Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
Deskripsyon: Tatlong bahaging aralin na tumatalakay sa buhay ni Propeta Muhammad matapos ang paglipat sa Madina hanggang sa kanyang pagpanaw. Ikatlong bahagi: Kasunduan sa Hudaybiya at ang paglaganap ng Islam pagkatapos nito, ang paglalakbay sa Mu’tah, ang pagsakop sa Makkah, at panghuli ay ang pagpanaw ng Propeta.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 76 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,415 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang malaman ang tungkol sa kasunduan sa Hudaybiya.
·Upang maunawaan ang bunga ng paglaganap ng Islam.
·Upang malaman ang tungkol sa ekspedisyon ng Mu'ta.
·Upang malaman ang tungkol sa pagsakop sa Mecca at ang Pilgrimahe ng Pamamaalam.
·Upang malaman ang tungkol sa pagkamatay ng Propeta.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Kabah - Ang kuwadradong-hugis na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Ito ay nagsisilbing pananda kung saan ang lahat ng Muslim ay humaharap kapag nagdarasal.
·Adhan - ang Islamikong pamamaraan ng mga Muslim sa pagtawag ng mga kaukulang pagdarasal.
·Hajj – Ang pilgrimahe sa Mecca kung saan ang mga nagpipilgrimahe ay nagsasagawa ng kaukulang ritwal. Ang Hajj ay isa sa mga haligi ng Islam, na kung saan bawat Muslim na nasa tamang gulang ay kinakailangang isagawa ito kahit minsan lamang sa kanyang buhay kung may kakayahang pinansiyal at lakas.
Kasunduan sa Hudaybiya
Noong 6 AH, ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nakatanggap ng kapahayagan mula sa Allah, sa anyo ng panaginip, na siya ay dumalaw sa Kabah na ahit ang kanyang buhok. Tumungo siya kasama ang 1400 na mga Muslim upang magsagawa ng pilgrimahe sa Mecca. Isa iyon sa mga sagradong buwan
Kapag nais ng sinumang tribo ang dumalaw sa Mecca, karaniwan nilang ginagawa ito sa mga sagradong buwan kung saan ang labanan ay ipinagbabawal, naglakbay nang hindi nagdadala ng anumang espesyal na mga armas para sa digmaan, dala-dala nila ang mga hayop na iaalay sa Mecca.
Nang matuklasan ito ng mga Quraysh, naharap sila sa problema. Hindi nila mapapayagang makapasok sa Mecca ang isinusumpa nilang kaaway, ngunit sa kabilang banda ay hindi nila maaaring pigilan o saktan sila o manganib na mawalan ng dangal sa buong Arabya.
Ang mga Muslim ay nakarating sa isang kapatagan na kilala bilang Al-Hudaybiya, malapit lamang sa Mecca. Ang Propeta ay nagpadala ng isang tao upang ipaalam sa mga pinuno ng Quraysh na hindi sila dumating upang makipaglaban ngunit upang bisitahin lamang ang Kabah. Ipinahayag din niya na nais nilang pumirma ng kasunduan ng kapayapaan. Napagpasyahan ng Propeta na ipadala si Uthman ibn Affan, na marami pa ring mga koneksyon sa mga tribo sa Mecca, upang makipag-ayos ng kasunduan sa Quraysh. Nagkaroon ng usap-usapan na si Uthman ay napatay, na nangangahulugan ng hayagang deklarasyon sa pakikipagdigma. Ang Propeta ay umupo sa lilim ng isang puno kung saan ang bawat kasamahan ay nangako na susuportahan nila ang Propeta hanggang sa kamatayan. Gayunpaman, ang bulung-bulungan ay napatunayang hindi totoo.
Ang mga taga-Mecca ay nagpadala ng isang delegado na gumawa ng isang kasunduan ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
1.Ang mga Muslim at Quraysh ay hindi makikipaglaban sa bawat isa sa loob ng sampung taon.
2.Ang mga Muslim ay babalik sa Madina at hindi papayagang bisitahin ang Kabah sa taong iyon. Gayunpaman, sila ay pinapayagang bisitahin ang Kabah sa susunod na taon sa loob ng tatlong araw lamang.
3.Kung ang isang Muslim mula sa Madina ay nagpasya na umalis sa Islam at bumalik sa Mecca, sila ay papayagan na gawin ito. Gayunpaman, kung ang sinuman mula sa Mecca ay nagpasya na tanggapin ang Islam at pumunta sa Madina, siya ay ibabalik sa Quraysh.
4.Ang kapwa partido ay maaaring gumawa ng mga alyansa sa anumang mga tribo na kanilang naisin, at sila rin ay sakop ng kasunduan.
Ang paglaganap ng Islam
Pagkatapos ng kasunduan na ito, ang mga Muslim at mga Arabong sumasamba sa diyos-diyosan ay nagsimulang magkaroon ng malayang ugnayan at regular na nagkikita-kita. Sa loob ng sumunod na dalawang taon, mas maraming mga tao ang tumanggap sa Islam kaysa noong nakaraang labing walong taon.
Nang sumunod na taon, ang Sugo ng Allah ay nagpadala ng kinatawan na may dalang liham para sa mga pinuno ng lahat ng pangunahing maykapangyarihan sa palibot ng Arabya. karamihan sa mga liham ay magkakatulad: nagsisimula ito sa pangalan ng Allah, ipinapahayag na si Muhammad ay Sugo ng Allah, inanyayahan ang mga pinuno na tanggapin ang Islam at binigyan sila ng babala na kung tatanggihan nila ay dapat nilang tanggapin ang pananagutan ng pagpigil na makarating ang mensahe sa kanilang mga tagasunod. Ang hari ng Abyssinia at ang hari ng Bahrayn ay tinanggap ang Islam habang si Kisra, ang emperador ng Persia, ay galit na pinunit ang liham at pinatay ang Muslim na kinatawan. Ang pinuno ng hilagang Arabya ay galit ring tumugon at nagbanta na sasalakayin ang Madina.
Ang hari ng Egypt, Muqawqas, ay magalang na tumanggi na tanggapin ang Islam ngunit nagpadala ng mga regalo sa Propeta bilang pagpapakita ng mabuting pakikitungo. Tinanggap ng Propeta ang gayong mga kaloob at pinanatili ang pakikipagkaibigan sa kanya.
Ekspedisyon ng Mu'tah
Ang isang pangkat ng mga Muslim na naglalakbay patungong Syria ay pinatay ng tribong Ghassan, na kaalyado ng mga Romano. Ang Propeta ay kailangang tumugon, kaya't siya ay nagpadala ng 3000 mga sundalo na pinangunahan ni Zayd ibn Thabit. Batid niya na ito ay malapit sa teritoryo ng Romano at lubos na nalalaman ang napakalaking puwersa na taglay ng mga Romano. Gayunpaman, ipinahayag niya na kung mamatay si Zayd, papalit si Ja'far ibn Abi Talib at, kung siya ay mapatay, si Abdullah ibn Rawaha ang papalit. Ang kanilang hukbo ay may bilang na mahigit sa isang daang libong mga sundalo. Ang labanan ay nagsimula at ang lahat ng tatlong pinuno ay napatay. Pagkatapos nito, itinalaga ng mga Muslim si Khalid ibn al-Walid na pamunuan ang hukbo na nagawang makaatras na hindi nalagasan ng maraming buhay. Nang marating nila ang Madina, labis na nalungkot ang Propeta na ang sarili niyang ampon na lalaki at pinsan ay napatay. Ngunit ang Propeta ay labis na ipinagmamalaki ang matalinong estratehiya ni Khalid at binansagan siya bilang 'ang tabak ng Allah'.
Pagsakop sa Mecca
Noong 8 AH, ang tribo ng Bakr ay nilusob ang isang tribo na kaalyado ng mga Muslim, isang paglabag sa kasunduan sa Hudaybiya. Agad na humingi ng tulong ang tribo sa Propeta, dahil ang Bakr ay kaalyado ng Quraysh. Nang maglaon ay napag-alaman na ang Quraysh ang nagtustos sa kanilang kaalyado ng mga arams upang ilunsad ang pag-atake. Alam ng mga Quraysh na sila ay nagkasala kaya't ipinadala si Abu Sufyan sa Madina upang subukan na muling isaayos ang kasunduan. Pagkalipas ng ilang linggo, ipinag-utos ng Propeta sa hukbo ng Muslim na palibutan ang Mecca na umaasang susuko sila na hindi lumalaban. Pinatawad niya ang lahat ng tao at marami ang tinanggap ang Islam dahil sa kanyang kabaitan. Tinanggal ng Propeta ang bawat rebulto sa Kabah at tinawag ni Bilal ang Adhan mula sa bubong nito.
Pilgrimahe ng Pamamaalam
Bago ang pagtatapos ng 9 AH, ipinabatid ng Propeta sa lahat ng tribo sa palibot ng Arabya na binabalak niyang personal na isagawa ang Hajj.
Habang ginagawa ang mga ritwal na nauugnay sa pilgrimahe, tumayo ang Propeta sa isang bundok sa Arafat at nagtalumpati sa madla na tinatayang nasa 150,000 na mga Muslim, na kilala bilang ‘sermon ng pamamaalam’. Ang pananalita ay binubuo ng mga sumusunod na rebolusyonaryong mga punto:
·Lahat ng interes sa mga pautang ay kanselado.
·Lahat ng mga paghihiganti ng tribo sa mga nakaraang mga pagpatay ay ipinapahinto.
·Ang mga kababaihan ay may karapatan sa mga kalalakihan, at ang kalalakihan ay dapat maging maingat upang matupad ang mga karapatang iyon.
·Ang dugo at ari-arian ng Muslim ay banal, kaya walang sinuman ang dapat lumabag sa kabanalan na walang katarungan.
·Walang Arabo ang nakakahigit sa hindi mga Arabo, at vice versa.
· Ang kulay ng iyong balat ay hindi tumutukoy sa kahigitan.
Pagpanaw ng Propeta
Mga dalawang buwan pagkatapos bumalik mula sa Mecca, ang sugo ng Allah ay tinamaan ng mataas na lagnat at pananakit ng ulo. Makalipas ang ilang araw, malubha ang kanyang karamdaman na maging ang pagpunta sa moske ay hindi na na niya magawa. Bawat sandali na siya ay naglilinis ng katawan at sinusubukang tumayo, siya ay nahihimatay. Samakatuwid, sa muli niyang pagbangon, sinenyasan niya si Abu Bakr na pamunuan ang mga tao sa panalangin, habang siya ay nagdarasal sa kanyang silid. Ito ay nagpatuloy ng ilang araw hanggang sa siya ay tuluyan ng pumanaw noong umaga ng ika- 12 ng al-Rabi al-Awwal. Ang kanyang misyon ay nakumpleto na. Naiparating na niya ang mensahe ng Islam at binunot ang idolatriya at mga panlipunang bisyo mula sa buong Peninsula ng Arabya.
Nakaraang Aralin: Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
Susunod na Aralin: Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba