Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Ang kaugnayan ng pagmamahal kay Propeta Muhammad sa pagmamahal sa Allah. Ang tamang paniniwala, pagsasabuhay, at pag-uugali na nakakatulong sa pagkamit ng pagmamahal ng Allah.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 06 Aug 2022
Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,982 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin
·Maunawaan ang kaugnayan ng pagmamahal kay Propeta Muhammad sa pagmamahal sa Allah.
·Matutunan ang ilan sa mga paraan para makamit ang pagmamahal ng Allah
Mga Terminolohiyang Arabik
·Salah - ay salitang Arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
· Zakah - obligadong espesyal na kawanggawa.
· Sunnah - ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan na nagdedepende sa larangan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang kalimitang kahulugan nito ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa, diskripsyon, at mga pinahintulutan ng Propeta. (At ginagamit din sa kahulugang: kanaisnais gawin na hindi inobliga, depende sa konteksto ng pangungusap).
· Taqwa - Pagdakila at Pagtaglay ng takot sa Allah, debosyon, at paggiging mulat sa presensya ng Diyos. Naglalarawan ito ng estado ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa.
· Shahadah - Pagsasaksi at Pagpahayag ng Paniniwala.
Ika-anim, ang pagmamahal sa Propeta, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay bahagi ng pagmamahal sa Allah. Lahat ng kayamanan at kariwasaan sa mundo ay hindi maaring pumantay sa pagmamahal sa Propeta. Ito ay kailangan pag-usapan sa hiwalay na pagtatalakay.
Ika-pito, ang pagsunod sa Propeta ay tunay na palatandaan ng pagmamahal sa Allah, at Kanyang sinabi sa Qur’an: (sa salin ng kahulugan)
“Sabihin mo [O Muhammad]: 'Kung mahal niyo ang Allah, sundin niyo ako [at] mamahalin kayo ng Allah’” (Quran 3:31)
Ang isang bagong Muslim ay dapat na matutunan sa abot ng kanyang makakaya ang patungkol sa kung paano sumamba at nagdasal ang Propeta sa Allah, ang kanyang gabay at Sunnah sa lahat ng bagay at tularan siya nang may pagmamahal para makamit ang dakilang pagmamahal ng Allah. Walang anumang kamahal-mahal sa Allah o anumang gawain na mapapalapit tayo sa Allah, liban na lamang na ipinaalam ito sa atin ni Propeta Muhammad.
Ang susunod na katanungan para sa atin ay, 'paano ko makakamit ang pagmamahal ng Allah?'
(a) Ang una at pinaka-importanteng paraan para makamit ang pagmamahal ng Allah ay maunawaan ang kahulugan ng Pagsaksi (Shahadah) at isabuhay ito at mamuhay base dito. Ang Laa ilaha ill-Allah ay ang layunin ng pagkakalikha sayo, ang kahulugan ng relasyon mo sa Allah, at ang susi sa pagmamahal ng Allah, at pagpasok sa paraiso. Sinuman na ang kanyang naging huling salita ay ang Laa ilaha ill-Allah sa mundong ito ay papasok sa Paraiso.Dapat din na matutunan ng isang tao ang mga magagandang Pangalan at Dakilang mga Katangian ng Allah. Hindi maaring magmahal ng tunay ng isang tao sa sinuman na hindi niya kilala.
(b) Ang pangalawang pinaka-importanteng paraan para makamit ang pagmamahal ng Allah ay ang pagsagawa ng mga nai-obligang mga gawain kasunod ang mga kusang-loob na mga gawa. Ang pinaka-importante sa mga nai-obligang gawain ay ang matutunan ang salah at gawin ito ng palagian. Kasunod nito ang pag-aayuno, ang obligadong espesyal na kawang-gawa, at pagsagawa ng iba pang mga tungkulin. Ang ilan sa mga iskolar ay nagsasabi na mayroong paraiso sa mundo, kung ang isang tao ay hindi pumasok dito siya ay hindi makakapasok sa paraiso sa kabilang buhay. Ang tao ay papasok sa paraiso dito sa mundo sa pamamagitan ng pagiging masaya sa pagsamba at pagsunod sa Diyos. Sa kalaunan, sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahang pang-kaluluwa, pagpapasensya, makakamtan ang dakilang kabutihang pang-kaluluwa sa pagsasabuhay ng mga tungkulin sa Islam: Ang pagmamahal ng Allah. Ang Propeta (ang habag at pagpapala ng Allah ay mapasakanaya) ay nagsabi: (ayon sa salin ng kahulugan)
“Ang Allah ay nagsabi: Kung sino ang nagpapakita ng pang-aaway sa aking minamahal na alipin, Ako ay nasa pakikidigma sa kanya. At ang aking alipin ay hindi makakagawa ng gawaing ginagawa upang mapalapit siya sa Akin na mas kamahal-mahal sa Akin kaysa nai-obliga ko sa kanya, at ang masugid na pagpapatuloy niya sa pagsagawa ng mga gawaing kusang-loob niyang ginagawa upang mapalapit sa Akin ay sasapit sa kalagayang mamahalin ko siya, at kapag minamahal ko na siya: Magiging Ako ang pandinig niya kapag siya ay nakikinig (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), at paningin niya kapag siya ay titingin (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), at kamay niya na pinangkikilos niya (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), at paa nya na kanyang pinanglalakad (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), kapag humiling siya ay bibigyan ko, kapag nagpapakupkop siya ay poprotektahan ko.”’ (al-Bukhari)
(c) Ang makaramdam ng kasiyahan sa pag-iisa kasama ang Allah sa salah, pagbabasa ng Qur'an, nagmumunimuni bukod sa nakararami kasama ang Tagapaglikha. Tumawag ka sa Allah at sabihin ang iyong mga suliranin, humingi ng tulong, at manalangin sa Kanya sa mga partikular na bahagi ng pagdarasal kung saan ito ginagawa, tulad sa pagpapatirapa. Hindi agad naaabot ng isang tao ang antas na ito sa unang panalangin. Dapat sa isang tao na kanyang pag-sumikapan ang mga nakakagambala, ang kanyang sarili, at ang kasamaan, at mapagpasensya na sanayin na maging masigasig na makamit ang estado sa salah kung saan siya ay makakahanap ng kaginhawaan dito.
(d) Makakamtan ng isang tao ang pagmamahal ng Allah sa pamamagitan ng pagpapalago ng mga katangiang kamahal-mahal sa Allah at pag-iwas sa mga bagay na hindi Niya ginusto. Ang mga katangiang ito ay makikita sa Qur'an at sa mga katuruan ni Propeta Muhammad. Ang ilan sa kanila ay:
Pagpapasensya sa panahon nang ang paniniwala ay inuusig at mali sa pagkaunawa:
“At ang Allah ay nagmamahal sa mga matatatag sa pagpapasensya.” (Quran 3:146) (salin ng kahulugan)
Ang isang bagong Muslim ay dapat na maging mapagpasensya sa panahon na sila ay nakakaharap ng mga pangungutya, pagkawala ng kaibigan, o panunuya dahil sa pagtanggap sa Islam. Dapat silang magpasensya sa pag-aaral ng katuruan ng Islam at pagsasabuhay nito.
Paggawa ng mabuti:
“Tunay na ang Allah ay nagmamahal sa mga nagsasagawa ng kabutihan.” (Quran 3:134, 148).
Ang pagpipigil ng galit, at paggugol sa kawang-gawa, at pag-alam ng mga alituntunin ng pananalangin sa Allah ay sakop ng katergoryang ito.
Taqwa (Takot sa Allah):
“Tunay na ang Allah ay magmamahal sa mga may takot sa Kanya (Al-Mutaqqin)." (Quran 3:76)
Ang Taqwa (Takot sa Allah) ay ang pagtalima sa kautusan ng Allah at ang pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbawal, sa pananamit, pagkain, pag-uugali, pakikipagrelasyon, at iba pang aspeto ng buhay.
Ang patuloy sa taos-pusong paghingi ng kapatawaran sa Allah at pagpapanatili ng kalinisan:
“Tunay na ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik loob sa Kanya at nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay ng kanilang sarili” (Quran 2:222, 9:108) (salin ng kahulugan)
Pananalig sa Allah sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa mga desisyong ginawa matapos ang pagsangguni:
“Katiyakang ang Allah ay nagmamahal sa mga nananalig (sa Kanya).” (Quran 3:159) (salin ng kahulugan)
Pagiging patas:
“Subali’t kung ikaw ay maghahatol sa kanila, hatulan mo sila nang makatarungan. Katiyakan, ang Allâh ay nagmamahal sa mga makatarungan.” (Quran 5:42) (salin ng kahulugan)
Hindi minamahal ng Allah ang:
Pagiging mapagmataas, tulad ng pagtanggi sa katotohanan kahit pa ito ay naging malinaw na:
“Katiyakan, ang Allâh na Kataas-Taasan ay hindi nagmamahal sa mga nagmamataas” (Quran 16:23) (salin ng kahulugan)
Ang pagmamalabis tulad ng pagsasalita patungkol sa Allah at sa Kanyang piniling relihiyon na wala namang nalalaman:
“Ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis” (Quran 2:190, 5:87) (salin ng kahulugan)
Pagtrato ng hindi mabuti sa iba:
“ At ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga Abusado (na sila ay ang mga yaong gumawa ng pagmamalabis at kalupitan sa mga tao)” (Quran 3:57, 42:40) (salin ng kahulugan)
Ang pagiging mapag-aksaya sa pagkain, pag-inom, at pananamit:
“At wag maging mapag-aksaya. Katotohanan, ang Allah ay hindi gusto ang mga mapag-aksaya.” (Quran 6:141, 7:31) (salin ng kahulugan)
Ang paghahasik ng katiwalian tulad ng pag-uudyok sa mga digmaan:
“At ang Allah ay hindi gusto ang mga gumagawa ng kapinsalaan.” (Quran 2:205, 5:64) (salin ng kahulugan)
Paglabag sa mga kasunduan at tipan:
“Katotohanan, ang Allah ay hindi gusto ang mga taksil.” (Quran 8:58) (salin ng kahulugan)
Kasalanan:
“At ang Allah ay hindi gusto ang bawat di-nananampalataya na nagpakalulung sa pagpapakasala.” (Quran 2:276) (salin ng kahulugan)
Pagtanggi sa pagsamba sa kaisahan ng Allah:
“Katotohanan, Ang Allah ay hindi gusto ang mga tumatanggi sa paniniwala.” (Quran 3:32) (salin ng kahulugan)
Pagmamalaki at pagiging maramot:
“Katotohanan, ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang at hambog, sila na mga kuripot at nag-uudyok sa iba na maging kuripot, at nagtatago ng mga biyaya na sa kanila ay ipinagkaloob ng Allah.” (Quran 4:36-37) (salin ng kahulugan)
Panlilinlang sa Allah at sa mga tao:
“Katotohanan, ang Allah ay hindi nagmamahal sa sinumang mapaglinlang na makasalanan. Itinatago nila (ang kanilang masasamang intensyon at gawa) sa mga tao, ngunit hindi nila ito maitatago mula sa Allah, at Siya ay nasa piling nila (sa Kanyang karunungan) kung sila ay magbalak sa kinagabihan, na hindi Niya mapapahintulutan” (Quran 4:107-108) (salin ng kahulugan)
Pagbanggit ng kasamaan:
“Hindi nagugustuhan ng Allah na ilantad ang kasamaan, magkagayunpaman ay pinahintulutan ang inapi na ilantad niya ang masamang gawa ng sinumang nang-api sa kanya.” (Quran 4:148) (salin ng kahulugan)
Nakaraang Aralin: Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an