon/pangangailangan. Kilala sila sa mga isinama lamang ang saheeh ahadith sa kabuuan ng kanilang panitikan.

Ang mga sumusunod na pagmamarka sa mga antas ay para sa saheeh ahadith lamang.

1.yaong mga itinala nina Al-Bukhari at Muslim;

2.yaong itinala ni Al-Bukhari lamang;

3.yaong itinala ni Muslim lamang.

Yaong hindi matatagpuan sa mga nabanggit na mga koleksyon sa itaas: ngunit

4. Sumasang-ayon sa mga kinakailangan ni Al-Bukhari at Muslim;

5.Sumasang-ayon sa mga kinakailangan ni Muslim lamang; at

6.yaong inihayag na saheeh sa ibang mga katanggap-tanggap na mga koleksyon.

7. yaong inihayag na saheeh sa ibang mga katanggap-tanggap na mga koleksyon.

Hasan

Ang terminong hasan ay nangangahulugang mabuti, at si Ibn As-Salah ay isinalarawan ang hasan hadith bilang isang antas na mas mababa sa saheeh hadith. malaya ito sa anumang iregularidad kapwa matn at ang isnad ngunit ang isa o higit pang mga tagapag-ulat ay maaaring mayroong hindi mapapanaligang memorya, o ang hadith na kulang sa mahigpit na mga alituntunin sa pag-uuri ng saheeh.

Kapwa ang saheeh at hasan ahadith ay magagamit upang makatulong o makapaglinaw ng isang punto ng batas. Ilan sa mga ahadith na itinuturing na daeef ay maaaring itaas sa antas na hasan kung ang kahinaan ng mga tagapag-ulat ay itinuturing na banayad. Gayunpaman, kung ang kahinaan ay mabigat, ang hadith ay mananatiling daeef.

Daeef

Ang hadith na nabigong marating ang katayuan ng pagiging hasan ay tinatawag na daeef. Kadalasan, ang kahinaan ay sirang isnad o ang isa o karamihan sa mga tagapag-ulat ay may kapintasan sa pagkatao. Siya ay maaaring kilala sa pagsasabi ng kasinungalingan, madalas na nagkakamali, tumutuligsa sa mga salaysay ng mas mapapanaligang pinagmulan, sangkot sa mga pagbabago, o mayroong ilang kalabuan sa pag-uugali.

Mawdu

Ang mawdu hadith ay alinman sa gawa-gawa o huwad. Ang matn ng isang mawdu hadith ay kadalasang taliwas sa itinatag na mga pamantayan o nagtataglay ng ilang kamalian o pagkakaiba sa mga petsa o mga oras ng isang partikular na pangyayari. Maraming mga dahilan kung bakit ang ahadith ay dinadaya at ito ay kinabibilangan ng, alitang pulitikal, gawa-gawa ng mga tagapagsalaysay, kasabihan na ginawang ahadith, personal na pagpapalagay at sinadyang panlilinlang na propaganda.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.