Naglo-load...

Tadhana ng mga hindi Muslim

Marka:

Deskripsyon: Ang Islamikong paninindigan sa kapalaran ng mga hindi-Muslim, na dumating bago at pagkatapos ng pagdating ng Islam.

Ni NewMuslims.com

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 102 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,886 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Kinakailangan

·Isang pambungad sa mga Haligi ng Islam at mga Saligan ng Pananampalataya (2 bahagi).

Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa mga Hudyo at mga Kristiyano na pinangakuan ng Paraiso sa Quran.

·Upang matutunan ang tamang kahulugan ng dalawang madalas na hindi maunawaang mga talata ng Quran.

·Upang malaman ang tungkol sa Islamikong katayuan hinggil sa tadhana ng mga di-Muslim.

Mga Terminolohiyang Arabik

Tawheed – Ang Kaisahan at pagiging Katangi-tangi ng Allah na may kinalaman sa Kanyang Pagkapanginoon, Kanyang mga Pangalan at Katangian at sa Kanyang karapatan na sambahin.

·Shirk – isang salita na tumutukoy sa pagkakaroon ng katambal sa Allah, o pagpagpapahiwatig ng mga katangiang banal maliban pa sa Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod sa Allah.

·Kafir – (plural: kuffar) hindi naniniwala.

Ang mga Hudyo at mga Kristiyano na pinangakuan ng Paraiso sa Quran

Ang mga Hudyo at mga Kristiyano na pinangakuan ng Paraiso sa Quran ay mga Muslim na totoong mga monoteista, isinasabuhay ang tawheed, naniniwala sa mga propeta, hindi nakagawa ng shirk sa Allah, at namatay bago ang pagkapropeta ni Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Ang kadalasang hindi maunawaang talata ng Quran ay tumutukoy sa kanila:

“Katotohanan, yaong mga naniniwala at yaong mga Hudyo at mga Kristiyano, at mga Sabyano (bago si Propeta Muhammad) - yaong (mga kabilang sa kanila) na naniniwala kay Allah at sa Huling Araw at nagsigawa ng kabutihan ay magkakamit ng kanilang gantimpala mula sa kanilang Panginoon, at sila ay walang dapat pangambahan, at sila ay hindi magkakaroon ng kalumbayan.” (Quran 2:62)

Ang mga iskolar ng Islam ay sumangayon na ang talatang ito ay hindi tumutukoy sa mga yaong naniniwala kay Hesus bilang anak ng Diyos, o inihahalintulad si Hesus sa Diyos, o yaong naniniwala na ang Allah ay mahirap at sila ang mayaman, o tinanggihan si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Ang talatang ito ay tungkol sa mga orihinal na tagasunod nina Moises at Hesus na naniwala sa kanilang propeta at sumamba lamang sa Allah, ngunit pumanaw bago ang padating ni Propet Muhammad. Sa katunayan, ang Quran ay naglalaman ng buong kabanata, Surah al-Buruj (Quran, 85), na nagsasalaysay tungkol sa mga Kristiyanong martir bago ang pagdating ni Propeta Muhammad sa kuwento ng "mga Tao ng Bambang o Kanal (ditch).‘

At para sa talata:

“Katiyakang matatagpuan n'yo sa lipon ng mga tao na ang may pinakamatinding pagkapoot sa mga sumasampalataya ay ang mga Hudyo at Pagano, at inyong matatagpuan na ang may pinakamalapit na pagmamahal sa mga sumasampalataya ay sila na nagsasabi: ‘Kami ay mga Kristiyano.’”(Quran 5:82)

Ang natitirang bahagi ng talata ay nagpapaliwanag ng tamang kahulugan. Ito ay tumutukoy sa mga Kristiyano na yumakap sa Islam, naniwala kay Propeta Muhammad, at dama ang mga katuruan ng Quran. Ang iskolar ng Quran ay nagsabi na ang talatang ito ay tungkol kay Negus at sa kanyang mga kasama na pumasok sa Islam nang lumipat sa Ethiopia ang mga inaping Muslim sa Mecca. Ang Propeta ay nagsagawa ng panalangin sa libing mula sa malayo nang siya ay namatay. Sa nakalipas at maging sa ngayon karamihan sa mga Kristiyano ay yumayakap sa Islam. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga Kristiyano ay nabanggit bilang mga malapit sa pagmamahal sa mga Muslim.

“Iyon ay dahil kabilang sa kanila ay mga pari at monghe, at sila ay hindi mayabang. At kapag kanilang narinig ang ibinaba sa Sugo, makikita mo ang pagdaloy ng luha sa kanilang mga mata, sapagkat batid nila ang katotohanan. Sila ay magsasabi: ‘Aming Panginoon! Kami ay naniniwala; kaya't ibilang mo kami sa mga saksi. ‘At bakit hindi kami maniniwala sa Allah at sa anumang dumating sa amin na katotohanan? At kami ay nagnanais na tatanggapin kami ng aming Panginoon kasama ng mga matutuwid na tao.’ Dahil sa sinabi nilang ito ay biniyayaan sila ng Allah ng mga hardin na kung saan sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, maninirahan sila roon magpakailanman. Iyon ang gantimpala sa mga gumagawa ng mabuti. Ngunit yaong mga hindi naniwala at tumanggi sa Aming mga kapahayagan sila ang mga kasamahan sa Impyerno.” (Quran 5:82-86)

Ang Kasasapitan ng mga Hindi-Muslim

Ang Islamikong paninindigan sa mga Hudyo, Kristiyano, at ibang mga hindi-Muslim bilang kuffar ay hindi nangangahulugang lahat ng hindi-Muslim ay mauuwi sa Impiyerno. Ang mga Tao ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) sa ating panahon ay maaaring hatiin sa dalawang kategorya:

(I) Sa mga yaong ang mensahe ng Islam ay nakarating, kilala si Propeta Muhammad, sa mga yaong nabigyang linaw ang katotohanan ng Diyos, ngunit piniling hindi maniwala sa kanya. Ayon sa mga iskolar na Muslim, sila ang kuffar sa mundong ito at pagkatapos nilang mamatay, sila ay mananahan sa Impiyernong-apoy magpakailanman kung sila ay mamamatay sa kawalang paniniwala, at pagtanggi. Bukod sa mga talata ng Quran na nabanggit nang una, ang Propeta Muhammad ay nagsabi:

“Sumpa man sa Kanya na tangan ang buhay ni Muhammad, siya na kabilang sa komunidad ng mga Hudyo at Kristiyano na nakarinig sa akin, ngunit hindi nanindigan sa kanyang paniniwala na kung saan ako ay ipinadala at namatay sa ganitong kalagayan (ng kawalang-paniniwala), siya ay mapapabilang sa mga mamamayan ng Impiyerno.” [1]

“Kapag ang Araw ng Pagbabangong-Muli ay dumating ang tagapagbalita ay mananawagan: Hayaan ang lahat ng tao na sundin ang kanilang mga sinasamba. Pagkatapos noon lahat ng sumamba sa mga rebulto at bato maliban pa sa Allah ay mahuhulog sa Apoy, hanggang sa ang mga matutuwid at makasalanan mula sa mga yaong sumamba sa Allah at ilan sa mga Tao ng Kasulatan ay matira. Pagkatapos ang mga Hudyo ay ipatatawag, at sasabihin sa kanila: Ano ang inyong sinamba? Sila ay magsasabi: Sinamba namin si 'Uzair, anak ng Allah. Sasabihin sa kanila: Kasinungalingan; Ang Allah ay hindi nagkaroon ng asawa at anak. Ano ang gusto ninyong mangyari ngayon? Sila ay magsasabi: Kami ay nauuhaw, O aming Panginoon! Pawiin mo ang aming uhaw. Sila ay ituturo (sa isang lugar) at pagsasabihan: Bakit hindi kayo pumaroon upang uminom ng tubig? Sila ay itutulak patungo sa Apoy (at sa kanilang labis na pagkadismaya) ito ay isang pangitain lamang (at nagnga-ngalit na ningas ng apoy) na lalamunin ang bawat isa, at sila ay mahuhulog sa Apoy. Pagkatapos ay ipatatawag ang mga Kristiyano at sasabihin sa kanila: Ano ang inyong sinamba? Sasabihin nila: Sinamba namin si Hesus, anak ng Diyos. Sasabihin sa kanila: Kasinungalingan; Hindi nagkaroon ang Allah ng asawa o anak. Pagkatapos ay sasabihin sa kanila: Ano ang gusto ninyo? Sila ay magsasabi: kami ay nauuhaw, O aming Panginoon! Pawiin mo ang aming uhaw, at sila ay dadanas din ng kaparehong kapalaran.” [2]

(II) Ang ikalawang Kategorya: sa mga yaong ang mensahe ng Islam ay hindi nakarating, o nakarating sa kanilang ngunit napalitan, o hindi nila narinig ang tungkol kay Propeta Muhammad. Sila ay susubukan sa Araw ng Paghuhukom. Sila na sumunod ay maliligtas, yaong mga sumuway ay mapapahamak.

Katulad ng makikita, ang kapalaran ng dalawa ay magkaiba sa buhay pagkatapos ng kamatayan, ngunit sa mundong ito ay itinuturing na kuffar ayon sa napagkasunduaan ng mga dalubhasang Muslim. Ano ang ibig sabihin nito? Una, obligado na maihatid ang mensahe ng Islam sa kanila. Pangalawa, ang Islam ang siyang tangi at totoong relihiyon ng lahat ng mga propeta na may pangkalahatang plano ng kaligtasan; lahat ng ibang mga pananampalataya ay mali at hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Allah. Ikatlo, ang mga regulasyon para sa mga di-Muslim ay sumasaklaw sa kanila. Halimbawa, alinman na kung ang mensahe ng Islam ay nakarating man sa mga Muslim o hindi Muslim , ang isang babaeng Muslim ay hindi maaaring ikasal sa isang lalaking Hudyo o Kristiyano. Karagdagan, sila ay hindi maaaring ilibing sa libingan ng mga Muslim. Ang kanilang panalangin para sa libing ay hindi maaaring isagawa ng mga Muslim.

Sa pagtatapos, ang Islam ay isang pangkalahatang relihiyon. Ang pagkakabilang dito ay sumasaklaw sa mga tunay na tagasunod ng lahat ng mga propeta, kabilang sina Moises, Hesus, at Muhammad. Gayunpaman, ito ay hindi para sa mga yaong pinalitan ang katuruan ng mga propeta, at sa mga yaong nanatiling sumusunod sa kamalian kahit na ang katotohanan ay nakarating sa kanila. .



Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Tadhana ng mga hindi Muslim

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.