Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
Deskripsyon: Ang araling ito ay tulong sa pagsasaulo ng Aaya tul-Kursi at pagunawa sa kanyang kahulugan.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 108 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,780 (pang-araw-araw na average: 2)
Prerequisite
·Paniniwala sa Allah (2 Bahagi).
Mga Layunin
·Upang matutunan ang salin at kapaliwanagan ng Aaya tul-Kursi sa payak na wika.
Terminong Arabic
·Tawheed – Ang Kaisahan at pagiging Katangi-tangi ng Allah na may kinalaman sa kanyang Pagkadiyos, Kanyang mga Pangalan at mga Katangian at sa Kanyang karapatan na sambahin.
·Salah - salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang araw-araw na panalangin na siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
·Surah – kabanata ng Quran.
·Kursi - luklukan.
Aaya tul-Kursi
Aaya tul-Kursi[1], ang pinakadakilang talata ng Quran, ay ang pang-255th talata ng Surah al-Baqara. Mayroon itong dakilang biyaya kapag binibigkas. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagtagubilin sa atin na bigkasin ito pagkatapos ng bawat obligadong salah at bago matulog. Ang Aaya tul-Kursi ang ay ang pinakamakapangyarihang proteksyon laban sa demonyo.
Teksto, Pagsasatitik, Pagsasalin, at Kapaliwanagan
“Allahu la ilaha illa huwa. Al-Hayyul qayyoom. La ta khuthuhu sinatun walaa nawm. Lahu ma fis samawati wama fil ard. Man thal lathee yashfaau indahu illa bi ithnihi. Yaalamu maa bayna aydeehim wamaa khalfahum. Walaa yuheetoona bi shay-in min ilmihi illa bima shaa. Wa siaa kursiyyuhus samaawaati wal-ard. Walaa yaooduhu hifthuhuma. Wahuwal alee yul atheem.” (Quran 2:255)
اللّهُلاَإِلَـهَإِلاَّهُوَ
Allahu la ilaha illa huwa
Allah – walang ibang Diyos maliban sa Kanya
Ito ay isang pagpapatunay ng Tawheed al-Uloohiya, na walang sinumang Panginoon maliban sa Kanya. Walang sinuman ang karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya. Walang anuman ang sasambahin maliban sa Kanya o katambal Niya. Ito ang ating layunin sa buhay at dahilan ng Allah sa pagpapadala ng mga Propeta at pagpapahayag ng mga Kasulatan. At higit sa lahat, sa aspetong ito tayo ay huhushagan sa Araw ng Paghuhukom.
الْحَيُّالْقَيُّومُ
Al-Hayyul qayyoom
ang Walang-Hanggan, ang Tagapanustos ng (lahat) nang umiiral.
Ang Nagmamay ari ng perpekto at buhay na walang hanggan, na kung saan ay hindi mapangungunahan nang wala o hindi umiiral at hindi kailanman titigil sa pag iral. Siya ang Una na walang pinagsimulan, at ang Huli na walang Hangganan. Walang anuman bago o pagkatapos Niya. Siya ang nagbibigay buhay sa buong sanlibutan, subalit, walang nagbigay ng buhay sa Kanya. Ang kahulugan ng ganap o perpekto na buhay ay pagkakaroon ng ganap na mga katangian katulad ng pandinig, paningin, lakas, at kaalaman. Ang kanyang buhay ay hindi katulad ng buhay ng tao.
Ang Allah ang nagpapanatili sa Kanyang sarili na tumutustos sa lahat ng iba pa. Siya ay hindi nagbabago o nawawala. Ang nilikha ay hindi maaaring umiral kung wala ang Allah na magpapanatili nito.
Ang lahat ng mga bagay na sinasamba maliban sa Allah ay kailanman hindi mabubuhay ng walang hanggan, o di kaya maaasahan ng mga nilikha. Sa halip, umaasa sila sa Allah para sa kanilang pangangailangan.
لاَتَأْخُذُهُسِنَةٌوَلاَنَوْمٌ
La ta khuthuhu sinatun walaa nawm
Siya ay hindi inaantok o natutulog.
Natutulog at inaantok ang mga nilikha, subalit ang Tagapaglikha ay hindi natutulog, o inaantok. Hindi Siya napapagod o nagpapahinga. Hindi katulad ng mga nilikha, Wala Siyang ganoong kakulangan. Siya ay ganap. Taglay Niya ang mga katangi-ang ganap at kataas-taasan.
لَّهُ مَافِيالسَّمَاوَاتِوَمَا فِيالأَرْضِ
Lahu ma fis samawati wama fil ard
Sa Kanya lamang nau-ukol ang anuman na nasa mga kalangitan at anuman ang nasa kalupaan.
Sa Allah nau-ukol ang anumang taglay nila at nasa pagitan nila. Siya ang Kataas-Taasan, Tagapagtustos, ang Hari, ang Tagapangasiwa. Ang lahat ng mga nilikha ay sakop ng Kanyang Kaharian, at magagawa Niya ang anumang nais Niya sa kanila. Anumang bagay na sinasamba maliban pa sa Allah ay walang kapamahalaan o kapangyarihan sa lahat.
مَن ذَاالَّذِييَشْفَعُعِنْدَهُإِلاَّبِإِذْنِهِ
Man thal lathee yashfaau indahu illa bi ithnihi
Sino ang maaaring mamagitan sa Kanya maliban sa Kanyang pahintulutan?
Walang sinuman ang maaaring mamagitan at maging tagapagtanggol sa ngalan ninuman na walang pahintulot o pagnanais mula sa sa Allah. Ang pamamagitan ay mula sa kabutihan at habag ng Allah at nakalaan sa Araw ng Paghuhukom sa mga pahihintulutan lamang ng Allah na mamagitan, kagaya ng mga propeta at matutuwid na tao. Para sa mga yaong sinamba ng tao para mamagitan sa Allah, wala silang karapatan.
يَعْلَمُمَا بَيْنَأَيْدِيهِمْوَمَاخَلْفَهُمْ
Yalamu maa bayna aydeehim wamaa khalfahum
Siya na nakababatid ng (kasalukuyan) bago iyon at kung ano ang mangyayari pagkatapos.
Batid Niya ang kalagayan ng Kanyang nilikha. Alam Niya kung ano ang naganap, nagaganap, at magaganap. Alam Niya ang lingid at ano ang hayag. Alam Niya kung ano ang nakamit ng Kanyang mga nilalang at kung ano ang nawala. Alam Niya kung ano ang kanilang nagawa sa nakaraan at kung ano ang kanilang magagawa sa hinaharap. Alam Niya kung ano ang kanilang inilihim at ano ang kanilang inilantad. Walang makakalusot sa Kanyang Kaalaman. Walang makalilito sa Kanya. Walang hanggan ang Kanyang kaalaman, habang ang mga nilalang ay may hangganan.
وَلاَيُحِيطُونَبِشَيْءٍمِّنْعِلْمِهِإِلاَّبِمَا شَاء
Walaa yuheetoona bi shay-in min ilmihi illa bima shaa
at hindi nila mababatid ang anuman sa Kanyang kaalaman maliban kung anu man ang Kanyang naisin.
Pinagpala ng Allah ang tao sa ibinigay na kaalaman, subalit lumawak man ang kaalaman ng tao, mananatili itong isang bula sa karagatan kumpara sa banal na kaalaman. Hindi lubusang nakikilala ng tao ang kanilang sarili, Papaano nila naiisip na magtamo ng kaalaman mula sa Lingid o hindi Nakikita? Walang sino man sa mga nilalang ang nakakaalam sa Lingid o hindi Nakikita, maliban sa mga propeta na pinagkalooban ng kaalaman tungkol dito.
وَسِعَكُرْسِيُّهُالسَّمَاوَاتِوَالأَرْضَ
Wa siaa kursiyyuhus samaawaati wal-ard
Ang Kanyang Kursi ay sumasaklaw sa langit at sa lupa,
Katulad ng banal na kaalaman na sumasaklaw sa lahat ng nilalang, ang Kursi – luklukan – ay sumasaklaw sa buong kalawakan. Ito ang kadakilaan ng Allah.
وَلاَيَؤُودُهُحِفْظُهُمَا
Walaa yaooduhu hifthuhuma
at ang pagpapanatili ay hindi mahirap sa Kanya.
Walang anuman ang makapagpapahina sa Kanya. Malaki o maliit, madali o mahirap, marami o kakaunti, dakila o aba – ang Allah ang nagpapanatili ng lahat at hindi ito mahirap para sa Kanya.
وَهُوَالْعَلِيُّالْعَظِيمُ
Wahuwal alee yul atheem
At Siya ang Kataas-taasan, ang Pinaka-Dakila.
Ang Allah ang Kataas-taasan; walang anuman ang nakahihigit sa Kanya, at walang katulad Niya. Ang Kataas-taasan ay higit pa sa lahat ng pagsasalarawan at unawa. Ang Allah ang nagtataglay ng kamahalan at kabanalan, ganap at luwalhati, kagandahan at karingalan. Walang anuman ang higit pa sa Kanya sapagkat ang Allah ang sukdulan, ang pinaka-Dakila.
- Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Ang Kahalagahan ng Pagdarasal
- Mga Kinakailangan sa Pagdarasal
- Kalinisan sa Islam
- Ritwal o espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Ritwal o espesya na Paglinis (Wudoo)
- Pagdarasal ng Dalawang Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Tatlong Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Apat na Yunit o Raka'a
- Pangkalahatang punto hinggil sa Panalangin
- Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
- Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog
- Tadhana ng mga hindi Muslim
- Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
- Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi
- Makikita ba natin ang Allah?
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)
- Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)
- Pagkain – Sa pamamaraang Islamiko (bahagi 1 ng 2)
- Pagkain – Sa Islamikong Paraan (Bahagi 2 ng 2)
- Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
- Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
- Pangitain / Pamahiin
- Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan