Naglo-load...

Kahalagahan ng Salah

Marka:

Deskripsyon: Maiksing pagtalkay patungkol sa kahalagahan ng pagdarasal sa pagkakataong pumasok na sa katuruang Islam.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 99 - Nag-email: 1 - Nakakita: 18,095 (pang-araw-araw na average: 7)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga panalangin

·Upang maintindihan ang espirituwal na dimensyon ng mga panalangin.

Terminolohiya sa Arabik

·Zakah - obligadong kawang-gawa.

·Salah - ang salitang arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang nananampalataya at Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy ito sa limang beses na pang-araw-araw na pagdarasal at ito ang pinaka-mahalagang uri ng pagsamba.

·Mi’raaj - ang pagakyat ni Propeta Muhammad papunta sa looban ng mga langit.

Ang espesyal na pagdarasal (salah[1]) ay siyang bumubuhay sa islamikong pagsamba, siyang buhay na pagpapahayag ng pagtalima (Islam ). Pinapanatili nito ang isang tumatalima (muslim) na manatiling malapit kay Allah. Ang pag-basa ng may tono ng mga talata sa Qur’an, ang banal na salitang pinagbabasehan ng Islam, ay laging kasa kasamang bahagi ng espesyal na pagdarasal (salah). Dito, masusumpungan ang pinaka dalisay na pagpapahayag ng mga pangunahing bahagi ng Islam.Bilang ritwal na kilos ng debosyon kay Allah, mayroon itong dalawang anggulo: ang legal o tamang pamamaraan at pang kaluluwang aspeto. Ang pangalawa ay ating tatalakayin sa araling ito.

Ang unang tungkulin ng isang indibidwal sa sandaling siya ay naging isang Muslim ay ang pagsagawa ng pagdarasal. Ang mga pagdarasal ay obligado sa lahat na Muslim, lalaki man o babae, limang beses sa isang araw pagkatapos nilang ideklara ang shahada o sila ay pumasok na sa islam, habang sila nabubuhay. Ang espesyal na pagdarasa (salah) ay ang pangalawang haligi ng Pagsubmita (Islam), pagkatapos ng dalawang Pagsaksi. Siya man ay mayaman o mahirap, malusog o may sakit, naglalakbay man o residente, siya na nagsubmita (Muslim) ay dapat magsagawa ng pagdarasal. [2] Bawat Muslim ay dapat mabatid ang mga patakaran at alituntunin ng tamang pagdarasal at isagawa ang pagdarasal limang beses sa isang araw. Ang karunungan at pagsasagawa ng pagdarasal ang siyang unang prioridad ng bawat bagong Muslim. Kapag ikaw ay bago sa Islam, ang paglakip ng bagong gawi na pang-relihiyon na ginawaga sa wikang hindi pamilyar ay maaaring nakakapanibago at nakakangimi, ngunit sa kalaunan sa pamamagitan ng pagpapasensya at tulong ni Allah ito ay magiging bahagi ng iyong buhay. Ang pagdarasal para sa isang tumatalima (Muslim) ay kasing-halaga ng paghinga, at hindi ito kasing-hirap na tulad ng inaakala.

Ang pagdarasal ay umiikot sa tatlong sukdulang katotohanan sa buhay ng isang Muslim: Allah, Kanyang Sugo, at komuninad. Ang Allah ay palagiang pinupuri, niluluwalhati, pinapasalamatan, at inaalala sa pagdarasal (salah). Ibinabaling ng isang Muslim ang kanyang sarili pang-loob man o panglabas tungo sa Allah. Ang pamamaraan ng pagdarasal ay ang mismong pamamaraan ng Propeta, at panghuli, ang pagdarasal ay nag uugnay sa isang indibidwal sa komonidad ng mga mananampalataya, lalo na kung ginaganap sa bahay-dasalan (Masjid) kasama sa kongregasyon ng bayan.

Ang pagdarasal (salah) ay itinuturing na pinaka-mahalagang kilos ng pagsamba na iniatas sa mga tao. Ito ang gulugod ng pagtalima sa relihiyon ng isang Muslim. Kung walang gulugod, ang katawan ng tao ay babagsak. Tulad nito, kung walang pagdarasal ang islamikong pagsabuhay ng isang indibidwal ay babagsak. Mismong ang propeta ay kinompara ito sa gulugod:

“Ang ulo ng lahat ng bagay ay Islam, at ang gulugod nito ay ang espesyal na pagdarasal (salah)…” (Al-Tirmidhi, ibn Majah)

Sa pagbibigay-diin ng kahalagahan nito, ayon sa sinabi ng Propeta:

“Ang pagitan ng tao at pagtanggi sa pagsamba ay ang hindi pagdarasal (salah)[3]

Ang ibig sabihin nito ay kapag ang tao ay tuluyan nang hindi nagdarasal, dumadausdos na siya tungo sa pagiging suwail sa pagsamba.

Maraming iba pang mga punto na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng espesyal na pagdarasal (salah), mula sa mga ito ay ang mga sumusunod:

- Ang Propeta nang siya ay nasa higaan na babawian na ng buhay ay nagbigay tagubilin sa mga Muslim na pag-ukulan ng atensiyon ang salah.[4]

- Ito ang unang gawaing pagsamba na inobliga sa mga Muslim na inatasang tumupad sa gawaing pagdarasal noong sila ay nasa Makkah bago pa man nangibang-bayan sa Madinah. Ang obligadong kawang-gawa (Zakat[5]), [5]), pag-aayuno, at paglakbay sa Hajj ay ini-atas noong sila ay naroon na sa Madinah.

- Ang unang bagay na tatanungin sa atin sa Araw ng Paghuhukom ay ang salah:

“Ang unang bagay na pananagutan ng isang Alipin sa Araw ng Paghuhukom ay ang Espesyal na Pagdarasal (salah). Kapag ito ay mabuti, ang iba niyang mga gawa ay magreresulta ng mabuti, ngunit kung ito ay sira, ang iba niyang mga gawa ay magreresulta ng sira"[6]

- Si Abraham ay nanalangin sa Panginoon na pagkalooban siya ng mga supling at lahi na tumatalima sa kanilang pagdarasal:

“Aking Panginoon! Gawin mo akong matatag na gumaganap sa aking pagdarasal, at mula sa aking mga supling hanggang kaapo-apohan. O aking Panginoon tanggapin mo ang aking panalangin” (Quran 14:40)

Ang Qur’an ay puno ng mga kautusan sa pagdarasal na nagbibigay-diin sa kahalagahan nito. Ang pagdarasal ay banal na naiparating sa atin sa dalawang pamamaraan. Una, ang Allah mismo ang nag-utos kay Propeta Muhammad, sumakanya ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah, noong siya ay iniakyat tungo sa looban ng mga langit sa paglalakbay na kilala sa katawagang Mi’raaj (Ang Pagtaas). Ang kautusan ng pagdarasal (salah) ay hindi ipinarating o ipinadala sa anghel tungo sa Propeta, bagkus ang Propeta ay iniakyat tungo sa looban ng mga langit para direktang tanggapin ang kautusan na ito. Pangalawa, ang dakilang anghel na si Gabriel ay bumaba para ituro sa Propeta ang Limang Pagdarasal at ang mga oras ng mga ito.



Footnotes:

[1] Salah: Ang iniatas na mga kilos at salita sa pagitan ng pagbigkas ng Allahu Akbar at nagtatapos sa salitang As-Salamu ‘Alaykum.

[2] Ang mga kinakailangan ay naibabagay para sa mga may sakit at para sa mga nasa paglalakbay. Ang may buwanang dalaw na babae ay libreng wag munang magsagawa ng pagdarasal.

[3] Saheeh Muslim

[4] Tulad ng naiulat ni Imam Ahmad, Nisai, and Ibn Majah.

[5] Ang inobligang kawang-gawa na pinapagawa sa mga mayayamang Muslim

[6] Tabarani #???

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Kahalagahan ng Salah

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.