Naglo-load...

Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Maigsing paglalarawan ng maayos na pagdarasal, unang obligadong gawain ng pagsamba na isinasagawa matapos ang pagyakap sa Islam. Ang Bahagi 2 ay tumatalakay sa kung paano magsasagawa ng pagdarasal ang isang bagong Muslim.

Ni NewMuslims.com

Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 228 - Nag-email: 1 - Nakakita: 21,118 (pang-araw-araw na average: 9)


Mga Layunin

·Upang matutunan kung paano ihanda ang sarili para sa pagsagawa ng salah.

·Upang matutunan ang simpleng paraan ng pagdarasal, pansamantala habang inaaral pa ito, hanggang matutunan ang aktuwal na pagdarasal.

Arabic Terms

·Wudoo – Paghuhugas/Paglilinis.

·Salah - salitang Arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam, tumutukoy ito sa limang obligadong pagdarasal at siyang pinakamahalagang anyo ng pagsamba

·Ghusl – ritwal na pagligo.

·Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha – limang takdang pagdarasal sa Islam.

Ano ang Pagdarasal (Salah)?

·Pagdarasal (Salah) ay ang pagsasagawa ng obligadong panalangin sa takda nitong oras na kinakailangan itayo ng isang Muslim, limang beses isang araw. Ang pagdarasal (Salah) ay binubuo ng mga pahayag at ritwal (hal.: pagtayo, paggyuko, at pagpagpatirapa)

Paghahanda para sa Pagdarasal (Salah)

Mga takdang oras: Ang limang beses na panalangin ay isinasagawa sa mga takdang oras. Ito ang Fajr, Dhuhr, Asr, Magrib at Isha, makikita sa link na ito ang mga takdang oras ng pagdarasal::

http://www.islamicfinder.org/

Ang takdang oras ng pagdarasal ay magkakaiba sa bawat lugar. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong malaman ang tamang oras ng pagdarasal sa iyong kinabibilangang lungsod.

Hindi kinakailangang eksaktong- eksakto sa oras ang pagdarasal, maaari itong isagawa anumang oras bago ang pagsisimula ng susunod na takdang panalangin, maliban lang sa Fajr at Isha. Ang pagdarasal ng Fajr ay kailangang maisagawa bago ang pagsikat ng araw. Dahil dito, kasama sa mga makikita sa iskedyul ng takdang panalangin ang oras ng pagsikat ng araw, subalit, hindi ito nangangahulugan na mayroong espesyal na panalangin para sa pagsikat ng araw. Ang pagdarasal ng Isha ay nararapat isagawa hanggang sa kalagitnaan ng gabi. Ganunpaman, kung kinakailangan, ang Isha ay maaaring isagawa hanggang sa pagsisimula ng oras ng pagdarasal sa Fajr.

Ang Direksyon: : Maari mong gamitin ang website na nabanggit sa itaas upang makita ang direksyon ng Qibla (o kung saan haharap) kapag magdarasal. Ang website ay magpapakita ng iyong lokasyon sa compass matapos mong mailagay ang iyong lungsod.

Ang Pananamit: Ang isang lalaking Muslim ay nararapat magsuot nang damit na magtatakip mula sa kanyang pusod hanggang sa tuhod. Ang isang babaeng Muslim naman ay nararapat magsuot ng mga maluwang na damit na magtatakip sa kanyang buong katawan at buhok maliban sa mukha at kamay.

Dalisay na Kalagayan: Nararapat na nasa dalisay na kalagayan ang sinuman na mag sasagawa ng salah, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng paghuhugas/paglilinis (wudoo’) o paliligo (ghusl) [tinalakay ito sa Part 1]. Kinakailangan rin na masiguro na walang anumang bahid ng dumi (gaya ng ihi at dumi) sa damit o katawan. Maisasagawa ang pagdarasal saan mang malinis na lugar gaya ng sahig, maaaring gamit ang carpet o alpombra o isang sapin. Ang alikabok, putik o grasa ay hindi makasisira ng pagdarasal.

Ang Pagdarasal (Salah)

Ang pagdarasal(salah) ay kinakailangang banggitin sa wikang Arabik at nangangailangan nang pagsasaulo, kaya't, dapat maglaan ng panahon upag matutunan ito nang tama at lubusan. Huwag mawalan ng pagasa sakaling hindi marunong sa Arabik; banggitin lamang ang panalangin (salah) sa abot ng iyong makakaya.

Dapat maunawaan ng isang bagong Muslim na ang kautusan ng Allah ay dapat sundin ayon sa kanyang kakayahan. kung nahihirapan ka sa pagsasaulo ng lahat ng kinakailangan sa pagdarasal, makabubuting pansamantalang isulat muna ito sa piraso ng papel at basahin habang nagdarasal. Kung mahirap pa rin ito sa iyo, sapat nang banggitin ang alin man sa mga sumusunod:

·Subhanallah ‘Gaano ka perpekto ang Allah!’

·Al-hamdu lil-lah ‘Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah’

·La ilaha il-lal-lah ‘Walang ibang diyos maliban sa Allah’

·Allahu Akbar ‘Ang Allah ang Pinaka-Dakila’

Narito ang halimbawa ng 2 yunit na pagdarasal (katulad ng pagdarasal sa Fajr), ayon sa pamamaraang nabanggit sa itaas.

1. Tumayo nang matuwid na nakaharap sa direksyon ng pagdarasal.

2. Itaas ang mga kamay sa balikat at sabihin Allahu Akbar. Tignan ang Larawan 1.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._001.jpg

Figure 1

3. Pagkatapos ay ilagay ang iyong kanang kamay sa ibabaw ng iyong kaliwang kamay at kapwa ilagay sa iyong dibdib. Habang nakatayo, sabihin ang Subhanallah. Tignan ang Larawan 2.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._002.jpg

Larawan 2

4. Pagkatapos ay sabihinAllahu Akbar at yumuko. Tignan ang Larawan 3. Habang nakayuko ay sabihin Subhanallah.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._003.jpg

Larawan 3

5. Mula sa pagkakayuko ay tumayo nang matuwid. Sabihin angAllahu Akbar habang tumatayo. Tignan ang Larawan 4. Banggitin ang Subhanallah.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._004.jpg

Larawan 4

6. Pagkatapos ay magpatirapa. Tignan ang Larawan 5. Sabihin ang Allahu Akbar habang nagpapatirapa. Banggitin naman ang Subhanallah habang nakapatirapa.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._005.jpg

Larawan 5

7. Isunod ang pag-upo gaya nang makikita sa Larawan 6. Habang papaupo, sabihin ang Allahu Akbar. Habang nakaupo naman ay sabihin ang Subhanallah.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._006.jpg

Larawan 6

8. Muling magpatirapa (tignan ang Larawan 5). Sabihin ang Allahu Akbar habang nagpapatirapa. Sa patirapang posisyon ay sabihin ang Subhanallah.

9. Muling tumayo habang sinasabi ang Allahu Akbar at ulitin ang Hakbang 3 hanggang 8.

10. Isunod ang pagupo katulad ng makikita sa Larawan 6. Habang umuupo, magsabi ng Allahu Akbar. Kapag nakaupo na ay sabihin ang Subhanallah.

11. Tapusin ang pagdarasal sa pamamagitan nang pagbaling ng ulo papunta sa kanan at sa kaliwa, na kapwa sinasabi sa magkabilang panig ang As-salaamu alaikum. Tignan ang Larawan 7 at 8.

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._007.jpg

Larawan 7

How_to_Pray_for_a_Recent_Convert_(part_2_of_2)._008.jpg

Larawan 8

Narito ang halimbawa ng 3 yunit na pagdarasal (katulad ng pagdarasal sa Magrib):

Gawin ang hakbang 1 hanggang 10, at pagkatapos ay muling tumayo habang sinasabi ang Allahu Akbar at ulitin ang mga hakbang 3 hanggang 8 at isunod at mga hakbang 10 at 11.

Narito ang halimbawa ng 4 yunit na pagdarasal (gaya ng pagdarasal sa Dhuhr, Asr at Isha):

Gawin ang mga hakbang 1 thanggang 10, at pagkatapos ay muling tumayo habang sinasabi ang Allahu Akbar at ulitin ang mga hakbang 3 hanggang 11.

Ang pamamaraang ito ng pagdarasal ay ipinapahintulot sa iyo hanggang sa matutunan mo ang aktuwal na pagdarasal (na makikita sa ika-2 antas, "Pagdarasal para sa nga Baguhan" na aralin) na maisasagawa naman sa tulong nang pagbabasa ng mga panalangin mula sa isang piraso ng papel.

(Pagtatatwa: Lahat ng mga external link ay inilaan para sa mga layuning pagaaral lamang. Ang NewMuslims.com ay walang pananagutan sa nilalaman ng mga external websites.)

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.