Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Mga uri ng pagmamahal, ano ang kahulugan ng pagmamahal sa Allah at ano ang mga kinakailangan nito, at ang kaugnyan sa pagitan ng pagmamahal sa Allah at pagsamba.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 103 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,741 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Maunawaan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal.
·Maunawaan kung ano ang ibig ipakahulugan ng pagmamahal sa Allah at ang mga kinakailangan nito.
·Mapahalagahan kung paanong ang pagmamahal sa Allah ay naiiba sa iba pang uri ng pagmamahal.
·Maunawaan ang ugnayan ng pagmamahal sa Allah at pagsamba.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hajj – Ang paglalakbay patungong Makkah kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng espesyal na pagsamba. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na ang isang Muslim na nasa wastong gulang ay dapat isagawa ito ng kahit isang beses sa kanyang buhay kung siya ay may pinansyal at pisikal na kakayahan.
·Salah - ay salitang Arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
Ang pagmamahal ay isang mahalagang phenomena na ayon sa ibang mga iskolar ay walang depinisyon, nalalaman lamang ito base sa mga epekto nito. Ang pagmamahal ay nakakategorya sa iba't-ibang uri ayon sa Islamikong pananaw. Ang ilang uri ng pagmamahal ay nakakabuti at hinihikayat, meron din namang nakakapagpasisi. Ang ilan sa mga tao o bagay na ating minamahal ay likas at hindi natin nakokontrol, samantalang meron ring iba na mabubuo paglipas ng panahon at lumalago na nagiging matitibay na relasyon.
Ang unang uri ng pagmamahal ay emosyonal na pagmamahal, tulad ng pagmamahal sa magulang, mga anak, at asawa. Gayunpaman, ito ay nagdedepende, halimbawa, ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay maaring iba sa pagmamahal ng isang tao sa kanyang asawa. Sa mga mag-asawa, ang pagmamahal ay magiging mas matibay kung may mga katangian na pinahahalagahan ng isa’t isa tulad ng kagandahan, kayamanan, matatag, o relihiyoso. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay hindi kontrol ng isang tao. Ang isang tao ay hindi responsable sa Allah kung mas mahal niya ang isa niyang anak kaysa sa iba pa niyang mga anak.[1]
Ang pagmamahal sa magulang ay likas din dahil sa ang isang bata ay may likas na inklinasyon na mahalin niya ang kanyang magulang. Ang isang bata ay nakakakuha ng pagmamahal at seguridad mula sa kanila at napapagtanto ang hirap na kanilang pinagdaanan sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Karagdagan dito, mahal din ng isang tao sa kanyang mga kamag-anak at miyembro ng pamilya.
Ang pangalawang kategorya ng pagmamahal ay ang romantikong pag-ibig na mahahati rin sa dalawang pang klase. Ang unang klase ay ang isang taong may minahal, ngunit sa takot niya sa Allah at hindi niya hinahayaan ang sarili sa anumang ipinagbawal ng Allah at nanatiling mahinhin. Ang pinakamainam na solusyon sa isang taong totoong nagmamahal ay magpakasal hanggat maari. Kung hindi ito itinakda, dapat itong iwasan para sa takot na mahulog sa anumang ipinagbawal ng Allah.
Ang pangalawang klase ay kung ang romantikong pag-ibig ay maging pagkahumaling. Kadalasan ang pagkahumaling ay ang nagkokontrol sa tao at nagiging pangunahing layunin ng kanilang buhay. Sa makatuwid, ang sobra-sobrang 'pag-ibig' ay ipinagbabawal at makasalanan. Ang mga iskolar ay nagpalagay na ito ay isang karamdaman ng puso na nagpapahirap sa pusong walang pagmamahal sa Allah. Ang mga alituntunin ng Islam ay naglagay ng mga pangkaligtasan para protektahan ang mga tao mula sa mga mapanirang emosyon na hindi nila kayang kontrolin.
Ang huling kategorya ay ang pinaka-maringal at pinaka-purong uri ng pagmamahal, ang pagmamahal sa Allah. Ang isang Muslim ay dapat magtanim ng ilang simpleng bagay sa kanyang isipan:
Una, ang pagmamahal sa Allah ay hindi opsyonal; ito ay kinakailangan sa bawat Muslim. Ito ay mahalagang sangkap ng paniniwala ng isang tao tulad ng nabanggit ng Allah sa Qur'an: (ayun sa salin ng kahulugan)
“…Datapuwa’t ang mga nananampalataya ay may nag-uumapaw na pagmamahal sa Allah...” (Quran 2:165)
Pangalawa, ang pagmamahal sa Allah ay naiiba sa lahat ng uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal sa Allah ay hindi inaangking taglay; ito ay nananahan sa puso. Ang mga maalam na iskolar ng Islam ay tinuturing ang pagmamahal na 'gawain' ng puso, isang bagay na humihimok sa puso at nagpapakilos sa tao na sumunod sa Allah at iwanan ang paggawa ng kasalanan. Ang pagmamahal sa Allah ay matinding nauugnay sa konsepto ng pagsamba sa Islam at paniniwala ng isang tao. Ang pagsamba ay bunga ng pagmamahal sa Allah ng isang tao. At ang pagmamahal sa Allah ay tumutugon sa layuning ito. Ang pag-ibig ay ang ningas ng pagsamba na nagpapanatili nito bilang isang kagawian. Lahat ng mga gawaing debosyon, pagsamba, at pagsunod ay nagmumula sa bukal nito. Nakasaad sa depinisyon ng pagsamba na ito ay lahat na gawaing mahal ng Allah at Kanyang ikinalulugod. Ang pagmamahal ay pumapasok sa lahat na mabuting ating ginagawa. Kapag tayo ay nagsasagawa ng salah, nagbabasa ng Qur'an, nag-aayuno, nagsasagawa ng Hajj, nagbibigay kawang-gawa, o inaalaala ang Allah, ang pagmamahal sa Kanya ay dapat bahagi ng mga ito.
Pangatlo, ang pagmamahal sa Allah ay naiiba sa likas-emosyonal na uri ng pagmamahal na inilarawan sa itaas. Ang tunay na pagmamahal sa Allah ay laging sinamahan ng isang pagkamangha sa harapan ng Kanyang kabanalan at kaluwalhatian, isang pakiramdam ng pagiging maliit o halos walang kabuluhan sa harap ng Dakilang Makapangyarihan. Samantalang ang pagmamahal sa isang asawa o anak ay walang kasamang katulad ng pagkamanghang yaon. Nangangahulugan ito na ang tao ay hindi lamang basta nagsasabi ng, 'Mahal ko ang Diyos' at hahayaan na lamang ito dito, ngunit tunay na isinasagawa ang gawaing minamahal ng Allah at iniiwan ang Kanyang mga ipinagbawal, dahil napapagtanto ng tao ang Kapangyarihan ng Allah at ang kakayahang magbigay parusa.
Pang-apat, ang pagmamahal sa Allah ay nangingibabaw sa pagmamahal kaninuman. Sa tuwing may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa, dapat na unahin ng tao kung ano ang minamahal ng Allah.
Panglima, habang ang isang tao ay mas sumusunod sa Allah at sumasamba sa Kanya ay mas lalong lalago ang kanyang pagmamahal sa Allah.
Talababa:
[1] Ang isang magulang ay hindi maaring mas papabor sa isang anak kesa sa isa sa pagbigay ng regalo at pakitungo. Ipinaguutos sa Islam na ang mga anak ay dapat tratuhin ng patas. Ang pagmamahal sa isang anak na higit kesa sa isa ay bagay na nasa puso lamang na hindi madaling napamamahalaan.
Nakaraang Aralin: Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an